Eula Valdes denies relationship with boyfriend Rocky Salumbides is on the rocks

"Nakakatawa kasi lalakad lang kami. Sa taping, kung ano-ano ang ginagawa namin, umiiyak... Pero 'eto, lalakad lang, pero grabe ang kaba namin. Rampa lang naman, pero kahit na. Hindi nga ako makaposisyon ng isa lang. Kasi, nanginginig ang tuhod ko. Kapag nanginginig, lipat ulit sa kabila," says Eula Valdes about walking the ramp at the FHM Sexiest Women victory party.


Ang "hot mamas" na sina Eula Valdes at Jean Garcia ang nagbukas sa nakaraang FHM's 100 Sexiest Women victory party na ginanap sa World Trade Center (WTC) noong Huwebes ng gabi, July 15.

Muli pa silang rumampa sa finale kung saan ipinakilala naman ang celebrities na nakapasok sa 100 Sexiest Women ng FHM sa taong ito. Marami ang pumalakpak kina Eula at Jean dahil na rin sa kakayahan nilang rumampa at magpakita ng magandang pangangatawan, kasabay ng single ladies sa stage.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Eula right after the show sa backstage ng WTC, hindi nito ikinailang habang rumarampa sila ni Jean ay grabe ang kabang nararamdaman niya.

"Kabado!" bulalas niya. "Nakakatawa kasi lalakad lang kami. Sa taping, kung ano-ano ang ginagawa namin, umiiyak... Pero 'eto, lalakad lang, pero grabe ang kaba namin. Rampa lang naman, pero kahit na. Hindi nga ako makaposisyon ng isa lang. Kasi, nanginginig ang tuhod ko. Kapag nanginginig, lipat ulit sa kabila."

TWO COUGARS. May pagka-cougar daw ang dating nila ni Jean. Nakangiti naman si Eula when asked kung accepted ba nito ang term na idinidikit sa kanila as "cougars"?

"Bahala sila!" natatawa niyang sabi.

Biro namin sa kanya, tila hanggang sa paseksihan at pagrampa, silang dalawa pa rin ni Jean ang magkakumpitensiya?

"Actually, hindi naman namin naramdaman ang competition. Mas proud kaming dalawa para sa amin. Kita mo naman, puro mga bata ang mga kasama namin. And yet, nandito kami. Ilang taon na kami ni Jean, pero...." natawa na lang at hindi na niya naituloy ang gustong sabihin.

Marami rin ang bumilib kina Eula at Jean dahil yung ibang babae, lalo na't nagkaroon na ng anak, gusto man nila ay wala silang lakas ng loob to do kung ano ang ginagawa nila.

"Actually, hindi ko rin naman kaya itong ginagawa ko kaya nga nahihiya ako kanina, kaya nga kinabahan ako, e. Rarampa ka ba naman na ganito ang suot mo?" natatawang sabi ni Eula, na rumampa suot ang isang sexy black outfit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi ba siya nagdalawang-isip nang alukin siya ng FHM na rumampa?

"Hindi, kasi nagpo-pose na rin naman ako nang nude before for a magazine," sabi ng 41-year-old actress. "Pero ganoon lang, mga pang-libro. Kasi siyempre, gusto ko rin na pagtanda ko, ipapakita ko sa mga apo ko na once upon a time..."

ROCKY RELATIONSHIP WITH ROCKY? Itinanggi naman ni Eula ang balitang kesyo nagkakalabuan na raw sila ng model-boyfriend niyang si Rocky Salumbides.

"Ay hindi, malabo ang balitang yun. Yun ang malabo. Okey kami," paniniguro ni Eula.

Yung isyu ng pagkakalabuan daw ng relasyon nila ay kay Rocky pa raw niya unang nalaman.

"Sa kanya ko narinig," banggit ni Eula. "Kasi noong mag-presscon yata siya noong isang beses, ikinukuwento niya sa akin kung ano ang mga tinanong. Tinanong daw sa kanya na nagkakalabuan daw. So, sabi ko sa kanya, 'Ano ang sagot mo?' Sabi niya, 'E, di hindi!'"

Wala si Rocky sa FHM event kaya marami ang nagtatataka kung bakit hindi yata siya sinuportahan at pinanood ng boyfriend. Pero may explanation si Eula kung bakit wala ang kasintahan.

"Wala siya, nag-congratulate naman siya," sabi niya.

May hiya o ilang factor ba sa kanya na panoorin siya ng boyfriend na rumampa?

"Hindi! Hindi ako nahihiya. Bakit, hello, siya rin, rumarampa rin siya. Actually, kaya wala siya rito kasi yung mom niya, kagagaling ng Amerika. E, medyo nagtatampo na kasi may mga one week na nandito, hindi pa siya pumupunta sa kanila," paliwanag ni Eula.

Ikinukuwento naman daw niya kay Rocky kung ano ang gagawin niya.

"Sinabi ko lang na noong rehearsal, naglakad lang naman kami. Tapos sabi niya, 'Ginalingan mo ba?' Sabi ko, 'Ako pa, e, kung lumakad ako, parang bubunot ng baril!'" natatawa niyang kuwento.

Pero bandang huli, si Eula na rin mismo ang nagsabing hindi keri ng boyfriend na mapanood siya na rumarampa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, kaya hindi siya sumama kasi hindi niya kaya ang mga ganito. Pero, hindi naman siya galit or whatever. Kasi, alam naman niya na trabaho lang, di ba? Hindi naman niya ako pinigilan at napi-feel ko naman na proud naman siya. Sinabi naman niya sa akin na proud siya sa akin at nag-congratulate naman siya," saad ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN