Barbie Forteza says Maricel Soriano is her peg in Pilyang Kerubin

"Mabait naman po siya kaya hindi naman po mahirap pakisamahan. Siyempre po, noong unang taping, tinatantiya ko po kung mabait po ba. Baka magalit sa akin. Kaya talagang sineryoso ko po. Yung blocking ko, yung linya ko, kinabisa ko po, lahat-lahat," says Barbie Forteza about Diamond Star Maricel Soriano, who makes a special guest appearance on Pilyang Kerubin.


Sina Barbie Forteza at ang Diamond Star na si Maricel Soriano ang magkaeksena nang dumating ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Pilyang Kerubin sa North Cemetery sa Manila noong Biyernes, July 9. Sa naturang sementeryo kasi ang majority ng mga eksenang kinunan.

Special guest si Maricel sa Pilyang Kerubin, na pinagbibidahan naman ni Barbie.

Sa takbo ng kuwento, namatayan ng anak si Regina (Maricel Soriano) at sa libingan ng kanyang anak na rin siya nagpasyang manirahan. Hanggang sa magkakilala nga sila ng Pilyang Kerubin na ginagampanan ni Barbie.


MARICEL AS HER PEG. Nang makausap namin sa taping si Barbie, nabanggit niya na ang lumang pelikula ni Marya ang ginawa niyang peg nang malaman niyang siya ang gaganap bilang Pilyang Kerubin.

Kuwento ni Barbie, "Bale yung Mommy ko po, sinabi niya sa akin na panoorin ko si Ms. Maricel Soriano. Yun daw po ang gayahin ko kaya nag-search po ako sa YouTube ng Inday Bote."

That time, wala raw siyang ideya na magiging guest pala nila si Maricel sa Pilyang Kerubin.

"Noong sinabi po nila na magiging guest si Ms. Maricel, kinausap ko na si Mama. Sabi ko, 'Mama, ano ba ang gagawin ko?' Siyempre, nahihiya po ako sa kanya kasi Maricel Soriano, e. Tinanong ko po kay Mama kung mabait ba po..."

Nalaman namin mula kay Barbie na dati palang lumalabas bilang talent ang kanyang ina kaya nakasama na raw nito si Maricel.

"E, yun nga po, nagkasama na raw po sila. Mabait daw po. Dito ko nga po siya unang nakita sa taping," banggit ni Barbie.

Ano naman ang comment sa kanya ni Maricel?

"Cute daw po!" natatawa niyang sabi.

Hindi ba siya nailang o nahiya?

"Medyo nahihiya naman po," sagot ni Barbie. "Pero mabait naman po siya kaya hindi naman po mahirap pakisamahan. Siyempre po, noong unang taping, tinatantiya ko po kung mabait po ba. Baka magalit sa akin. Kaya talagang sineryoso ko po. Yung blocking ko, yung linya ko, kinabisa ko po, lahat-lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ELMO MAGALONA. Bukod kay Maricel, madalas na ring nakakasama sa taping ni Barbie ang isa pa niyang leading man sa Pilyang Kerubin na si Elmo Magalona.

"Okay po siya, mabait po siya," sambit ni Barbie. "Mas nag-improve po siya kesa noong workshop. Noong workshop po kasi, hindi pa po kami masyadong nakakapag-usap noon. Lahat po kami, naninibago pa po kami sa kanya."

Si Joshua Dionisio ang isa pang leading man ni Barbie.

BARBIE TURNS 13. Sa July 31 ay 13 years old na si Barbie. Pero wala pa raw siyang planong magpa-party. Instead, may gusto itong bilhin sa birthday niya.

"Kasi po, sa September pa raw po mare-release ang gusto kong cell phone, yung Nokia N8," sabi niya.

Wala talaga siyang planong party sa birthday niya?

"Wala po," sagot ni Barbie. "Baka po may taping, e. Kung hindi, lalabas na lang po kami nila Ate. Hindi naman po talaga ako nagpa-party, e."

Now that she's turning 13, magpapaligaw na ba siya?

"Hindi ko pa nga po alam. Depende po siguro kung ready na ako," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN