Rhian Ramos on JC de Vera: "Wala akong opinion sa JC ngayon. Kasi, I cared about the one na nakilala ko."

"Noong start, hindi ako naniwala, maya-maya, nasaktan ako. Pero ngayon, siguro tanggap ko na rin. Pero hindi naman ibig sabihin no'n na galit ako. Hindi ako madaling ma-bitter or magalit. Pero kapag may mga times na ayaw ko siyang pag-usapan, siguro yun ay dahil sa yun lang din naman ang naririnig ko tungkol sa sarili ko. And at the same time, gusto ko rin i-preserve ang pagkakakilala ko sa kanya dati," says Rhian Ramos on the stataments of JC de Vera about her.


Bago sumabak muli sa isang primetime series si Rhian Ramos, mapapanood muna siya sa bagong sitcom ng GMA-7 na Kaya ng Powers, na magsisimula na ngayong Sabado, July 24. Bagamat ito ang unang sitcom niya sa Kapuso network, sinabi ng young actress na hindi siya mangangapa nang husto.

"It's true na first sitcom ko ang Kaya ng Powers, pero hindi ko siya first comedy. Tingin ko, nahasa rin ako before sa La Lola sa mga naging kasama ko sa show, like Keempee de Leon. May mga natutunan ako sa kanila. At the same time, nag-comedy workshop din kami," sabi ni Rhian nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Kaya ng Powers kahapon, July 20, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Ilan sa mga makakasama ni Rhian sa Kaya ng Powers sina Joey Marquez, Rufa Mae Quinto, Jaya, Bearwin Meily, Sheena Halili, Elmo Magalona, Rocco Nacino, Enzo Pineda, at Alyssa Alano.

LUMINA. Pinaghahandaan na rin ni Rhian ang bago niyang primetime series sa GMA-7, ang Ilumina, kung saan first time niyang makakatambal si Aljur Abrenica.

Napakaganda rin ng suportang ibinigay sa kanila ng Kapuso network dahil bukod kina Christopher de Leon, Jean Garcia, at Ara Mina, sa Ilumina rin unang mapapanood ang balik-Kapuso na si Cesar Montano.

"Masayang-masaya 'ko about that kasi noong nalaman ko na makakasama ko si Ara Mina, natuwa ako. Si Christopher de Leon, natuwa rin ako. Si Jean Garcia, siyempre masayang-masaya na ako. And to top it all, nandoon pa si Cesar Montano na sa buong career ko, hindi ko akalaing makakatrabaho ko bilang ang akala ko, strictly nasa kabila [ABS-CBN] na siya.

"So, wala...masaya lang ako. Hindi lang mga top actors and actresses, not just freelance or sa station natin, kung hindi pati sa mga ibang station, nakakatrabaho ko na rin at nawa-widen yung range ng mga taong puwede kong makuhanan ng mga lesson," saad ni Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JC DE VERA. During the presscon, hindi rin nakaligtas si Rhian sa mga intriga na tila kakabit na yata ng pangalan niya. Isa sa mga naitanong sa kanyang ng PEP at iba pang invited press ay ang dati niyang leading man and rumored ex-boyfriend JC de Vera.

Kahit wala na sa GMA-7 si JC, hanggang ngayon ay ang tungkol pa rin sa nakaraan nila ang napag-uusapan. And most of the time, hindi ganoon kapositibo ang lumalabas na balita tungkol sa kanila. Lalo na't sa recent interviews ni JC ay sinabi nitong hindi naging maganda ang alaala ang idinulot ng relasyon niya kay Rhian kaya't hanggang maaari ay gusto niya na itong burahin sa kanyang isipan. (CLICK HERE to read related story.)

Ano ang masasabi ni Rhian dito?

"Wala...okey na ako," pagkikibit-balikat niya. "Kasi, at a certain point, kapag basa ka nang basa ng paulit-ulit lang ng sabi, na ayaw ka nang pag-usapan, pero paulit-ulit lang na nababasa, parang ewan ko... At a certain point, parang kapag tiningnan mo, okey...

"Noong start, hindi ako naniwala, maya-maya, nasaktan ako. Pero ngayon, siguro tanggap ko na rin. Pero hindi naman ibig sabihin no'n na galit ako. Hindi ako madaling ma-bitter or magalit. Pero kapag may mga times na ayaw ko siyang pag-usapan, siguro yun ay dahil sa yun lang din naman ang naririnig ko tungkol sa sarili ko. And at the same time, gusto ko rin i-preserve ang pagkakakilala ko sa kanya dati.

"Yung JC na nakilala ko, mabait na humble na... Kaya nga kami naging close na ganoon kasi sobrang bait lang. So, kung ano ang mga nakikita, nababasa or naririnig ko ngayon, hindi ko na lang pinapansin."

Gusto na rin ba niyang i-erase kung anuman ang pinagsamahan nila noon ni JC?

"No, of course not," mabilis niyang sagot. "Kasi kung binura ko siya, parang hindi na rin ako naging thankful. Kasi, hindi naman lahat ng nangyari... Sige, maraming malulungkot na nangyari, pero hindi naman lahat ng nangyari malungkot, e. Lalo na noong simula. Kaya nga kami naging close, masaya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huling panayam ng PEP kay JC, sinabi nito na depende sa sasabihin ng isip niya kung kung babatiin niya o hindi si Rhian pag nagkasalubong sila. (CLICK HERE to read related story.)

Kung sakali ngang magkita silang muli, babatiin ba niya si JC?

"Siguro hindi," sagot ni Rhian. "Kasi noong tinanong siya, hindi raw niya ako papansinin, e. So, parang ayokong ipahiya ang sarili ko. Parang hindi na lang siguro. Ako lang din ang mapapahiya, lalo na kung maraming tao."

May pagka-ungentleman ba ang dating ng mga salita ni JC patungkol sa kanya o nagiging open lang ito sa kung ano ang nararamdaman?

"Wala akong opinion sa JC ngayon. Kasi, I cared about the one na nakilala ko. So, before, ang nakita ko, gentleman. Kaya nga siya natapos, e. May mga bagay na nagbago. Siguro, kapag tinanong na lang ako tungkol sa kanya ngayon, okey na kung ano ang sasabihin niya, sa kanya galing. Pero, hindi ko siya pag-uusapan ng masama," saad ng young actress.

Would she say na hindi na niya kilala si JC ngayon?

"Ewan ko...hindi kami nag-uusap, e. So, hindi ko alam kung totoo nga ang mga naririnig ko. Pero as much as possible, tulad noong una kong narinig yung mga narinig ko, sinabi kong hindi 'yan totoo kasi kilala ko siya. It turns out na mali ako. So, wala. As much as possible, kung ano ang alam ko na mali sa kanya, yun ang ire-retain ko sa isip ko. Kung mali ako, e, di mali ako."

ALJUR ABRENICA. Sa bago niyang leading man ngayon na si Aljur, masasabi ba niyang gentleman ito?

"Oo, so far. Hindi ko pa siya masyadong kilala. Pero sa mga times lang na nagsama kami, hinahatid niya ako sa kotse. Bago ako umalis...yung never akong umalis na hindi siya naggu-goodbye. Yung parang tatayo pa lang ako, 'Uy, aalis ka na?' Yung parang ganoon. Nakikita ko ang effort niya na maging mabait towards me, tapos gentleman siya," sabi ni Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit parang open siya sa possibility na maging sila ni Aljur?

"Hindi naman," paglilinaw niya. "It's just, hindi lang siguro ako kasing-naïve tulad ng dati na sinasabi ko, lahat imposible. Kasi, nangyari na nga. So, ngayon, nari-realize ko na trabaho ko na ipa-in love ang sarili ko.

"Minsan nga, kapag umiiyak ka sa set, nadadala mo sa bahay. Or kapag malungkot ka, nadadala mo sa bahay. So, bakit hindi rin yung pagkaka-in love? Pero, as much as possible, sa ngayon, kaming dalawa, gusto naming maging professional at mag-focus na trabaho ito. Hindi namin nilalagay yung atensiyon namin na kaya tayo nasa set, para magligawan, hindi ganoon yun. Trabaho siya.

"He's a nice guy," patuloy ni Rhian. "Although, hindi naman kailangang lagyan ng love angle kasi marami na rin akong nakatrabaho na hindi kami or kung na-link man, na-prove na wala palang nangyari. Kung na-link man, na-prove rin na ilang araw lang, nawala na."

FAVORITISM. Hindi pa rin maalis-alis ang intriga na kaya hindi nawawalan ng projects si Rhian ay dahil sa favoritism, lalo na sa GMA Artist Center kung saan ang namamahala ay ang tita niya na si Yda Henares.

Pero pagkatapos ng Stairway to Heaven nila ni Dingdong Dantes last year ay ngayon lang siya ulit nagkaroon ng primetime series. Sa palagay ba ni Rhian ay mawawala na kahit papaano ang iniisip ng iba na paborito siya ng GMA-7?

"Hindi ko alam," sagot niya. "Pero, ever since naman, ang mga tao ang nagdesisyon kung ano ang ibibigay na label sa akin. Pero ewan ko. Siguro naman noong time na yun, hindi mo naman masasabi na, 'Grabe naman, favoritism 'to,' di ba?

"Pero, hindi naman ibig sabihin na may trabaho ako ulit, huwag naman nating ibalik yun. Kasi yun naman talaga ang mangyayari. Magpapahinga ang tao, magiging busy. Siguro, mawawala ulit, gano'n. Tanggapin na lang natin kung paano ang showbiz."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN