Marvin Agustin realized the hardship of activists while shooting Sigwa

Marvin Agustin is cast as a militant youth leader in the Cinemalaya entry Sigwa. This Joel Lamangan film will be screened at the Cultural Center of the Philippines until Saturday, July 17.


Nasa ika-anim na taon na ang Cinemalaya sa pagbibigay ng suporta sa independent filmmakers. Simula noong 2005 ay tuluy-tuloy ang Cinemalaya sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga direktor na gumawa ng mga pelikulang hindi madalas na makita sa mainstream movie industry.

Isa sa mga pelikulang in competition ay ang Sigwa na idinirehe ni Joel Lamangan. Bahagi ito ng Director's Showcase category ng Cinemalaya na tatakbo sa Cultural Center of the Philippines (CCP) hanggang Linggo, July 18. (CLICK HERE to read more about this year's Cinemalaya entries.)

Nagkaroon ng star-studded gala night ang Sigwa noong Sabado, July 10, sa CCP nang dumalo ang halos lahat ng cast members ng pelikula. Naroon sina Dawn Zulueta, Gina Alajar, Pauleen Luna, Allen Dizon, Tony Mabesa, Ayen Munji-Laurel, Mon Confiado, at Marvin Agustin.

Naging panauhin din ng gabing iyon sina Gloria Romero, Barbara Perez, Jackielou Blanco, Carla Abellana, Geoff Eigenmann, at Celia Rodriguez.

ACTIVIST TURNED PRESIDENTIAL SPOKESPERSON. Ang Sigwa ay tungkol kay Dolly (Megan Young), isang Fil-Am junior correspondent na naging aktibista nang makasama niya ang militant youth leaders sa Pilipinas. Kabilang si Oliver (Marvin) sa mga aktibista na nakasama ni Dolly sa underground movement, ngunit titiwalag ito sa kilusan.

Thirty-five years later, ang character ni Marvin ay gagampanan na ni Tirso Cruz III na nagtatrabaho na sa gobyerno bilang presidential spokesperson. Si Megan naman ay gagampanan ni Dawn Zulueta.

Unang nagbida sa isang indie film si Marvin para sa romance movie na The Red Shoes. Sa naturang pelikula, naipareha siya kay Nikki Gil. Dito naman sa Sigwa, ang kanyang girlfriend sa pelikula ay si Pauleen Luna.

Ayon kay Marvin, "[I'm] very excited dahil yung mga ganitong mga pelikulang ginagawa sa Cinemalaya, I don't get to do these kinds of film sa mainstream. Kaya masuwerte kaming mga actors na meron kaming another venue para ma-showcase ang [aming] mga talents."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Marvin kung ano ang naramdaman niya nang gumanap siya bilang aktibista sa Sigwa.

"Mahirap. Mabigat. Ganun pala. Parang naramdaman namin, nagsu-shooting kami. What more yung nararamdaman ng mga aktibista talaga, para ipaglaban lang yung karapatan, ipaglaban kung ano dapat yung [gawin] sa bansa? Nagkaroon tuloy kami ng pakiramdam kung gaano kahirap ipaglaban yung isang bagay na sa tingin mo tama," saad niya.

Ano ang pinakaaral o mensahe ng pelikulang Sigwa?

"[Kung] mayroon tayong gusto iparating, maraming ways," sagot ni Marvin. "Nung panahon na yun, rally, sa kalye ginagawa ang paglaban. Ngayon, marami na rin ibang paraan: media, Internet. So, kung mayroon kang gusto iparating o ipaglaban, gawin mo."

Sa Sigwa, mapapanood rin sina Lovi Poe, Pauleen Luna, Allen Dizon, at Jay Aquitania bilang mga militant youth leaders. Habang nagra-rally sila, mararanasan nila ang gamitan ng water cannon at nang mahuli sila, dumanas pa sila ng physical at psychological torture sa kamay ng military.

(CLICK HERE to read more about Sigwa.)

BOOMING BUSINESS. Bukod sa pagiging aktor, kilala na rin si Marvin bilang isang restaurant owner. Kamakailan lang ay ginawaran ang kanyang restaurant na John and Yoko sa Greenbelt 5 ng Excellence in Store Operations, isa sa mga malalaking awards na ipinamimigay ng Ayala every year.

"Actually, very thankful kami sa mga staff namin, sa waiters namin, sa chef namin, and most especially sa partner ko, si Ricky Laudico. And of course sa mga customers, sa mga clients namin. So for three straight years, kami yung nananalo," masaya niyang sabi.

TV PROJECTS. Sa kasalukuyan, parte si Marvin ng GMA-7 fantaserye na Pilyang Kerubin na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, at Elmo Magalona.

"I'm guesting now sa Pilyang Kerubin," sabi niya. "I get to do a role ng isang anghel kaya excited. Mabait na role but eventually may twist din, e, kasi fallen angel ako. I'm happy with GMA-7. After Panday Kids, now I'm a guest in Pilyang Kerubin. And still, mapapanood nila ako sa Party Pilipinas. And ito sa movies, Sigwa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IKAW ANG PAG-IBIG. Ang kanyang susunod na pelikula ay ang Ikaw ang Pag-ibig sa direksiyon ni Marilou Diaz Abaya.

"Hopefully maipalabas namin yun by November or December para sa ika-300th anniversary ng Ina ng Pe├▒afrancia sa Naga, sa Bicol," banggit ni Marvin.

Ang pelikulang ito sana ay pagbibidahan nila ni Judy Ann Santos. Ngunit dahil nga sa pagbubuntis ni Juday ay kinailangan siyang palitan at si Ina Feleo ang napiling pumalit sa kanya.

Gaganap si Marvin bilang si Father Johnny, isang pari na magkakasakit na leukemia.

"Nung binasa ko 'to, parang sabi ko, yung effect na ibinigay sa tao ng Tanging Yaman (2000), this would be something like that. Isang inspirational movie, pampamilya, maiiyak yung buong pamilya. [Ipakikita nito] kung ano ba talaga yung core ng isang pamilya, ang pagpapatawad at pagmamahal."

FAMILY LIFE. Masaya si Marvin sa takbo ng kanyang career sa ngayon at gusto niyang bigyan ng atensiyon ang kanyang mga kambal na anak.

"Tahimik pa rin ang personal life ko sa ngayon. It is better this way. I get to do my job at mas comfortable."

Sabi pa niya, "I am still single right now. Pero ready ang puso!"

Ano ba ang hinahanap ni Marvin sa isang babae?

"[Someone] just like my mom, magaling magluto. Just like my mom, importante ang pamilya. Inuuna ang mga anak, especially since I already have kids. I want them to be the priority."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN