Patrick Garcia and son AJ make up for lost time

Patrick and Alex Jazz spent the whole day together last July 9. The nearly two-year-old AJ, who met his father only last June 27, has quickly learned to call him "Daddy." (Photo shows the father-son reunion at Kendra's birthday party, with Jennylyn Mercado on the left.)


Startalk was able to talk to Patrick Garcia and his mom Bing Garcia during the concert of Usher at the SM Mall of Asia last Friday night, July 9. Ayon sa Startalk, halata raw na masaya ang actor dahil sa nakakasama na nito ngayon ang anak kay Jennylyn Mercado na si Alex Jazz.

Nakasama na ba niyang muli ang anak matapos ang una nilang pagkikita sa birthday ng pamangking si Kendra noong June 27?

"Oo, nailalabas ko na siya. Kanina, magkasama kaming dalawa the whole day," sabi ni Patrick.

Dugtong naman ng ina niya, "Kasama yung mga bata. So, hopefully, maging close na sa amin yung baby."

"DADDY." Ang kasama raw ni AJ na nagpunta sa kanila ay ang yaya at ang lola nito. Ayon pa kay Patrick, "Daddy" raw ang tawag sa kanya ng anak, na napakasarap daw sa pakiramdam niya.

Masaya rin si Patrick dahil open na ang communication nila ni Jennylyn.

"Oo naman, tuloy-tuloy na. Oo naman, civil naman kami. Nag-uusap naman kami."

Natutuwa rin daw ang mommy ni Patrick na maayos na ang sa pagitan ng pamilya nila at pamilya ni Jennylyn.

"Hindi nga lang siya masyadong nakakasama kasi may trabaho siya, e," sabi ni Mrs. Garcia. "So, kasama namin si Mommy Lydia at saka yung yaya. We're all happy at sana naman, maging close-close yung magpipinsan, kasi sila yung lalaki, sila yung magkakatulong, di ba? Sila yung magkaka-partner."

Ang sabi ni Patrick kay Jennylyn through Startalk:

"Well, for Jen, thank you. Thank you for allowing me see my kid and I'm very happy. Don't you worry, I'll love him with all my heart."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN