Star Magic young actor Mark Sayarot is bent on pursuing both showbiz and studies

"Masarap kasi magtrabaho e, kahit bata ka pa, alam mo na may nagagawa ka na. Ayun po, kaya gusto ko po talaga," says 13-year-old Mark Sayarot about pursuing his showbiz career.


Simpleng birthday celebration lang ang gustong maganap ni Mark Sayarot sa kanyang ika-13 kaarawan sa July 23.

"Hindi naman po yung masyadong [magarbo], sa bahay lang po siguro, hindi naman po yung ano.... Tapos, siguro wala na yung mga balloons, bisita na lang po siguro, tapos kain na lang po, yung parang handaan na lang, kasi 13 na po ako," paglalarawan ni Mark sa presscon na inihanda ng Star Magic para sa July birthday celebrators noong nakaraang linggo sa 9501 restaurant ng ABS-CBN sa Quezon City.

Nakilala si Mark bilang isa sa mga child actor ng talent arm ng ABS-CBN. Napanood na siya bilang batang Matt Evans sa Pedro Penduko at Kambal sa Uma, batang Geoff Eigenmann sa Hiram na Mukha, at batang Ejay Falcon sa Katorse. Isa rin siya sa mga batang dinukot ng RX Gang sa Kung Tayo'y Magkakalayo nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Proud ang child actor sa pagganap niya ng role bilang young version ng mga character ng mga kilalang artista.

Aniya, "Thankful po, at the same time po proud din po ako na maging young [version] ng mga malalaking artista. Kasi minsan lang po magkaroon ng mga gano'n, e, na ikaw yung puro young, hanggang ngayon po, young pa rin po ako [sa susunod na project ko], young Joem Bascon po ako sa "Bianong Bulag" po, sa Agimat."

Ipalalabas ang "Bianong Bulag" kasunod ng "Elias Paniki" ni Jake Cuenca sa Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla. Ito ay pangungunahan ni Jason Abalos bilang Bianong Bulag.

STUDIES COME FIRST. Bagamat naaaliw si Mark ngayon sa pag-aartista, mas priority pa rin daw niya ang pag-aaral. Kasalukuyang nasa first year high school siya sa Philadelphia High School.

Para sa binatang aktor, hindi naman daw mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagiging artista.

Paliwanag ni Mark, "Kasi ano po, e, 'yong ngayon po kasi pre-teens na, wala po gaanong ano, minsan-minsan lang po magkaka-project. Kaya understand naman po nila na kapag wala po ako [sa klase], siyempre, may taping or something emergency na nangyari. Pero halos lahat naman po nakakapasok naman po ako kaya na ma-manage ko po mabuti yung time. Kung may taping po na biglaan, pull out sa school, paalam nga lang po ng marami sa teachers, yun lang po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Mark na nasa "awkward" stage siya ngayon ng pag-aartista at mahirap makakuha ng partikular na role na nababagay sa kanya. Gayunpaman, hindi napanghihinaan ng loob ang binatang aktor para ipagpatuloy ang kanyang karera sa showbiz.

"Gusto ko pong seryosohin [ang pag-aarista]. Pero ayoko po yung parang mapagiiwanan yung pag aaral kasi, kahit naman nag-aartista po kayo, kailangan may alam ka din po, di ba?"

Kahit bata pa, panatag naman si Mark na kahit papaano ay may talento rin siyang maibabahagi sa publiko. Kaya naman pursigido siya na ipagpatuloy ang pagiging artista.

"Mga bata pa po kasi ako noon, mga three years old, kumakanta na po talaga ako, sumasayaw, nag-a-act kasi gusto ko po talaga, wala pong pumipilit sa akin. Sabi nga nila mama, pahinga ka muna, sabi ko ayoko. Masarap kasi magtrabaho e, kahit bata ka pa, alam mo na may nagagawa ka na. Ayun po, kaya gusto ko po talaga," pagtatapos ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN