Dra. Vicki Belo: "I think it's time for Hayden and I to separate...."

"I think that's the lesson I've learned, if you're good and if you're honest, everything will come back. I guess you just have to wait for the right time," says Dra. Vicki Belo.


Sa kabila ng mga intriga at mga kasong ipinupukol sa kanya, nananatiling matatag ang cosmetic surgeon of the stars na si Dra. Vicki Belo.

"Pa-good luck na ang buhay ko this year. Alam mo naman last year, sobrang bugbog ako personally and professionally," pahayag ni Dra. Belo nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), kasama si Mario Dumaual ng ABS-CBN, sa launching ng whitening and anti-ageing product na Belo Nutraceuticals: Glutathione + Collagen last Tuesday, July 13, sa Myron's restaurant sa Greenbelt 5 Makati.

DISMISSAL OF MULTIPLE CASE. Una na nga sa ipinagpapasalamat ni Dra. Belo ay ang pagkaka-dismiss ng multiple case of reckless imprudence resulting in serious physical injuries, estafa, tax evasion and false, deceptive or misleading advertisement. Isinampa ang naturang kaso ni Josefina Norcio, na sumailalim sa hydrogel butt augmentation sa Belo Clinic sa Tomas Morato, Quezon City noong December 2002 at June 2005.

Sa resolusyon na inilabas ng Office of the City Prosecutor ng Quezon City, sinasabi na walang matibay na ebidensiya na nagtuturo na si Dr. Belo ang gumawa ng procedure sa kanya. Dahil dito, wala raw batayan na idamay pa rito ang cosmetic surgeon.

Dagdag pa ng resolusyon, napatunayan ng test na ginawa ng National Bureau of Investigation (NBI) Forensic Chemistry Division na nagka-infection nga si Norcio. Pero hindi naman nito napatunayan na may kinalaman sa infection ang hydrogel na inilagay sa kanya. (CLICK HERE to read related story.)

Nauna na itong nailathala rito sa PEP. At ngayon nga ay muli naming hiningan ng reaksiyon si Dra. Belo tungkol dito.

"Yeah, finally I feel relieved," sabi niya. "You know, I'm happy kasi I kept quiet the whole time. I've been attending hearings left and right. And then when the facts are presented, doon lumalabas na talagang absuwelto kami.

"You know, it took so long that's why I'm really so relieved. With the grace of God, I'm so happy. Kasi I always asked Him, what should I do? And I got the message na parang I'll take care of it. I believe in God and it happened naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkausap ba sila personally ng complainant na si Josefina Norcio?

"Wala, I never even met her," sagot ni Dra. Belo. "Kasi people like that, parang you don't want to talk to them kasi parang it's encouraging more people to... Parang out of nowhere, four years ago, she's complaining about an area I never even touched. Kasi nga, the butt is the problem. Tapos humihingi siya ng P200 million.

"Alam mo, medyo ibang klase na ito, e. Not even my lawyers, nobody has talked to them. Kasi dinala kaagad nila sa press. Hindi man lang sila nagpakita sa clinic. E, hindi naman ganun normally ginagawa ng tao, di ba? Parang you should try to talk with the doctors first with all means. And then if the doctors aren't cooperative and then saka ka lang pupunta sa press. E, eto, kaagad-agad press. So, alam mo na kung ano ang gusto."

Ano naman ang feeling na sa kabila ng iba't ibang isyu ay tila hindi nawala ang tiwala ng clients at patronizers sa Belo Clinic?

"I know, that's why I'm so happy," sambit ni Dra. Belo. "And the best thing at the start of the year was winning the Reader's Digest Award. Kasi, di ba, that award is something that is given to people who are trusted three times more than dun sa iba? Platinum na kasi. It's really something that time I needed it most, the people voted and trusted me. Talagang nakakataba ng puso.

"At saka international organization ito kaya talagang walang hanky-panky, so they really reflect the will of the people. So, thank you so much."

LOYAL ENDORSERS. Bukod sa pagka-dismiss ng kaso at pagtanggap ng award, tuluy-tuloy rin sa paglabas ng mga produktong pampaganda ang Belo, kasama ang Intelligent Skin Care Inc., na pinamamahalaan ng anak ni Dra. Belo na si Cristalle Belo Henares. Ang latest nga ay ang whitening and anti-ageing product na Belo Nutraceuticals: Glutathione + Collagen, na ini-launch last Tuesday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Present during the launch ang ilan sa celebrity endorsers ng Belo na kinabibilangan ng mag-asawang Richard Gomez at Rep. Lucy Torres-Gomez, singer-songwriter Ogie Alcasid, TV host-actress Ruffa Gutierrez, Asian Pop Idol Christian Bautista, singer Karylle, TV host Donita Rose, young actor Matteo Guidicelli, at TV host Grace Lee.

Natutuwa nga si Dra. Belo dahil marami pa rin siyang loyal endorsers hanggang ngayon.

"May mga nawala pero may bumalik. I think the people who stayed with me are my real friends," sabi niya.

Ang tinutukoy nga ni Dra. Belo na nagbabalik bilang endorser niya ay si Kris Aquino.

"We're very happy that Kris is back. After all this time, and everything is forgotten. Right now, di ba, she left for the States? Kasi she wanted to prepare herself for the big announcement, so she asked me na kung puwede pagbalik na niya ng Amerika."

Naniniwala ba siya na time heals all wounds?

"Oo nga. I guess you just have to be patient. I think that's the lesson I've learned, if you're good and if you're honest, everything will come back. I guess you just have to wait for the right time. Wala naman big problem sa amin talaga. When I asked nga Cristalle and everybody that she [Kris] wanted to go back, they said it's okay naman. From the start, it's okay naman with me. Sabi niya [Kris] nga, wala naman siyang ginawang masama sa akin and ako rin, wala naman ginawang masama sa kanya. So, naipit lang talaga kami sa circumstances," pahayag ni Dra. Belo.

Dumaan din si Dra. Belo sa pakikipaghiwalay sa asawa niyang si Atom Henares. Kaya hiningan namin siya ng advice for Kris na nahaharap sa pakikipaghiwalay ngayon sa asawa nitong si James Yap.

"I really wish for Kris... Sana they can be like Atom and me. Kasi for me, it's wonderful to have Atom all the way. Ang masasabi ko, think of the kids, and it will come out very well. Sana ganun na rin sila," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BELO IN PARIS. Isa sa ikinatutuwa ngayon ni Dra. Belo ay ang expansion ng kanyang clinic hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Most recently nga ay ang pagbubukas ng branch ng Belo Clinic sa Paris.

"Kasi naman if you're thinking of the capital of beauty in the world, it is really Paris. So, that's why Belo should be there," paliwanag niya. "Actually, we've opened na and I've been going there. I worked with a French doctor who's very well known in Paris. And what I bring to the clinic was a lot of knowledge about lasers. Kasi sa Europe, mas into mesotherapy sila."

Ito raw ang dahilan kaya napapadalas ang pagpunta niya sa Paris.

"Right, kasi marami na ring pasyente doon. A lot of patients wanted to see me. A lot of them came from the Middle East and doon sila nagbabakasyon. Thank you to the balikbayan people and they really spread good words about Belo. They've been looking for me and they didn't want to come to Manila. So, Paris is a good place for them to come."

HAYDEN KHO. Nitong huling punta ni Dra. Belo ng Paris ay napabalitang kasama pa niya si Hayden Kho. Totoo bang maa-assign daw sa Belo branch doon si Hayden?

"I don't think that's true," sagot ni Dra. Belo. "You know naman na as of now, he doesn't have a license to practice. He's going there for training of another kind. In fact, he got a scholarship in anti-ageing. He's going there more often than me. So, he does go to Paris. But it doesn't have to do with Belo Medical Group.

"You know, I think it's time for Hayden and I to separate, hopefully not separate as friends, but separate businesses. I think Hayden should have his own business. Para he can be proud if he has his own at hindi laging nakasandal sa akin. Kasi he's very smart and very hardworking, so kayang-kaya niya mag-isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang ngayon ay ipinapakita pa rin ni Dra. Belo ang suporta niya kay Hayden. Katulad na lamang ng pagdalo niya sa nakaraang court hearing nina Katrina Halili versus Hayden Kho at nanay nitong si Irene Kho.

Sa darating na July 21 ay may naka-schedule ulit na panibagong hearing, dadalo ba siya?

"Hindi na ako pupunta. Tapos na ako. I won't go anymore," sagot ni Dra. Belo.

Si Hayden na raw ang nagsabi na huwag na siyang pumunta.

"Actually, he asked me na huwag na lang akong pumunta. Kasi gusto niyang magsabi ng totoo. Ayaw niyang nandun ako kasi ayaw na niyang isipin kung masasaktan ako. Kasi, di ba, pag may tao diyan na iisipin mo pa.

"I really wanted to go dun for Katrina because she became my friend for five years. And I wanted to hear from her mouth what really happened. Of course, may version ako ni Hayden, kailangan ko ring marinig yung version ni Katrina. That's why I'm attending that part," saad niya.

Ano ang feeling na ang kaibigan din niyang si Lolit Solis ay ipinapatawag na rin sa court for questioning?

"Alam mo, naaawa na nga ako kay Manay Lolit. Anong kinalaman naman niya doon? Pero nag-enjoy naman siya, e, at least for a moment. Alam mo itong proceeding, it's so tedious, so detailed, si Manay Lolit na ang nag-add ng konting tawa. Kahit yung judge tumawa na, e."

Wish ni Dra. Belo na matapos na ang kasong ito.

"Sana matapos na kasi ang tagal na rin naman nito. Para mag-move on na rin lahat ng tao. But matagal pa, e, meron pang maraming witnesses, I think. Si Katrina, tapos si Hayden, tapos may witnesses sa part nila, so medyo matagal pa siguro."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN