Ruffa Gutierrez on being linked to Smartmatic president Cesar Flores: "It's still premature...."

"Well, mabait naman siya. He's very nice... Importante kahit na wala naman namamagitan sa amin bilang more than just friends, ang importante, I was able to make a new friend. With all of those talks, like I said, it's still premature kasi I've only seen him three times in my life. So, NFF siya, newfound friend. Ang importante single, di ba?" says Ruffa Gutierrez about Smartmatic president Cesar Flores (inset).


Bagamat presscon para sa bagong show ng TV5 na Star Factor ang pinunta ni Ruffa Gutierrez, hindi pa rin pinaligtas ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Ruffa sa intriga, lalo na ang tungkol sa usap-usapan ngayong pagkaka-link niya sa Smartmatic president at Venezuelan na si Cesar Flores.

"All that I can say is that he's just a new friend. We've just recently met. So, I'm beginning to enjoy his company and get to know him better as a friend. As of now, wala pa siya rito. He's back home in Venezuela," reaksiyon ni Ruffa sa isyu nang ma-interview siya sa presscon na ginanap sa City Best restaurant sa Tomas Morato, Quezon City kahapon, July 20.

Nagre-react ba ang Mommy niya na si Annabelle Rama sa pagkaka-link niya kay Cesar?

"Hindi naman, thank God."

Ano naman ang masasabi niya na tila boto ang parents niya kay Cesar?

"Well, alam mo ang favorite word ko these days is premature. It's still premature for any of that, kung boto sila. You know, I think they should give us time to know each other. And importante naman kasi sa pagpapakilala mo sa isang tao or getting to know them pag may privacy. Siyempre, hindi naman puwedeng lahat na lang ikukuwento ko sa inyo, di ba?" sabi niya.

NEWFOUND FRIEND. Ano ba ang dating sa kanya ng lalakeng isa rin sa naging controversial figures last May elections dahil sa involvement nito sa Smartmatic, na may hawak sa mga PCOS machines na ginamit sa first Philippine automated elections?

"Well, mabait naman siya. He's very nice," sagot ni Ruffa. "But ayoko naman siyang masyadong purihin. Baka naman mamaya mabasa pa niya ito, baka sabihin...di ba? So, as of now, pa-girl muna ako at quiet. Importante kahit na wala naman namamagitan sa amin bilang more than just friends, ang importante, I was able to make a new friend. With all of those talks, like I said, it's still premature kasi I've only seen him three times in my life. So, NFF siya, newfound friend. Ang importante single, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang comment niya na tila mas nali-link siya sa mga foreigners?

"Hindi naman. May mga Pinoy din naman diyan. Pero siguro yung mga nali-link sa akin ngayon, medyo controversial because of the elections. But we're just friends."

As friends, meron na ba silang gift-giving ni Cesar?

"Gift-giving? Grabe ka naman! Premature, ano ba! Premature lang talaga. Wala pa talaga. As of now, tinutukso lang siguro kami kasi they say... Yung iba, sabi bagay kami, we look good together. So, ayun, ayoko naman paasahin yung mga tao na wala pa naman talaga."

Magkikita ba sila ni Cesar pagbalik nito ng Pilipinas?

"If he comes back and he calls me, let's see," sagot niya. "If I'm free sa schedule ko. Kasi busing-busy rin ako dito sa Star Factor. Ang concentration ko now is not on the affairs of my heart, it's more on my work. That's why I'm here sa TV5."

NOT IN A HURRY FOR A NEW LOVE. Pero ano ang possibility na ma-in love siya sa new guy?

"I am not closing my doors to the possibility of new friendship," sabi ni Ruffa. "Pero as of now, it's really not in my priority. Kumbaga, as of now kasi, masaya ako sa buhay ko. Wala naman akong dine-date na iba. Right now, hindi ako nagmamadali. As of now, ang daming projects na dumarating sa akin like Star Factor. So, kung may mga nagpapakilig sa akin o may mga nagte-text sa akin, that's just an added bonus.

"So, as of now, I have new friends but I'm not dating anyone. Hindi ako nagmamadali, katulad ng iba diyan na madali nang madali, one after the other. Take your time, di ba? There's so many people in this beautiful world. Ayokong magmadali," tila may pinatatamaang sabi ni Ruffa.

Sadya raw hindi nakikipag-date si Ruffa ngayon dahil sa isang dahilan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako nakikipag-date at all. Hindi ako nagmamadali. Sabi nga ng feng shui expert na this year is not my year for love. Masasaktan lang daw at magdurugo ang puso ko. So, ayoko namang dumugo-dugo ang puso ko!" biro ni Ruffa.

Hindi ba dumugo ang puso niya last year?

"Last year ba dumugo? Naku, may capacity ba sila para paduguin ang puso ko? So, hindi pa ako nakakahanap ng isang tao na may capacity na nasaktan ako or para saktan ako dahil matatag ako."

Hindi ba pinadugo ni John Lloyd Cruz ang puso niya?

"No, baka siya. Kayo talaga! Hayaan n'yo na siyang lumigaya tutal maligaya na rin naman ako," sabi ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN