Rufa Mae Quinto's "powers" are no match for questions about "Mr. M"

Sexy comedienne Rufa Mae Quinto couldn't stop crying towards the end of Kaya ng Powers presscon earlier this afternoon, July 20, after the press bombarded her with questions about the true identity of "Mr. M."


Napaiyak ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto sa presscon ng bagong sitcom ng GMA-7 na Kaya ng Powers kaninang tanghali, July 20, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Tila hindi kinaya ng powers ni Rufa Mae ang mga tanong sa kanya ng entertainment press tungkol kay "Mr. M," ang misteryosong lalake na karelasyon ngayon ng aktres. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapangalanan ni Rufa Mae kung sino nga ba si Mr. M, kaya panay ang kulit sa kanya ng press kanina na aminin na ang tunay na katauhan ng karelasyon niya.

Ayon kay Rufa Mae, hindi na niya kaya at "pagod" na siya sa katatanong sa kanya tungkol kay "Mr. M."

Pinakiusapan pa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres kung puwede namin siyang makuhanan ng ilang litrato. Pumayag naman siya, pero ilang sandali lang ay umiyak na siya at panay na ang punas sa tumutulo niyang luha.

Hindi pa rin matigil sa pag-iyak si Rufa Mae kahit inaalo na siya ng mga natirang reporters, staff ng GMA-7, at co-star niya sa Kaya ng Powers na si Rocco Nacino. Pero wala rin silang nagawa dahil patuloy pa rin sa paghikbi ang sexy comedienne hanggang sa pagsakay siya ng elevator.

Sa loob ng elevator ay panay na ang pagpapatawa sa kanya ng veteran entertainment columnist na si Alfie Lorenzo, pero hindi pa rin tumitigil sa kakapunas ng kanyang luha si Rufa Mae.

Ani Rufa Mae, pupuntahan niya ang kanyang lola para doon niya ipagpatuloy ang kanyang pag-iyak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN