John Lapus says he has never made an indecent proposal to any male star

"Wala sa artista. Afraid ako, takot ako sa artista, especially sa baguhan na artista. Kasi baka biglang kumembot ng harassment. Biglang gamitin ako sa mga pasikat. Models, inaamin ko. At saka in fairness, naging dyowa ko yun. Dancer, security guard... Pero artista, naku, afraid ako! At saka, chances are, mao-offer-an mo lang diyan yung bago. Baka gimikan ako," says John "Sweet" Lapus when asked if he made any indecent proposal to a male star.


Birthday celebration ni John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central noong Linggo, July 11. Pero ang actual birthday niya ay noong July 7.

Bilang bahagi ng kanyang birthday celebration, si Sweet ang sumalang sa Sweet and Sour edition ng "Don't Lie To Me" segment niya. This time, hindi si Sweet ang nag-interrogate kundi siya ang nakakabit sa lie detector. Ang mga co-host niya sa Showbiz Central na sina Rufa Mae Quinto at Raymond Gutierrez ang nag-interrogate sa kanya, with special guest co-host na si Gelli de Belen.

VICE GANDA. Si Rufa Mae ang unang nagbato ng tanong kay Sweet. Noong nasa kabilang network pa raw si Sweet ay ito ang tumayong mentor ng Showtime resident judge na si Vice Ganda. Ngayong nakagawa na ito ng pangalan sa showbiz, nai-insecure ba si Sweet sa success ni Vice Ganda?

"No" ang sagot ni Sweet at "Truth" ang lumabas na resulta sa lie detector.

Pagkatapos nito ay nagpaliwanag si Sweet. Aniya, "Alam n'yo, 'yang si Vice Ganda, parang little sister ko 'yan. Ang tawag ko nga sa kanya, shobe; ang tawag niya sa akin, achi. Parang ate at saka bunsong kapatid na babae. Napakabait na bata niyan. Kung anuman ang tinatamasa niya ngayong tagumpay, he deserves it. Naghintay siya nang bonggang-bongga.

"And modesty aside," patuloy niya, "hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, lahat naman ng tinatamasa ni Vice Ganda ngayon, natamasa ko na noon. At saka, kapag kapwa ko bakla, bihira akong makipag-compete or ma-insecure."

Hirit na tanong ni Gelli: So, sa babae ka lang nai-insecure?

"Oo!" bulalas ni Sweet. "Lalo na sa magagandang babae tulad mo Gelli na parang pabata ka nang pabata. Alam mo ba, Gagay [title ng pelikula noon ni Gelli], mas maganda ka pa ngayon kesa noong araw. May nagsabi ba niyan sa 'yo?"

JUDY ANN SANTOS. Si Gelli naman ang sumunod na nagtanong. Alam ng marami na super close sila ni Judy Ann Santos, pero nagulat sila na hindi invited si Sweet sa secret wedding nito kay Ryan Agoncillo. At sa bagong pelikula ni Juday with Sarah Geronimo na Hating Kapatid ay hindi rin. May tampo ba siya kay Juday dahil sa mga bagay na yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ilang segundo bago sumagot ng "No" si Sweet at "Lie" ang lumabas na resulta.

Dahil dito ay nagpaliwanag si Sweet. Aniya, "In fairness, hindi. Yung sa wedding, naiintindihan ko yun. At in fairness, invited ako. Dalawang version yun, e. Yung sa Part 2, invited naman ako.

"Yung sa movie naman, baka yung movie nila ni Sarah yun. Para kay Vice Ganda talaga ang role. Sabay yun na sinu-shooting na sinimulan namin yung pelikula naman nina Aga Muhlach at Regine Velasquez, doon naman po ako kasama. Yung pelikula nina Aga at Regine, hopefully, two years from now, maipapalabas na! At saka, meron naman kaming Mamarazzi ni Ms. Eugene Domingo. So, abangan n'yo 'yan."

MOVING ON. Raymond's question to Sweet was kung naka-move na ba siya sa alitan nila ni Jobert Sucaldito?

Swet answered "Yes" and the result was "Truth."

Follow-up question naman ni Gelli ay kung ano ba ang isyu sa pagitan nila?

"Actually, hindi ko na alam kaya nakapag-move on na ako," sabi ni Sweet. "Parang every year, nilalait niya lang ako, inookray niya ako. Pero, okay na. Sanay na siguro ako. And in fairness talaga, I have seen the goodness of Jobert noong magkasama kami. So, ngayon, kung saan man ang pinanggagalingan ng panlalait niya sa akin, e, okay lang. Sanay na ako siguro. Minsan naiinis din ako, pumapatol din ako."

Recently ba ay may nasulat na naman against him si Jobert?

"Parang lately, wala na naman. Kaya dedma na. So, siguro gano'n lang naman talaga. Most likely kapag nagkita kami, magso-sorry na naman siya, iiyak na naman siya siguro, and in fairness, patatawarin ko naman siya. And again, I have seen the goodness of Jobert and again, it is only his job at mas magaling yata siyang manlait kesa pumuri. So, that's it, walang basagan ng trip."

INDECENT PROPOSAL. Si Gelli ang huling nagbato ng tanong kay Sweet: Nag-offer na ba ng indecent proposal si Sweet sa isang male star na type niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No" ang sagot ni Sweet at "Truth" naman ang resulta.

"Wala sa artista. Afraid ako, takot ako sa artista, especially sa baguhan na artista. Kasi baka biglang kumembot ng harassment. Biglang gamitin ako sa mga pasikat. Models, inaamin ko. At saka in fairness, naging dyowa ko yun. Dancer, security guard... Pero artista, naku, afraid ako! At saka, chances are, mao-offer-an mo lang diyan yung bago. Baka gimikan ako," tuluy-tuloy na sabi ni Sweet.

Ang wish naman ni Sweet sa kanyang birthday, sa magiging dyowa niya, siya naman ang hanapin dahil nandito lang daw siya. At the same time, success sa mga shows niya at maging healthy lang siya dahil tumatanda na rin daw siya.

Wish din daw niya na umamin na si Rufa Mae kung sino ang mystery guy nito, at si Pia Guanio naman ay magsalita na sa totoong status nila ni Vic Sotto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN