Rocco Nacino was Lovi Poe's "lucky charm" when she won Best Actress in Cinemalaya 2010

Lovi Poe came to the Cinemalaya 2010 awards night last Sunday, July 18, with her date, Rocco Nacino. Lovi won Best Actress for her performance in Mayohan, prompting observers to say that Rocco was her "lucky charm" that night.


Baguhang young actress pa lamang kung tutuusin si Lovi Poe, pero naging welcome surprise sa karamihan ang pagwawagi niya bilang Best Actress sa pagtatapos ng sampung araw na Cinemalaya 2010 noong Linggo, July 18, sa Cultural Center of the Philippines (CCP), Pasay City. Nanalo si Lovi para sa pagganap niya sa pelikulang Mayohan.

Maging si Lovi, na gumanap sa pelikula bilang isang lovely maiden from a rural barrio, ay hindi umasang mananalo ng award.

"No, I wasn't expecting anything!" nakangiting bulalas ni Lovi nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng awards ceremonies sa Main Theater ng CCP.

Dagdag niya, "I was just happy to be here and to watch and enjoy the sight of people winning naman."

Ang Mayohan ay isang rite-of-passage film, mula sa direksiyon ni Dan Louie Villegas at screenplay ni Paul Sta. Ana. Kabilang ang indie film sa New Breed Full-length Feature Category ng 6th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival and Competition.

Bukod sa Best Actress award ni Lovi Poe, nanalo rin ang pelikula sa mga kategoryang Best Screenplay (Paul Sta. Ana), Best Original Music Score (Emerzon Texon), at Best Cinematography (Dan Villegas, in a tie with The Leaving's Rommel Andreo Sales Jr.).

Gaano ba kaimportante kay Lovi ang pananalo niya ng parangal sa Cinemalaya 2010?

"Very, very important! 'Cause it's my first Best Actress award!" masayang pahayag ng anak ng yumaong si Fernando Poe Jr.

Matinding pressure ba para kay Lovi ang pagwawagi ng Best Actress ng Cinemalaya 2010 sa puntong ito ng kanyang career?

"Siguro, for me... Ako, I'm just enjoying the moment that I got this award, kasi sobrang hindi ko ini-expect," aniya.

Bahagya rin siyang nagkuwento tungkol sa hirap na dinanas niya while shooting her scenes in Mayohan, sa Infanta, Quezon.

"While I was there, it was really hard shooting 'cause you have to stay there for a week, sa Quezon. So, na-homesick ako, tapos nilagnat ako, lahat na! So far, marami akong pinagdaanan. And I'm so happy that it's all worth it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang mag-deliver siya ng acceptance speech, bagamat may kaba ay hindi raw nagpahalata si Lovi. Maayos ang kanyang pagsasalita, 'ika nga'y na-maintain niya ang kanyang poise at composure sa entablado.

Pero natatawa siyang umamin sa PEP, "I don't even remember what I said! I didn't thank everyone that I needed to thank. Sobrang...gano'n ang na-feel ko kanina."

May bahagi sa acceptance speech ni Lovi wherein she said the award made up for all the hardships that she's had in the past. At nais sana ng PEP na malaman mula kay Lovi ang ilan sa mga halimbawa ng mga iyon.

"Ay, naku, basta marami," sabi lang niya. Wala pa siyang maisip nang mga sandaling 'yon dahil overwhelming ang naging victory niya.

Sinu-sino pa ang mga hindi napasalamatan ni Lovi sa kanyang acceptance speech?

"Actually, I was really, really nervous, to the point that I didn't even remember who I greeted, who I did not greet, who I thanked and who I didn't thank," sabi niya.

Binanggit din ni Lovi ang pumanaw na amang si FPJ bilang tugon sa tanong hinggil sa mga pag-aalayan niya ng mahalagang unang acting award.

"Of course, sana nandito siya," sabi niya. "Sa mom ko [former model Rowena Moran], sister ko, best friend ko, si Monica Cuneta. Masaya ako, masaya ako na marami akong mga kaibigan ngayon na [masaya rin para sa akin]."

At this point, nais niyang i-share ang kanyang award, "Sa lahat ng taong sumusuporta sa akin, of course. I mean, hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na gawin yung trabaho ko kundi dahil sa kanila.

"Kasi, everybody knows that people...they can be so harsh, that sometimes it hurts so much. But dahil sa mga taong sumusuporta sa akin, I can cope well."

ROCCO NACINO, LOVI'S DATE. Nang kapanayamin si Lovi para sa ilang mga programa ng GMA-7 ay katabi na niya ang StarStruck V Second Prince na si Rocco Nacino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Rocco ba ang "lucky charm" niya nang gabing 'yon?

"Siya ang kasama ko ngayon, e," nakangiting sagot ni Lovi. "E, kasi, we're friends. Nagkayayaan kami."

Napansin ng marami na naging mahigpit ang pagkakayakap ni Rocco kay Lovi nang batiin niya ito ng congratulations.

"Masaya ako para sa kanya," sagot ng young actor.

Very vocal naman si Rocco na crush niya si Lovi. Hindi ba siya natatakot na baka may mag-react? Nalili-link din kasi ngayon ang young actress sa concert producer na si Ronald Singson, anak ng pulitikong si Chavit Singson.

"Mabuting magkaibigan naman kami," sabi ni Rocco.

Dagdag naman ni Lovi, "Alam mo, kami naman ni Rocco, career first naman kami, e."

Ano naman ang aabangan ng fans sa team-up nina Lovi at Rocco?

"Yung Lovebug?" hesitant at first si Rocco sa pagbanggit ng bagong show. "Hopefully, matuloy po..."

"Meron ba? May Lovebug ba? Sana meron," pag-asam din ni Lovi.

Sabi rin ni Rocco, "Excited na po ako. And ngayon, nape-pressure ako dahil ang katabi ko ngayon ay isang Best Actress! Kailangan I should do my homework!"

On her part, positibo ang niloloob ni Lovi.

"I'm just doing what I feel like doing na lang talaga," sabi niya. "Siguro, for me, I try not to pressure myself, as much as possible."

LOVEBUG... SOON! Later that same evening, we were at the nearby Dencio's restaurant sa imbitasyon ni Atty. Joji Alonso, co-producer ng Cinemalaya entries na Sampaguita at Magkakapatid, for a late-night victory dinner celebration. Naroon din ang grupo ng top winner na Halaw, led by writer-director Sheron Dayoc.

Soon, dumating din ang grupo ng Mayohan, at magkasama pa rin sina Lovi at Rocco. Muli silang pansumandaling kinapanayam ng PEP. Dito nila kinumpirma ang tungkol sa episode nila sa romance anthology ng GMA-7 na Lovebug, na kanina lang ay hindi nila sigurado kung matutuloy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We're gonna do Lovebug together," sabi ni Lovi.

"To be directed by Mark Reyes," pag-inform naman ni Rocco.

Ano pa ang expectations ni Lovi sa kanyang career?

"Well, hopefully, things will get better. Okey naman lahat ngayon. Gagawin ko na lang yung best ko and love my work," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN