(UPDATED) Charice's rep says the singer "did not get botox to make her face more narrow"

Pinay international singing sensation Charice undergoes thermal (inset, top) and botox (inset, bottom) procedures to enhance her facial features. Dra. Vicki Belo personally did the procedures on Charice last Saturday, July 17.


Aminado ang young Filipino international singing sensation na si Charice Pempengco na takot siya sa injection, pero kinaya niyang harapin ang kanyang takot nang isagawa ni Dra. Vicki Belo sa kanya ang botox at thermage procedures sa Belo Clinic sa Tomas Morato, Quezon City last Saturday, July 17.

Present ang PEP (Philippine Entertainment Portal) during the medical procedure at nakunan pa namin ito ng pictures. Nagawa pang ma-interview ng PEP si Charice after the procedure.

First time daw magpa-botox ni Charice. Paano niya ide-describe yung feeling nung bino-botox siya?

"Medyo na-tense ako kanina kasi hindi talaga ako nagpapa-injection, e. Yung first three [sa kanang pisngi] na ginawa ni Dra., okay lang siya. Then nung sa kabila na, siguro dahil napuno na ako ng tensyon sa face kaya medyo masakit siya. Siguro dahil sobra talaga akong kinakabahan. Pero okay na rin po ako pagkatapos," paglalarawan ni Charice sa kanyang pinagdaanang procedure.

Sino ang nag-advise sa kanyang magpa-botox?

"Kasi po, medyo problem area ko na yung sa pisngi ko. Kasi yun nga ang sabi ni Dra. Belo, na ang cause pala kaya mas bumilog yung pisngi ko, kasi mahilig akong mag-chewing gum. Ang sabi niya nga, parang pag nagwo-workout kaya lumalaki yung muscles. So, yun nga, pag nagtsu-chew daw po kayo, lumalaki din yung muscles sa face. Kaya po ginawa yung botox. Tapos yung thermage, para po magka-shape pa at ma-relax yung muscles ko sa face," paliwanag ni Charice.

Ano naman ang pakiramdam during the thermage procedure?

"Yun nga po, medyo natatakot din ako nung una. Pero nung ma-experience ko na po, parang massage lang. Parang facial massage lang po, ganun. Nakikiliti nga ako, e. Thirty minutes ginawa yung thermage, pero very worth it naman po."

Bago pa mag-undergo ng botox at thermage si Charice ay matagal na rin daw niyang ina-avail ang facial services ng Belo Clinic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mostly po kasi ang ginagawa sa akin dito, facial lang talaga. Pumayag po ako sa botox at thermage kasi nga po preparation din po yun sa pagsali ko sa Glee," sabi niya.

BUSY CHARICE. Sa katapusan daw ng July ay nakatakda nang mag-taping si Charice para sa hit American TV series na Glee, kung saan gagampanan niya ang role bilang isang Filipino exchange student na magiging rival ng character ni Lea Michele na si Rachel.

Nag-insist daw siya sa producers ng Glee na sabihing isa siyang Filipino.

"Opo, sinabi po talaga namin na dapat sabihin sa show na isa akong Filipino. Kasama po sa agreement namin yun. Siyempre naman po, ipinagmamalaki ko na Pinoy ako," sabi ni Charice.

Very professional nga si Charice dahil pagkatapos ng isinagawang procedures sa kanya sa Belo Clinic at media interviews ay dumiretso agad siya sa Eastwood City Open Park kung saan siya nagkaroon ng special show para sa kanyang mga fans noong Sabado ng gabi.

Napag-alaman pa ng PEP na sold out na raw ang kopya ng album niya sa venue. May mga fans nga raw na naubusan na ng kopya. Ang pagbili kasi ng album ang nagsisilbing pass para sa special seats sa show. Pero free naman daw manood ang lahat ng naroon.

Napaka-busy nga ng schedule ni Charice dahil bago ang taping niya sa Glee ay tuluy-tuloy ang kanyang Asian tour para sa promotion ng kanyang U.S. self-titled debut album kung saan kabilang ang hit song niyang "Pyramid." Bukod sa Pilipinas at Korea, na nauna na niyang napuntahan, naka-schedule ding pumunta si Charice sa Japan, Thailand, at Malaysia.

DRA. BELO EXPLAINS. Nakausap din ng PEP si Dra. Vicki Belo para hingan ng dagdag na paliwanag tungkol sa mga procedure na ginawa kay Charice. Nilinaw naman ng celebrity surgeon na wala silang ginawang makeover kay Charice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "I don't consider this as a makeover kasi from the beginning, I think people like the way she looks and even sa abroad tanggap na yung looks niya. Kasi for me, when you say makeover, nandun na yung noselift, deep-set the eyes, ganun. E, wala nga kaming in-enhance, inayos lang namin kasi yung muscles niya sa face na hindi naman ginalaw or even undergo surgery, ginawa lang namin compact yung muscles niya. Binabalik lang namin how she originally look three years ago na hindi pa ganun kalaki yung face niya. There might not be a big difference for people to notice but sa camera, it will make a big difference kasi yung camera nagpapa-widen siya."

For three years na nagpupunta ng Belo Clinic si Charice, ngayon lang daw in-advise ni Dra. Belo sa singer na mag-undergo ng botox at thermage.

Kuwento niya, "Ang ginagawa lang kasi ni Charice dito is facial. Pero napansin ko nga medyo lumalaki ang mukha niya compared to her face three years ago, it's bigger now. And that's because mahilig siyang mag-chew ng chewing gums. Yung chewing muscles natin dito sa side [ng face], nagiging strong siya. Parang yung muscles natin na kunwari gusto mong magpalaki ng katawan, mag-workout ka. So, parang ganun ang nangyayari. Ang remedy doon is to botox the muscles so that it will relax and magiging flat na siya. Kaya liliit ang mukha niya."

Ilang injections ang itinusok kay Charice?

"Usually kasi it's four [per side]. Pero sa kanya, three lang kasi hindi naman siya sobrang taba."

Para saan naman ang thermage?

"Yung thermage pampaliit ng face. It's radio-frequecy energy kasi mas malalim ang abot niya compared sa iba. Ang mangyayari sa face niya, mali-lift yung side ng cheeks niya para lumiit yung face niya," saad ni Dra. Belo.

NEWS REACHES HOLLYWOOD. Samantala, umabot na sa Hollywood ang balita tungkol sa pagpapa-botox ni Charice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa website ng Us magazine, usmagazine.com, isa sa most viewed stories nila ngayon ang tungkol sa pagpapa-botox ni Charice bago siya magsimulang mag-taping para sa sikat na American series na Glee.

Sa article na may titulong "Rep: Charice Did Not Get Botox To Make Her Face Narrow" dated July 19, 2010 at nai-post ng 12:10 pm (U.S. time), itinanggi ng isang di pinangalanang rep ni Charice na nagpa-botox ang Pinay singer "to change her appearance."

Ayon sa rep ni Charice, ang dahilan daw ng procedure na ginawa sa 18-year-old singer ay "to relieve a jaw problem similar to TMJ."

Sabi pa ng rep sa Us interview nito: "It did not hurt; it relieved the pain. You've seen her face—she doesn't have a wrinkle in it so she wouldn't need it for cosmetic purposes. The Glee people are thrilled with the way she looks which is why she got the part."

Iginiit pa ng rep na ang tanging cosmetic procedure na ginawa lang daw ni Charice ay ang pagpapakulay nito ng buhok sa Brad Johns Studio sa Elizabeth Arden sa New York.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN