Kris Aquino's lawyers say the TV host-actress is bent on filing declaration of nullity of marriage to James Yap

Kris Aquino and James Yap should have celebrated their fifth wedding anniversary last July 10. But the TV host-actress had decided to end their marriage by asking her lawyers to file a declaration of nullity of marriage.


Noong July 10 sana ang 5th anniversary nina Kris Aquino at James Yap. Pero noong araw na 'yon ay nasa U.S. na si Kris kasama ang mga anak na sina Josh at Baby James para magbakasyon. Si James naman ay naiwan sa Pilipinas dahil ongoing pa ang PBA Conference, kung saan naglalaro siya para sa koponan ng Derby Ace Llamados (dating Purefoods).

Matatandaang sinabi ni Kris sa publiko na sumusuko na siya sa pagsasama nila ni James. Sa parte naman ni James ay nangako siya na "ipaglalaban" niya ang kanilang pagsasama.

Pero tila desidido na talaga ang TV-host actress na mapawalang-bisa na ang kanilang kasal. Inaayos na kasi ng kanyang mga abugado ang petition para sa "declaration of nullity of marriage" para mapawalang-bisa na ang kasal nina Kris at James.

"This is her way of letting it known to Mr. James Yap na she's on final note," saad ng isa sa mga legal counsel ni Kris na si Atty. Anna Liza Logan sa taped interview sa kanila ni Atty. Anne Goboy-Lapuz sa Startalk kahapon, July 17.

Ikinasal noong July 10, 2005 sina Kris at James sa isang civil ceremony sa tahanan ng kaibigan at manager ng TV host-actress na si Boy Abunda. Ang nag-officiate ng kasal ay ang dating mayor at ngayo'y congressman ng Quezon City na si Sonny Belmonte.

Ayon kay Atty. Lapuz, hindi pa nila puwedeng sabihin kung ano ang grounds sa petition nila para sa declaration of nullity of marriage.

"We found ground for the declaration of nullity of the marriage. But, at this point, we are not at liberty to disclose the specific grounds. We do not want to give the impression that we are already trying the case in public"

Sa hiwalay na panayam kay James ay itinanggi nitong may third party o nangaliwa siya kaya nakipaghiwalay si Kris sa kanya. Isa ba ito sa grounds na gagamitin ng mga abugado ni Kris para sa mapawalang-bisa ang kasal nito sa basketbolista?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Atty. Lapuz, "That is kind of expected because most of the time talaga, the ground or the declaration of nullity being filed is psychological incapacity. But the public has to know that's not the only ground for the declaration of nullity. There are several."

Sabi naman ni Atty. Logan, hinihintay lang daw nilang makabalik si Kris mula sa pagbabakasyon nito sa U.S. para ma-finalize na nila ang kanilang petition at para mai-file na nila ito sa korte.

Sa kabila nito, open naman daw silang makipag-usap sa kampo ni James upang linawin ang ilang mga bagay.

Ayon kay Atty. Logan, "There are things naman na puwedeng pag-agree-han, like yung visitation, yung arrangement. Yung mga bagay na yun kung gusto nilang umpisahan, hindi naman bawal. We're open naman to discuss it with him."

Sa ngayon ay tila desidido na talaga si Kris na mag-file ng petition sa korte. Pero sa kabila nito, posible pa rin ba na hindi ito mapunta sa korte at magkaayos ang mag-asawa?

"I don't think so," sagot ni Atty. Logan. "Pero, di ba, sabi niya [James], liligawan daw niya or something. Kung ma-persuade niya, di ba, kung maligawan niya ulit, tapos mapasagot niya ulit, I think that's the only thing that will stop Kris."

Samantala, nananatili namang tahimik si James tungkol sa bagong hakbang na ito ng kampo ni Kris. Humihingi lang siya ng panalangin para "maayos" kung anumang problema ang kinahaharap ng kanilang pamilya ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN