Allen Dizon considers end of sexy movies as the turning point of his career

"Masarap na kilalanin kang isang aktor, na alam mo na parang 'yong pinaghirapan mo, 'yong mga sinasabi sa akin dati, parang nawala lahat 'yon. Ang mga kritiko pala, ang mga taong humuhusga sa iyo, 'yon pala ang mga pagsubok na kailangan kong mag-strive. Kailangan kong patunayan sa kanila na hindi lang ako naghuhubad, na kaya kong umarte," says Allen Dizon.


Ipinagmamalaki ni Allen Dizon ang pelikulang Sigwa na tinatampukan din nina Dawn Zulueta, Zsa Zsa Padilla, Gina Alajar, Pauleen Luna, Marvin Agustin, Tirso Cruz III, Megan Young, at iba pa. Naniniwala kasi si Allen na isa ito sa mahalagang pelikula na naglalarawan sa lagay ng bansa noong unang bahagi ng dekada '70.

"Unang-una, isa ito sa mga puwedeng panoorin ng mga hindi naka-witness noong 1970s, during the time of Martial Law. So, maraming makakakita kung paano ang buhay ng aktibista noong time na iyon," pahayag ni Allen sa PEP (Philippine Entertainment Portal) last Saturday, July 10, sa gala premiere ng Sigwa sa Cinemalaya Film Festival sa Cultural Center of the Philippines. (CLICK HERE to read more about this indie film)

Dagdag niya, "Ang Sigwa ay isang importanteng pelikula para sa mga Filipino na dapat panoorin at bigyan ng pansin, kahit na hindi pa sila ipinapanganak noong time na 'yon. Kahit naman ako, hindi ko naranasan 'yong Martial Law. Pero noong time na ginagawa namin 'yong pelikula, marami akong nalaman, may mga bagay na namulat ako bale.

"Thankful din ako na napasali ako dito sa Sigwa. Isa sa mga pangarap ng bawat artista ay ang makasama ang malalaking pangalan, mga biggest name sa movie industry, especially sina Zsa Zsa Padilla at Dawn Zulueta na alam naman natin kung gaano kagagaling. Halos lahat ay award-winning ang mga kasama ko. So, maabot ko lang ng kaunti 'yong level nila ay masayang-masaya na ako."

MEGAN YOUNG. Kumusta naman ang kissing scene niya with Megan Young, na gumaganap bilang asawa niya sa pelikula?

"Okay naman," sagot ni Allen. "Maganda 'yong eksena, maganda 'yong scene namin. Para talagang mag-asawa na kami, romantic 'yong eksena. Kasi si Megan, alam naman natin na hindi naman siya talagang nalilinya sa mga ganitong klase ng pelikula, pa-tweetums ang mga ginagawa niya before. So, first time din niyang gumawa nito for this role and para sa akin, isang hakbang na naman para sa career niya. Isang instrumento na naman ang pelikulang ito para lalo siyang gumaling, sumikat bilang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Professional si Megan at may future, lalo na kung magkakaroon siya ng magagandang roles at mahahawakan ng mga magaling na director."

Nahirapan daw si Allen sa kanyang suicide scene sa pelikula.

"Sa suicide scene ko, doon ako nahirapan. Kasi ang pinanggalingan nun, from the time na humingi ako ng tawad sa asawa ko, si Megan, hindi niya ako pinatawad dahil naging DPA [deep penetration agent] ako. So, dire-diretso 'yon hanggang suicide scene. So, walang pahinga at diretso 'yon, tuhog-tuhog... E, si Direk Joel [Lamangan] pa, ang bilis, di ba? Pero nasanay din ako sa kanya," lahad ng award-winning actor.

TRANSFORMATION. Mula sa pagiging sexy actor ay kilala na ngayon bilang isang serious dramatic actor si Allen. Ano ang pakiramdam niya sa transformation na ito?

"Siyempre malaking ano sa akin 'yon, dahil alam naman natin na hindi lahat ng nag-i-start sa pagpapa-sexy ay nakakakawala sa image na 'yon. Ako, nakawala ako doon siguro dahil na rin sa pagsisikap ko, dahil na rin sa hirap ko kahit paano sa pelikula, sa pagtitiyaga ko. At least nagkaroon ako ng chance at ang mga tao naman ay na-accept nila ako sa ginagawa ko.

"Mahirap 'yong transformation, mahirap makakawala, e. Parang every time na lang na magka-cast sila, 'Si Allen, hindi ba sexy actor 'yan? Di ba, ang mga pelikula ni Allen laging may love scene? Hindi ba laging may nakikitang flesh?' Pero ngayon, at least kahit paano, sinasabi nila na, 'Oy, si Allen magaling 'yan. Maganda 'yong pelikula, maganda 'yong role.' Tapos si Direk Joel pa 'yong nagiging director ko, malaking bagay 'yon," saad niya.

Ano sa tingin niya ang naging turning point para makakawala siya bilang sexy actor?

"Noong mga time na nawala na 'yong sexy films," sagot niya. "Hindi na ipinapalabas sa SM malls, wala na ring nagpo-produce. So, I have to do something, I have to step forward. Hindi lang naman kasi 'yan for the sake of money, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Before kasi, parang bread tripping lang," pag-amin ni Allen. "Gawa ka lang nang gawa, kahit sexy o walang kuwenta. Kasi, at least may pera ka, binabayaran ka sa mga ganoong pelikula. Pero I'm not getting any younger, siyempre tatanda rin ako. So, pagdating na 'yong time na 'yon, natanong ko sa aking sarili kung hanggang doon lang ba ang kaya kong gawin. So, 'yon ang naging turning point ko.

"Ang specific na movie siguro na nag-start nito, yung sa Twilight Dancer na naging support ako ni Tyrone Perez noon, na nanalo ako ng Best Supporting Actor. Yun yung pinaka, doon nag-start. And after Twilight, nag-Paupahan ako, nanalo ako ng Best Actor, tapos Dukot, at itong Sigwa."

Sinabi rin ng aktor ang kanyang nararamdaman ngayong nasa ibang level na siya bilang artista.

"Masarap na kilalanin kang isang aktor, na alam mo na parang 'yong pinaghirapan mo, 'yong mga sinasabi sa akin dati, parang nawala lahat 'yon. Ang mga kritiko pala, ang mga taong humuhusga sa iyo, 'yon pala ang mga pagsubok na kailangan kong mag-strive. Kailangan kong patunayan sa kanila na hindi lang ako naghuhubad, na kaya kong umarte," saad niya.

Ano ang feeling niya na noong nagpapa-sexy siya sa pelikula ay maraming nangungutya na parang sinasabing wala siyang mararating sa kanyang career?

"Siyempre, masakit 'yon sa ego ko, di ba? Parang, alam ko namang kaya kong umarte... Masakit pero... Wala, tatawa na lang ako na parang iisipin ko na lang na siguro ganyan talaga kapag nalinya ka sa ganoon. Na in due time siguro ay makakakawala rin ako sa image na ito. Sinabi ko na lang sa sarili ko na, this is the right time, na darating din ang time na makakakawala rin ako sa pagpapa-sexy. At nangyari naman 'yon, na-achieve ko na 'yong part na 'yon."

Masasabi niya bang talagang graduate na siya sa pagpapa-sexy sa pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masasabi ko talaga na graduate na ako doon," deklara ni Allen. "Kasi, after ng mga ginawa ko dati, kung puwede kong balikan 'yon, sana ay hindi ko na lang ginawa. Pero part talaga ng buhay ko 'yon."


OTHER PROJECTS. Bukod sa Sigwa, kasama rin si Allen sa cast ng Pink Halo-Halo. Nakatakda rin niyang gawin ang pelikulang Alimuom at isang ukol sa Maguindanao massacre.

"May naka-lineup kami, 'yong parang Maguindanao massacre. Hindi ko alam kung ako 'yong journalist doon. Parang gusto yata nila ay babae 'yong journalist, e. Hindi naman siguro ako 'yong magma-massacre, pero gusto ko ay something na medyo kontrabida naman," sabi ni Allen bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN