Piolo Pascual still "working out" relationship with KC Concepcion

"Kasi yung ganyang bagay, habambuhay 'yan, e. So, pag sinabi mong pakakasal ka, kailangan everything is talagang kumpleto na. You let everything fall into place," says Piolo Pascual about settling down.


Si Piolo Pascual ang unang guest ni Toni Gonzaga sa kanyang segment na "T.G.I.S." sa The Buzz. Kahapon, July 11, ang unang araw ni Toni bilang bagong regular co-host ng Sunday showbiz talk show ng ABS-CBN, kasama si Charlene Gonzalez-Muhlach.

Bago ang interview ay nagbalik-tanaw muna si Toni. Sabi niya, malaki ang naiambag ni Piolo sa kanyang career. Sa una raw kasi niyang TV commercial, ang Sprite, si Piolo ang nakasama niya. Naging memorable ang dialogue noon ni Toni: "I love you, Piolo!"

Si Piolo rin ang una niyang na-interview nang mag-guest co-host siya noon sa The Buzz. Nagbiro pa si Toni na muntik na rin daw niyang maging first love si Piolo. Nag-date raw kasi sila noon sa Araneta Coliseum. Nanood sila ng concert ni Gary Valenciano.

Hindi na nga lang nag-elaborate pa si Toni kung may nangyari bang ligawan sa kanila ni Piolo kung kaya nasabi niya yun. Pero nagbiro rin si Piolo na that time ay pumasok daw kasi sa eksena si Direk Paul Soriano, ang boyfriend ngayon ni Toni.

NOAH. Sa interview proper, sabi ni Toni ay naku-curious siya sa Noah, ang bagong primetime series ni Piolo kasama si Zaijian Jaranilla na magsisimula ngayong gabi, July 12. Hindi niya raw kasi alam kung ito ba ang pangalan ng character ni Piolo. Pero sabi ni Piolo, ang Noah ay isang lugar. At Gabriel ang pangalan ng character niya sa Noah.

Anong nangyayari doon sa lugar na Noah?

"Ito yung ideal place. Kumbaga doon nakatira yung Ungtas tribe," sagot ni Piolo, na ang tinutukoy ay ang tribo ng mga taong unggoy.

Sabi ni Toni, napansin niya sa trailer ng Noah na parang yung Hollywood film na Avatar (2009) na may iba't ibang species.

"Ginaya kami ng Avatar actually," biro ni Piolo. "Matagal na ito [Noah], five years na itong nasa baul ng ABS-CBN. Since you know, there's global awareness and sa dami ng nangyayari sa environment, so we wanna do something inspiring naman for our audience."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PIOLO IS AT PEACE. Isa si Piolo sa maituturing na succesful actors sa industriya. Kabi-kabila ang kanyang mga proyekto at isa rin siyang acting awardee. Nasa kanya na halos ang lahat. Meron pa ba siyang hihilingin sa buhay?

"So far naman, lahat naman ng nangyari sa buhay ko after ng how many years ko sa business na ito, bonus na lang naman itong nangyayari. Lagi ko ngang sinasabi, I never thought I can get this far. But you know, dun sa mga nangyayari, sobra-sobra namang blessing na siguro," saad ng aktor.

Kuntento na ba siya kung anong meron siya?

"Oo naman. I'm so at peace," sagot ni Piolo.

If he's so at peace, bakit hindi pa siya nag-aasawa?

"Kasi yung ganyang bagay, habambuhay 'yan, e. So, pag sinabi mong pakakasal ka, kailangan everything is talagang kumpleto na. You let everything fall into place," paliwanag niya.

Nakita na ba niya yung mapapangasawa niya?

"I hope so," sagot ni Piolo na ikinakilig naman ni Toni.

KC CONCEPCION. Dahil aware naman si Toni na ang tinutukoy ni Piolo ay ang co-host niya sa The Buzz na si KC Concepcion, na nali-link ngayon kay Piolo, kaya nagtanong na rin siya about KC.

Ayon kay Toni, "Eighteen pa lang noon si KC niligawan mo na siya. Lumipad lang siya ng Paris [kung saan nag-aral si KC] kaya naudlot. Then bumalik, nagkatrabaho kayo sa Lovers in Paris. Medyo nagkailangan lang ng konti pero pinursue. Lagi kayong nakikitang magkasama. And you love doing things together. So what does that mean? What do you call that kind of relationship?"

"I guess wino-workout ko yung relationship. Pero you wanna grow together. And that's what I'm doing," sabi ni Piolo.

Mahal mo ba si KC, yes or no?

"Let's put it this way. Kung sasabihin ko yun, mas gusto kong sabihin sa kanya kesa sa harap ng mga tao," sagot ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN