Rocco Nacino on Lovi Poe: "I have never tried courting her."

"I want to be friends with her, to be a close friend, why not? Pero siyempre, ayoko rin naman pong magsalita ng patapos. With love, you'll never know naman when it can happen. So, for the meantime, we're enjoying our friendship and we're building our relationship as professionals," says Rocco Nacino (in photo) about the status of his relationship with Lovi Poe.


StarStruck V Second Prince Rocco Nacino is enjoying everything that's happening in his showbiz career, whether it's big or small. Masayang-masaya nga siya na nakasama sa cast ng bagong sitcom ng GMA-7, ang Kaya ng Powers, na mapapanood na sa Sabado, July 24, pagkatapos ng 24 Oras.

"Very happy," nakangiti niyang sabi. "Sobrang happy. I'm enjoying work talaga. Sitcom naman ako ngayon. And I think, I'm ready na rin po kasi limang beses na rin po akong nakapag-guest sa Bubble Gang. Tapos si Direk Uro [dela Cruz] na rin po ang nagha-handle ng Bubble Gang, tapos, siya na rin po rito. Tingin ko, magiging comfortable ako rito."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa presscon ng Kaya ng Powers kahapon, July 20, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Bukod sa Kaya ng Powers, regular na napapanood si Rocco sa musical-variety show na Party Pilipinas at semi-regular naman siya sa gag show na Bubble Gang. Nasubukan na rin ni Rocco ang mag-drama sa afternoon soap na Gumapang Ka Sa Lusak with Dennis Trillo and Jennylyn Mercado.

LOVEBUG WITH LOVI. Malapit na ring simulan ng StarStruck alumnus ang taping para sa episode ng Lovebug, kung saan makakatambal niya for the first time si Lovi Poe.

Ito ang dahilan kung kaya't hindi nalungkot si Rocco nang hindi siya makasama sa cast ng kasalukuyang ipinapalabas na episode ng Lovebug, ang "Exchange of Hearts," na tinatampukan ng mga kasamahan niya sa StarStruck V na sina Steven Silva, Sarah Lahbati, Enzo Pineda, at Diva Montelaba.

Ayon kay Rocco, "Actually, to be honest, mas okay po. Mas better exposure po for me dahil kaming dalawa lang ni Lovi. Isang leading man na agad ang role ko. Tapos, I'll be working with a top-rank actress. Isang best actress na nanalo sa Cinemalaya. So, dagdag pressure nga sa akin. But definitely, it's gonna be great dahil ibibigay ko talaga lahat do'n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm not being mayabang naman po," patuloy niya, "pero itong Lovebug na ito, ipagyayabang ko talaga dahil kaming dalawa ni Lovi 'to. Sisiguraduhin naming papatok 'to sa audience."

Sa palagay niya, naging advantage o disadvantage ba na wala siyang naging ka-love team StarStruck V?

"Para sa akin, advantage po because you get to concentrate on yourself and your partner. Mas advantage, to be honest," sagot ng 23-year-old newcomer.

IS HE COURTING LOVI? Bago pa man siya maging escort ni Lovi sa awards night ng Cinemalaya 2010, kung saan nanalong Best Actress ang dalaga, ay nabalita nang nagpapadala ng bulaklak at nagpaparamdam na si Rocco sa anak ng yumaong Fernando Poe Jr.

Diretsahang tanong, nililigawan na ba ni Rocco si Lovi?

"I have never tried to court her, but I find her attractive naman noon pa," sagot ng binata. "So, yung mga pagbigay ng flowers, ano naman yun, it's just being a gentleman naman yun sa kanya.

"After that, wala naman akong ginawa. Hindi naman ako nanligaw. I never crossed the line naman, we're still friends. We're still building a good relationship at siguro, kasama na rin do'n ang professional relationship namin."

Paano siya naging escort ni Lovi sa Cinemalaya awards night gayong may nababalitang boyfriend ang young actress—ang concert producer na si Ronald Singson?

"Nagkayayaan lang din po kami," sagot ni Rocco. "Sabi ko, wala naman akong gagawin. Tapos, yung manager po niya [Leo Dominguez], sinabi na, 'Why don't you escort Lovi?' Why not? I'm a good friend. Gusto ko rin siyang i-support bilang isang fellow artist. Tapos, at the same time, parang makipag-bond na rin sa kanya."

Nilinaw ni Rocco na hindi pa naman umaabot sa punto na magka-text sila palagi ni Lovi. In fact, right after the Cinemalaya event, isang beses lang daw siyang nag-text sa dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, 'Lovi, congratulations, pahinga ka na,' yun lang. Kailan lang din naman po kami naging close sa isa't isa. So, we're just on the stage of getting to know each other," paliwanag niya.

Diretso na naming tinanong si Rocco kung wala ba sa kanya ang fear na baka may magalit sa atensiyon na ibinibigay niya kay Lovi, lalo na ang nababalitang boyfriend nito na si Ronald, na anak ng pulitikong si Chavit Singson? Ito ay sa kabila ng pagde-deny ni Lovi na may namamagitan sa kanila ni Ronald higit pa sa magkaibigan.

"I'm sure, he understands what I'm doing," sabi ni Rocco. "Kung may message man ako sa special person ni Lovi, I'll say na he can trust me, kasi I never go over the line. What we have is just we're good friends. At saka, wala rin akong oras para sa pag-ibig ngayon, sa totoo lang."

Kung sakaling may boyfriend nga si Lovi ngayon, siya ba yung tipong maghihintay kung kailan ito magiging single ulit?

"I would say hindi rin po," diretsong sagot ni Rocco. "Kung anuman ang meron kami, ime-maintain ko lang din po yun. It's hard to be in love sa showbiz. Lalo na po sa akin, nagpo-pour in ang projects, may work. Wala akong panahon para sa gano'n.

"I want to be friends with her, to be a close friend, why not? Pero siyempre, ayoko rin naman pong magsalita ng patapos. With love, you'll never know naman when it can happen. So, for the meantime, we're enjoying our friendship and we're building our relationship as professionals, lalo na rito sa Lovebug."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN