Model-TV host Gino dela Peña takes on dangerous challenges in X-Life

"I've been wanting to be in a show like this since I was a teenager. Fan po ako ng mga TV shows like Sports Unlimited and Gameplan. Nakikita ko kung paano nagtatrabaho ang mga host at ini-enjoy pa nila ang passion nila for sports. I'm into Muay Thai at noong high school ako, soccer player ako," says Gino dela Peña about his TV show, X-Life.


On time dumating si Gino dela Peña para sa kanyang pocket interview with PEP (Philippine Entertainment Portal) and other members of the entertainment press sa Souvenir Room ng GMA Center Annex building sa GMA Driveway, Quezon City, kahapon, July 13.

Humingi ng paumanhin si Gino dahil last week pa sana ang schedule ng interview sa kanya, pero hindi sila nakabalik agad ng mga co-host niya sa X-Life na sina JC Tiuseco at Stephanie Henares sa taping nila sa Bohol. Iyon ang time na nagkaproblema sa NAIA at apektado ang lahat ng flights. Hindi nga raw sila agad nakadiretso sa Bohol. Nagpunta muna sila sa Cebu bago tumuloy ng Bohol. Nang pabalik naman sila ng Manila, wala silang nakuhang flight.

THE BEGINNING. Nagsimula sa showbiz si Gino bilang commercial and print ad model gaya ng Globe, Touch Mobile, at Maxi-Peel. Pero ang pinaka-memorable para sa kanya ay ang McDonald's commercial featuring as theme song the classic Eraserheads song "Ang Huling El Bimbo." Hindi pala 'yon ang last dance sa kanya but just the beginning for him.

"Doon na nag-start ang showbiz career ko," banggit ni Gino. "Projects poured in, including being hired to serve as a face for PLDT's myDSL with Ryan Agoncillo, Rhian Ramos, Isabel Oli, Stephanie Henares, Stef Prescott, and Victor Aliwalas. Nag-attend din ako ng acting workshops sa GMA Artist Center."

Pero ang hindi niya malilimutan ay nang i-offer sa kanya ang maging isa sa mga host ng lifestyle magazine show na X-Life for Q Channel 11, airing every Wednesday at 10 p.m.

"I've been wanting to be in a show like this since I was a teenager. Fan po ako ng mga TV shows like Sports Unlimited and Gameplan. Nakikita ko kung paano nagtatrabaho ang mga host at ini-enjoy pa nila ang passion nila for sports. I'm into Muay Thai at noong high school ako, soccer player ako," lahad ni Gino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano siya nakapasok sa GMA Artist Center?

"Nagpadala ng picture ko ang modelling agency ko at sinabihan nila ako na na-approve naman ang picture ko sa roster ng GMA Artist Center. Pero dinasalan ko 'yon na sa GMA ako mapunta. Dati na akong nakapagtrabaho sa ABS-CBN. Nag-host na rin ako ng Breakfast show sa Studio 23, pero dito mas may peace ako. Ipinakita nila sa akin na may ibibigay sila sa akin, may security ako."

X-LIFE EXPERIENCE. Bilang hosts ng X-Life, inamin ni Gino na may insurance silang tatlo nina JC at Steph tuwing magte-taping sila ng physical challenges na unusual but exciting para sa kanila, pero wala silang kasamang medics o ambulance. Nakagawa na sila ng challenges sa Pagudpod in Laoag, Ilocos Norte; sa Boracay, at Bohol. Pero ang pinaka-extreme na nagawa raw nila ay sa Camp Magsaysay, Nueva Ecija.

"Nagpapasalamat nga kami sa Special Forces na siyang nagturo sa amin ng mga training," sabi ni Gino. "Yung ginagawa nila for seven months, itinuro nila sa amin in one day. Kinabahan din kami, pero sabi ng mga sundalo, mas mabuti raw mamatay, huwag lang mapahiya. Kaya tumalon kami from the helicopter, 200 feet, without harness. Kahit iyong rapelling namin, wala ring harness. Ang dapat lang, mauna kang gumawa ng challenge para tapos agad, kaysa yung naghihintay ka na sumunod.

"Nagkaroon din kami ng chance na makapagpaputok ng machine guns, M-16 rifles. Binigyan kami ng 300 rounds of bullets, na sinagot ng Special Forces. Usually, tumatagal ng two to three days ang taping namin bago kami makabalik ng Manila."

May time ba na nag-backout sila sa mga challenge na ipinagagawa sa kanila?

"Wala naman," sagot ni Gino. "Kung minsan, ang production pa ang natatakot para sa amin na kung hindi raw namin kaya, huwag na lamang naming ituloy. Pero itinutuloy namin."

Kapag wala siyang taping ng X-Life, may chance din siyang mag-guest sa mga soap ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakapag-guest na ko noon sa Dyesebel, Kaya Kong Abutin Ang Langit, at Rosalinda. Ngayon naka-two taping days na ako ng Basahang Ginto as Geoff Eigenmann's best friend," banggit niya.

PERSONAL LIFE. Graduate si Gino ng Entrepreneurial Management sa Thames International Business School.

Hindi ikinaila ni Gino na 11 years old pa lamang siya nang maghiwalay ang parents niya. Ang mom niya, na isang real estate broker, ang nagpalaking mag-isa sa kanila. Hindi na rin nag-asawa uli ang kanyang ina. Pangatlo siya sa apat na magkakapatid; two boys and two girls.

Nag-stay sila sa lolo niya, pero nang mamatay na ito, doon na siya natutong maging independent. Siya na ang gumagawa ng paraan sa sarili niya para makatulong sa mommy niya.

Kuwento pa ni Gino, nalulong sa substance abuse ang daddy niya at nagpa-rehab na rin.

"Nagkaroon din ako ng konting galit sa daddy ko," sabi niya. "Nabarkada rin ako, pero hindi ako nag-try mag-drugs dahil nakita ko ang nangyari sa daddy ko. But now, okay na kami ng daddy ko na kasama ng sister niya in Cubao. Hindi na rin siya nag-asawa.

"Possibility na muli silang magsama [his parents]? Puwede rin pero nasa kanila na 'yon. Basta kami, nagpapasalamat sa mommy namin sa magandang pagpapalaki nila sa aming magkakapatid."

Kumusta naman ang lovelife niya?

"Wala akong girlfriend ngayon, pero nagkaroon ako ng three relationships noong bata-bata pa ako," pag-amin ni Gino. "Yung first, umabot din kami ng more than three years, pero dahil bata pa nga kami, nagkaroon kami ng kanya-kanyang goal kaya nag-break kami. Yung dalawa, parehong liberated, may nakita sila na ibang guy. Nakakatawa rin, yung guy na naging boyfriend ng second girlfriend ko, na sabi'y kamukha ko, siya ring naging boyfriend later ng third girlfriend ko. Nakilala ko rin personally ang guy at naging friends kami."

Wala ba siyang balak ligawan si Steph?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Close lang kami ni Steph," sagot ni Gino. "Bukod sa my DSL at X-Life, active din kami sa activities ng aming church, ang New Life Christian Center sa Market Market. Pero mas involved kami sa Child Haus sa Corinthian. Iba rin ang feeling that you can serve. I can proudly say that my involvement in church is the one thing that's keeping my foot on the ground. I know every blessing I got from showbiz was from Him and I'm very grateful to Him."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN