FIRST READ ON PEP: Cesar Montano's manager files formal complaint with PAMI after the actor signed up with GMA-7

It seems that Cesar Montano's decision to sign up with GMA-7 is not going smoothly. His manager, Norma Japitana, has filed a complaint with the Philippine Artists Managers, Inc. (PAMI) after the actor signed a one-year exclusive contract with GMA-7 apparently without her knowledge.


Lumalaki na ang isyu sa pagitan ng aktor na si Cesar Montano at ng matagal na niyang manager na si Norma Japitana.

Naghain ng pormal na reklamo sa Philippine Artists Managers, Inc. (PAMI) si Norma pagkatapos pumirma ng kontrata ni Cesar sa GMA-7.

Apparently, hindi alam ni Norma ang ginawang paglipat ni Cesar sa GMA-7. Nagulat na lamang daw ang talent manager nang mabasa sa mga pahayagan na iiwan na ng aktor ang ABS-CBN upang maging Kapuso. Meron pa raw kasing ginagawang negosasyon si Norma sa ABS-CBN nang magdesisyon ang aktor na pumirma na ng kontrata sa GMA-7.

Ayon naman kay Cesar, nagpaalam siya nang maayos kay Norma. Alam din daw nito ang ginawa niyang paglipat. Sinabi pa ng aktor na busy raw kasi ang kanyang manager at madalas itong mag-abroad kaya hindi sila masyadong nagkakausap.

"She's part of this [transfer]. Any time pagdating niya dito, mag-uusap kami. She knows," pagdidiin ng aktor pagkatapos ng contract signing niya sa GMA-7 kahapon, July 15.

Dagdag pa ng aktor, walang offer na regular TV show sa kanya ang ABS-CBN. Pelikula raw sa Star Cinema ang inaayos ni Norma para sa kanya, pero hindi raw ito nag-materialize. (CLICK HERE to read related story.)

Ang entertainment columnist at PR manager na si Shirley Pizarro ang tumatayong business manager ngayon ni Cesar. Si Shirley ang nakipagnegosasyon sa pamunuan ng GMA Network para sa paglipat ng aktor.

PAMI'S OFFICIAL STATEMENT. Kaugnay ng isyung ito sa pagitan nina Cesar at Norma, naglabas na ng official statament ang pamunuan ng PAMI.

Ito ang nilalaman ng kanilang official statement:

"The PAMI had an emergency meeting with one of its members Ms. Norma Japitana after she officially filed a complaint with the organization.

"Cesar Montano entered into a contract with GMA-7 without the knowledge of Norma Japitana, his manager of 26 years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Last night we personally invited Mr. Cesar Montano for a dialogue with the organization sometime next week. We are waiting for his confirmation."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN