Presidentiable Rodrigo Duterte endorses Manny Pacquiao for senator

May 8, 2016
<p>Davao City Mayor Rodrigo Duterte on endorsing Manny Pacquiao for senator: "Even if he is with VP Binay, I'd still like to pitch for him. Huwag ninyo siyang kalimutan."</p>

Inendorso ng presidential candidate na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang Saranggani Rep. na si Manny Pacquiao bilang senador.

Ito ay naganap matapos i-endorso ni Mayor Duterte ang 1-PACMAN Party List sa kanyang huling miting de avance na ginanap kagabi, May 7, sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Hindi kabilang si Pacquiao sa partido ni Mayor Duterte, ngunit isa ito sa mga Senatorial candidates na kanyang inendorso.

Kabilang si Manny sa United Nationalist Alliance (UNA) na partido ng Vice President Jejomar Binay na tumatakbo rin sa pagkapangulo.

Samantala, Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-LABAN) naman napapabilang si Mayor Duterte.

Saad ni Duterte sa kanyang speech, "Maski hindi siya sa akin, maski dun siya sa kabila, suportahan niyo si PacMan."

Matagal nang magkaibigan ang dalawa at isa ito sa rason natinukoy ni Duterte kaya inendorso nito ang dating boksingero.

Aniya, "Magkaibigan, magkaibigan lang ho kami. Magkasama kami sa sakripisyo at kaligayahan."

Dagdag pa ni Mayor Duterte, "Even if he is with VP Binay, I'd still like to pitch for him. Huwag ninyo siyang kalimutan."

Continue reading below ↓

Nitong nakaraang November 2015, isa si Pacquiao sa mga nais sanang mapabilang sa line-up ng Davao City Mayor, ngunit napili nitong sumanib sa UNA.

Samantala, ang iba pang senatorial bets na inendorso ni Mayor Duterte ay sina Dante Liban, Sandra Cam, Greco Belgica, Raffy Alunan, Francis Tolentino, Gen. Dionisio Santiago, Martin Romualdez, Roman Romulo, at Samuel Pagdilao

Bukod sa 1-PACMAN Party List, inendorso rin ni Mayor Duterte ang Cancer Party List, ACP Party List, Global Party List, at Aangat Tayo Party List.



Read Next
Read More Stories About
Rodrigo Duterte
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Davao City Mayor Rodrigo Duterte on endorsing Manny Pacquiao for senator: "Even if he is with VP Binay, I'd still like to pitch for him. Huwag ninyo siyang kalimutan."</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results