Enchong Dee says screen partner Erich Gonzales remains supportive despite his courting non-showbiz girl

"Ang nakakatawa, tumututulong sa akin si Erich. Sabi niya sa akin, tutulungan niya raw ako sa panliligaw. Sabi ko naman sa kanya, ayoko, gusto ko, sarili ko itong diskarte. 'Yan ang nakakatuwa kay Erich. Pag nakikita ng mga tao, 'Ang sweet naman nila on-cam,' ganun talaga kami. Kasi kahit off-cam, close talaga kami, nagkukuwentuhan, nagbubulungan. Kasi alam namin ang nangyayari sa isa't isa," relates Enchong Dee about on-screen partner Erich Gonzales.


Sa presscon noon ng Magkaribal, inamin ni Enchong Dee sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na may non-showbiz girl siyang nililigawan. Ayon pa sa young actor, naikuwento na niya sa ka-love team na si Erich Gonzales ang tungkol sa nililigawan. (CLICK HERE to read related story.)

Balita namang ikinalungkot at ikinadismaya ng avid Erich-Enchong fans ang naging pagtatapat na ito ng batang aktor. Gumuho raw ang matagal nang inaasahan ng mga tagahanga nila sa paniniwalang maaaring mauwi sa totohanan ang tambalan nina Erich at Enchong.

Hindi kaya ito ang maging simula para mawalan ng gana ang mga fans nila na suportahan pa ang Erich-Enchong love team?

"Yung mga totoong fans namin na nakakusap namin, sinabi na namin ang tungkol dito," sabi ni Enchong nang makausap siya ng PEP sa ASAP XV last Sunday, July 11. "Siguro kasi yung mga hindi namin nakakausap, like sa TFC, hindi nila gaanong naiintindihan kasi nga walang chance na ma-explain na mabuti sa kanila.

"Inamin naman namin na nagkaroon nung simula ng something, pero na-realize namin na mas maganda kung maging magkaibigan na lang kami and we have our own separate lives off-cam. I just want to say in real life, we're very, very close, no questions, no doubts. Pero kailangan talaga naming unahin ang trabaho.

"Hindi naman ako natatakot," patuloy niya. "As long a there's a person, one, two or three na nai-inspire namin at napapasaya namin, I won't stop just because some of them don't like our team-up. I'm just so glad that after the admission, ang lakas pa rin ng Magkaribal and they still accept us for who we are. Saka hinihintay namin talaga ang pagkakataon na magkaroon kami ng sariling proyekto. Gusto rin naman nilang makita na nag-i-improve kami, na nade-develop kami as solo artists."

SOMETHING SPECIAL. Since nabanggit ni Enchong na nagkaroon sila ng "something special" ni Erich sa simula, bakit hindi ito nagtuluy-tuloy at nauwi na lang sa pagkakaibigan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayaw naming magkaroon ng relasyon dahil lang patok yung loveteam namin," sagot ng binata. "Gusto namin maging totoo kung anuman ang lahat ng nangyayari. Nandito kami dahil gusto ng mga tao. Kasi kung wala yung suporta, hindi kami magsasamang dalawa, hindi magtatagal yung loveteam namin. Ang maganda, hindi kami magkaaway, walang kaming alitan. Inaalagaan ko siya, inaalagaan niya ako. Yun ang importante dun.

"Hindi rin natuloy dahil sa trabaho, pero kahit naman super busy, puwede rin naman maging kayo kung gagawan ng paraan, di ba? Pero siguro dahil sa mga nangyayari sa amin ngayon, alam mo yung ang tagal-tagal na naming hinihintay na baka ngayon may mga distractions pang humalo, di pa maganda yung maging turnout. Unang-una, kaming dalawa ni Erich, pag napag-uusapan namin, gustung-gusto talaga namin ang ginagawa namin. Saka kung ano ang nangyayari sa amin ngayon, iniingatan lang namin ang mga yun," paliwanag ni Enchong.

Masaya ring ikinuwento ni Enchong sa PEP na hindi nabawasan ang closeness nila ni Erich, lalo't supportive ang young actress sa ginagawa niyang panliligaw sa babaeng nagugustuhan.

"Ang nakakatawa, tumututulong sa akin si Erich," nakangiting sabi ni Enchong. "Sabi niya sa akin, tutulungan niya raw ako sa panliligaw. Sabi ko naman sa kanya, ayoko, gusto ko, sarili ko itong diskarte. 'Yan ang nakakatuwa kay Erich. Pag nakikita ng mga tao, 'Ang sweet naman nila on-cam,' ganun talaga kami. Kasi kahit off-cam, close talaga kami, nagkukuwentuhan, nagbubulungan. Kasi alam namin ang nangyayari sa isa't isa."

BEA ALONZO. Sa pag-amin ni Enchong na crush niya si Bea Alonzo at bilang ka-love triangle nila ni Erich sa Magkaribal, may ilang mga tagahanga ng Erich-Enchong loveteam ang umalma at nagsabing "kontrabida" raw ang aktres sa tambalan nila. Ipinagtanggol naman agad ng aktor si Bea sa tingin na ito ng iba.

"Unang-una, hindi kontrabida si Bea, off- and on-cam. Pangalawa, magkaibigan sila Bea and Erich. Minsan nga nawawala na ako sa eksena kasi usap sila nang usap dalawa, kuwentuhan sila nang kuwentuhan. Pangatlo, hintayin at panoorin nila ang Magkaribal kasi marami pang mangyayari. Nagsisimula pa lang naman kami, marami pang dapat abangan kasi there will be turnout of events."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Enchong, "Saka, di ba, sa isang chemistry, maganda yung may opposition? Katulad ng sinabi namin sa Katorse, hindi siya magwo-work kung kami lang dalawa ni Erich. Kailangan si Ejay [Falcon], si Xian [Lim]. It's teamwork for everyone."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN