Derek Ramsay on marrying Angelica Panganiban: "Kung yun ang gusto ni Angel, ibibigay ko."

"Ang laki ng pagbabago ng relationship namin. Na parang noong una, katuwaan lang. Hindi naman namin alam na magiging ganito kami kaseryoso sa isa't isa. Sa dinami-rami ng mga pinagdaanan namin, sa dinami-rami ng mga away na pinagdaanan namin, ang sarap tingnan ng dalawang tao na masayang-masaya ngayon," says Angelica Panganiban about her relationship with Derek Ramsay.


Fresh from her vacation in South Africa with boyfriend Derek Ramsay, live na humarap si Angelica Panganiban kahapon, July 18, sa The Buzz.

Pero bago ang live interview ni Angelica, ipinalabas muna ang taped interview kay Derek. Sa mga salitang binitiwan ni Derek, hindi maikakaila ang maigting na pag-ibig na namamagitan sa kanila.

"She definitely inspires me. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya," sabi ni Derek.

Dagdag pa ng hunky actor, "Si Angel, mahilig 'yan sa PDA [public display of affection], but you don't really judge somebody how you love someone. You know, there's something intangible that is there and you just feel the presence. Every time I'm with her, she surrounds me, she embraces me. And with her, I feel loved, I feel safe, and I feel very, very happy."

Si Angelica rin daw ang inspirasyon ni Derek.

"There's a reason Angel entered my life," sabi niya. "I think the reason why she came into my life is to give me some sort of direction. Ang dami na niyang pinagdaanan at mas matitindi pa ang mga pinagdaanan ni Angel kesa sa akin. She's a very, very strong woman. She's a full-grown woman. I have a lot of moment of weakness and Angel's there to pick me up and get me back on my feet."

Naniniwala rin si Derek na mas malalim pa ang relasyon nila ni Angelica ngayon.

"This is the most serious relationship I've ever had. I don't want to compare one relationship to the next, but if I was asked to, walang comparison," saad ng model turned actor.

When asked about getting married, Derek has only this to say: "I always say this, kung yun ang gusto ni Angel, ibibigay ko. I've always tried to give her everything that she wants. Kapag kaya, ibibigay ko. One day, maybe all our efforts will pay off and we'll have a couple of little Ramsays running around."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mensahe rin si Derek para sa kasintahan.

"Babes, everyone sets their eyes on us. Waiting and expecting to see if we, you know, walk down the aisle. I've always said from day one, if that's what you want, that's what I will give. I think it's definitely just around the corner but what we are right now, I'm very very much happy, very much in love."

TEARY-EYED ANGELICA. Pagkatapos ng taped interview kay Derek ay hindi naman mapagsidlan ang kaligayahan ni Angelica kaya naging teary-eyed ang young actress nang magsimula na siyang interbyuhin ni Charlene Gonzalez for the "Straight From The Heart" segment.

Ayon kay Charlene, bihira nga naman ang mga lalakeng nagsasalita tungkol sa kanilang totoong nararamdaman.

"Ta-tumbling nga ako, tama nga sila!" natatawang sabi naman ni Angelica, na tila natimbrehan na tungkol sa taped interview ni Derek.

"Ang hirap kasi," patuloy ni Angelica. "Ang laki ng pagbabago ng relationship namin. Na parang noong una, katuwaan lang. Hindi naman namin alam na magiging ganito kami kaseryoso sa isa't isa. Sa dinami-rami ng mga pinagdaanan namin, sa dinami-rami ng mga away na pinagdaanan namin, ang sarap tingnan ng dalawang tao na masayang-masaya ngayon."

Malaki ba ang ipinagbago ni Derek from the beginning?

"Sobra siyang open. Sobra! Nagsasalita na siya kung ano ang nararamdaman niya, and nararamdaman ko na sobra niya akong mahal dahil nararamdaman ko na proud na proud siya sa akin na girlfriend niya ako," sagot ng Rubi star.

SOUTH AFRICA TRIP. Parehong sinasabi nina Angelica at Derek na malaking bagay ang trip nila sa South Africa sa kanilang relationship. In what sense?

"Nagpakatotoo siguro kami sa isa't isa," sagot ni Angelica. "Wala kaming...hindi kami nag-pretend na dapat ganito ako sa harapan niya. Na dapat ganito siya sa akin. Wala, nakikita mo lang lahat. Sobrang see-through ng mga pangyayari sa amin. Hindi kami naging boyfriend-girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, walang sweetness na nangyayari. Parang trinato niya ako na best friend niya ako sa trip na ito. Walang iwanan. Barkada tayo rito. So, nakita ko siya, hindi lang boyfriend. Nakita ko siya bilang pinakamatalik na kaibigan."

Ano ang instance sa naging trip nila that changed the way she looks at Derek at gayundin sa buhay?

"Siguro noong nagkasakit ako. Kasi, nagkasakit ako noon, e. And sobra akong emotional. Kasi nga, nasa bakasyon ako. Gusto kong sulitin ang lahat ng araw namin na nandoon. Tapos siya, may England game [sa World Cup] noong araw na yun, and then, gusto niyang manood.

"Pinag-iisipan namin manonood kami. Pero the whole day, may sakit ako. Sumusuka ako, yung gano'n. So, hindi niya ako iniiwan. Sabi niya, dito lang ako. And then ako, umiiyak na ako, sabi ko, 'Umalis ka. Manood ka ng England game, dito lang ako.' Tapos, lumabas siya sandali. Binilhan niya ako ng water, foods.

"Tapos, right after ng game, nanood siya. Tapos, check lang siya sa akin nang check sa bahay hanggang sa pagdating niya. Parehas kami actually na may sakit no'n. Hindi niya ako iniwan," kuwento ni Angelica.

Was there a magic moment na nakita si Angelica na tipong, "Oh, my God, ito ang ibang Derek na hindi ko akalain na ganito pala siya?"

"Oo," mabilis na sagot nga ni Angelica. "Kasi dito, kapag nandito, kapag isa sa amin nagkakasakit, hindi mo naman nababantayan kasi may trabaho ang isa sa atin. Pero do'n, tutok si Kuya. 'Babantayan kita, nandito lang ako.' So, umiiyak talaga ako noong time na yun at nagpapasalamat ako sa kanya. Wala naman kasi do'n ang nanay ko at wala naman akong ibang puwedeng takbuhan kung hindi siya. At nandoon siya para sa akin."

A BEAUTIFUL WORLD. Muling ipinaalala ni Charlene ang naging guesting ni Derek sa The Buzz the previous Sunday, July 11, kung saan nagkaroon ng phone-patch message si Angelika para sa boyfriend. Charlene repeated what Angelika said to Derek last week, na hindi raw niya akalaing ang ganda-ganda ng mundo dahil sa boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit nga ba niya nasabi yun?

"Naiiyak na naman ako!" natatawang sabi ni Angelica. "Kasi, the night before the interview, ang laki kasi ng influence niya sa akin pagdating sa pagta-travel. Siya yung, 'Kailangan mong makita ang mundo. Kailangan mong makita kasi ang ganda-ganda niya!'

"So, the night before the interview, nakita ko ang Eiffel Tower na mag-isa ako. Sabi ko, 'Ang ganda! Ang ganda, sana nandito siya.' So, ganoon ang pakiramdam ko. Noong ini-interview ako, sabi ko, nakita ko kung ano ang sinasabi niya and kung hindi siya naging part ng buhay ko, hindi ko maa-appreciate ang mundo kung paano ko siya nakikita ngayon."

SURPRISES. Before the end of the interview, sinabi ni Charlene na may sorpresa sila kay Angelica, straight from Derek's heart. Ito ay ang mga magnet na naipon ni Derek from different countries na napuntahan nilang dalawa.

Sabi ni Angelica, na hindi na rin napigilan ang maging emosyunal, "Nakakatuwa kasi talagang kilalang-kilala niya na ako. Like noong mag-travel kami, noong nag-Africa nga kami, siya yung nangungulit sa akin na, 'Wala ka pang nabibiling magnet.' Nagagalit siya, kasi alam niyang sobrang mahilig ako sa magnet.

"So, ang sarap ng feeling na kilalang-kilala ka ng partner mo, di ba? Na alam niya ang mga hilig mo. Alam niya kung ano ang mga dapat niyang ipasalubong sa 'yo. So, hindi naman ako maluho, magnet lang," biro pa niya.

Pero hindi lamang sa collection ng magnet ni Derek for Angelica nagtapos ang sorpresa, may personal letter din na iniabot si Charlene kay Angelica at binasa nito on-air.

Natatawa pero umiiyak sa kaligayahan na binasa ni Angelica ang letter ng boyfriend:

"Madam, I bet you're shock that I have written a letter for you. Actually, I bet you don't believe that I took the time to put all these words together. And put it in paper..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago itinuloy ni Angelica ang pagbabasa ng letter ni Derek, ikinuwento nito na, "Noong umuwi ako, may letter siya sa akin na nakalagay sa tissue paper. Sabi niya, 'Welcome back.' So, ngayon, nasa card."

Pagkatapos nito ay itinuloy na ni Angelica ang pagbabasa sa letter ni Derek:

"Well my Dear, believe it or not, sulat ko talaga 'to. Anyway, alam mo that I'm not so good with this, so, please bear with me. Pak!"

"May pak talaga!" hirit ni Angelica sa isinulat ni Derek.

"I was asked what is the best and most important gift I have received from you. You showered me with all these material gifts but not one of them came to mind. Don't get me wrong, I love the gifts you gave me, so don't stop..."

Natatawang hirit ni Angelica kay Derek, "Sira-ulo ka!"


"The memories of all our little adventures was the first thing that popped into my head. The magnets just remind us of the places that we have been to. They represent all the great memories we experienced there.


"Each trip is different, each trip gets better. And each trip gets one step closer to my promise on showing you the world. These are the gifts that matters to me and makes me happy.

"Thanks for the four great years. If I'm to keep my promise we're going to have, you give me at least another 10 years to fulfill it. The world is a big place at mahal ang ticket, 'no. Take care Empressia. I love you."

"Siya nga. Sa kanya nga galing ito. Sabe? Pak!" natatawang sabi ni Angelica pagkatapos niyang basahin ang letter ni Derek.

Charlene asked Angelica about her comment sa sweetness ni Derek.

"Nagugulat nga ako na parang kinakabahan habang binabasa 'to. Parang may gusto... Kasi, sobrang sweet, ang lambing-lambing niya these past few months. Sobrang supportive lang niya," sabi ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit nagbago si Derek?

"Siguro sa mga pangyayari rin. May mga pinagdaanan ako na medyo hindi madali. Then, ayun, siguro naisip niya na, 'Kawawa naman ang taong 'to. Mamahalin ko na nga nang bonggang-bongga!'"

Pinaplano na rin ba nila ang maging magkasama habambuhay?

"Hindi, pero usually, yung usapan na gano'n, hindi siya seryoso na, 'Kailan? Ano ang mangyayari? Ano ang dream wedding mo?' Walang ganoon. Palagi lang siyang, 'Ano kaya ang hitsura ng magiging anak natin?' Ganoon lang, natatawa lang kami. Hindi siya yung seryosong, 'Eto, magpapakasal na tayo,'" sabi ni Angelica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN