Tirso Cruz III continues to learn after more than four decades in the industry

"This industry has been very kind to me. Siguro naman, after four decades, siguro nga...ito na ang buhay ko," says veteran actor Tirso Cruz III.


Tanggap ng maraming nakapanood ng Sigwa ang naging panalo ni Tirso Cruz III bilang Best Supporting Actor sa ginanap na awards night ng Cinemalaya 2010 noong Linggo, July 18, sa Tanghalang Nicanor Abelardo (Main Theater) ng Cultural Center of the Philippines.

Ang Sigwa, sa direksiyon ni Joel Lamangan, ay isa sa mga entry sa Directors' Showcase category, ang bagong kategoryang idinagdag sa ika-anim na taon ng Cinemalaya na kinabibilangan ng mga direktor na may nagawang higit sa tatlong pelikula. Ipalalabas muli ang Sigwa sa University of the Philippines, Diliman, ngayong linggo. (CLICK HERE to view the screening schedules)

Matapos ang awards ceremony ay nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Tirso sa Iceberg's sa munting salu-salong inihanda ng produksiyon ng Sigwa para sa cast at staff ng pelikula.

We first congratulated Pip (palayaw ni Tirso) and asked him kung gaano kaimportante sa kanya ang bagong napanalunang parangal mula sa Cinemalaya.

"Masuwerte lang," sagot ng veteran actor. "Well, every award is important. Pero ito, para sa akin, is very important because this is my first sa Cinemalaya. And Cinemalaya is a relatively new group, kahit naka-anim na sila. It's a new group, [na] different yung attack. At very wide ang playing field sa Cinemalaya since walang censorship. Na nae-express talaga ng mga direktor kung ano yung gusto nila, at wide din ang genre.

"So, it's an honor for me na kahit papa'no, na-recognize yung work ko rito sa Sigwa. Sabi ko nga, ako, I'm very thankful. Nagpapasalamat ako kay Direk Joel for having entrusted the character of Oliver sa akin, na kinunsider niya ako to play Oliver."

Ang papel ni Tirso bilang Oliver sa Sigwa, na isinulat ni Boni Ilagan, ay isang taksil na kasamahan sa kilusan ng mga kabataang aktibistang nag-rally sa panahon ng FQS (First Quarter Storm) noong early '70s. Si Tirso ang Oliver ng makabagong panahon (alter ego ni Marvin Agustin, of the early '70s), na isa nang top government official sa pamahalaang Gloria Macapagal-Arroyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kay Joel Lamangan, pinasalamatan din ni Tirso ang Sigwa excutive producers na sina Mr. Stanley T. Uy III at Ma. Pelita Peralta-Uy ng Beginnings At Twenty-Plus, Inc., Star Express & Sine Totoo Production.

Ayon kay Pip, "Naniwala sila kay Joel na piliin kung sino yung gustong gumanap na artista. So, I'm thankful sa kanila, very thankful dun sa group. I mean, it's another award that I will cherish and treasure.

"Nakakataba ng puso," patuloy niya. "And it gives you a new lease on life. Gives you food for thought na dapat talaga ipagpatuloy mo pa rin ang pag-aaral, pagbutihin pa rin ang paglabas sa kung anumang character ang ipe-play mo because it means na there is always... Sabi nga nila, if there's one thing you'll never run out of, it's room for improvement. And then if you become lucky enough to get directors, like Joel Lamangan, who will ably guide you talaga into your character, talagang you'll be able to come up with works that you can look back to."

LIFE AS A CYCLE. Bagamat nagsimula sa industriya ng pelikula bilang isa sa top matinee idols noong late '60s at early '70s, na kapareha ni Nora Aunor (of the famous Guy & Pip tandem), nag-graduate si Tirso into doing character roles kung saan higit ding napansin ang kakayahan niya sa pagganap.

"I've learned through the years," makahulugang banggit ni Pip. "Natuto ako sa mga direktor na nakatrabaho ko, sa mga kapwa ko artista, na nakakasama ko. Hindi naman puwedeng ikaw lang mag-isa, e. Ang laking bagay din nung natutulungan ka ng mga kaeksena mo, e. That's a big factor also, na mabigyan mo ng mas magandang portrayal ang role mo because the people you work with help you out also."

Dagdag niya, "Natututo ako. Talagang hindi ka magsasawang mag-aral at pagbutihin yung trabaho mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A veteran of more than a hundred films, several Best Actor and Best Supporting Actor awards, masasabi ni Pip ngayon na ang pag-arte sa pelikula at telebisyon ang siyang buhay niya.

"This industry has been very kind to me," sambit niya. "Siguro naman, after four decades, siguro nga...ito na ang buhay ko."

Mula sa pagiging matinee idol hanggang sa pagganap sa mga character roles, tanggap nang maluwag ni Pip ang kasalukuyang estado ng pagiging artista niya.

"Ako kasi, ang tingin ko, like anything in life, it's a cycle, e. It's a circle. You go around, di ba? Sometimes you're up, sometimes you're down," paliwanag niya. "Sometimes you look for your niche under the sun, and stay there as long as you can. And, yun nga, never really give up. Never stop studying and learning, and picking up things from other people, from other performers. Madami kang matututunan, e. Ang dami pa."

ON NORA AUNOR AND ENDLESS LOVE. Binanggit din ni Pip sa PEP ang tungkol sa kasalukuyan niyang kaabalahan sa telebisyon.

"Well, right now, ongoing pa rin yung Endless Love [GMA-7 teleserye starring Dingdong Dantes, Marian Rivera, and Dennis Trillo]. Hopefully, may bagong projects na pumasok, may bagong movie offers na dumating. If not, tuloy lang sa TV, kung anumang projects.

"Hindi naman ako mapili. Basta't may offer, basta't maganda lang yung role, something substantial na alam mo kahit papa'no makakapagbigay ka ng entertainment sa moviegoing public. Huwag naman yung just for the sake of doing a movie, gagawin ko na lang.

"Kasi, para bang sa tanda ko na rin siguro dito, parang nakakahiya naman sa mga tao. I mean, ang audience natin, may worth na rin, very intelligent na rin ang audience natin. So, hindi na puwede yung basta't sige-sige na lang," paliwanag ni Pip.

Tungkol naman sa inaasam pa rin ng Guy & Pip fans na posibilidad ng pagtatambal nilang muli ni Nora Aunor, ani Tirso: "The possibility will always be there. Yun nga lang, I guess, depende rin sa project. Titingnan ko yung istorya, kasi marami na ring experience na ganun. Sometimes maganda sa umpisa, tapos hindi natutuloy. So, depende kung anong project. Trabaho lang 'yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan sila huling nagkausap ni Nora?

"A couple of years," sagot ni Tirso. "The last time, nakita ko siya sa States, nag-show kami. Yun lang. Gano'n naman lagi. Nagkikita kami [for] a couple of days, tapos uuwi na ako."

Tungkol naman sa napabalitang naapektuhan ang boses ni Nora ng pagpapa-beauty enhancement nito, sabi ni Pip: "Wala akong alam doon. Wala akong feedback."

FAMILY LIFE. Kinumusta rin ng PEP ang pamilya ni Tirso.

"My family life is always good," pagmamalaki rin ni Pip. "I mean, my wife [Erlinda "Lyn" Ynchausti-Cruz] has always been there to support me. Yung mga anak namin [TJ, Bodie, Janine], okey din naman.

"They're starting. Two of them [Bodie and Janine] want to try out the industry. Of age na din naman sila. Sabi ko nga, 'I'm just here to guide you. If you want my two-cents worth of advice, I'll give it to you.' Pero final decision, nasa kanila.

"Si Bodie yung sa PBB [Pinoy Big Brother]. Nag-uumpisa na sa showbiz. Yung bunso [Janine, 21 years old], nag-uumpisa na rin. She's going to venture...trying to get into the business. We'll see."

Ang panganay lang nina Pip at Lyn, si TJ Jeremiah, ang hindi nahilig sa showbiz. "Si TJ, he's working na at St. Luke's [hospital] right now. May bagong department na binuksan ang St. Luke's, he's working there," banggit ni Pip.

Sabi pa ng aktor, "Lahat ng anak ko, tapos na. Janine finished Business Management. Nag-aartista, susubukan daw niya. Sabi ko, 'Sige, if you wanna try it.' Lahat ng anak ko, tapos. Yun ang priority ko sa kanila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN