John Estrada says future wife Priscilla Meirelles is now closer to his mother than him

"Well, mabait siya. When it comes to the relationship, sometimes he can be offended by us also. Pero overall, he's a very nice guy," says Brazilian beauty queen Priscilla Meirelles about boyfriend John Estrada.


Kumpirmado na nga ang pagpapakasal ng aktor na si John Estrada at ng kanyang long-time girlfriend at dating Miss Earth na si Priscilla Meirelles.

Sa interview ng Paparazzi sa dalawa nitong nakalipas na Linggo, July 18, pinag-usapan ang tungkol sa kasal nila na inaasahang magaganap sa susunod na taon, 2011.

Sabi ni John, pupunta muna siya sa Brazil para magbakasyon at para magpaalam sa mga magulang ni Priscilla sa plano nilang pagpapakasal. Pamamanhikan na rin ba ang intensiyon ng pagpunta ni John sa Brazil?

"Parang gano'n na rin yun, parang gano'n na rin yun," sagot ng aktor.

Ano ang ginawa nina John at Priscilla para matanggap ng kani-kanilang pamilya ang plano nilang pagpapakasal?

Ayon sa Brazilian beauty, hindi naging mahirap sa kanya ang ipaalam sa kanyang parents ang tungkol dito. "Alam nila na I'm happy. And as long as I'm happy, they're happy for me," sabi ni Priscilla.

Biro naman ni John, "Wala na raw silang pakialam kung anong klaseng tao ako!"

Sabi pa ng aktor, hindi naging mahirap para sa kanya na kumbinsihin ang mga magulang niya sa desisyon niyang pakasalan si Priscilla.

"E, sa tingin ko, mas close sila ngayon ng nanay ko kesa kami ng nanay ko," pagpapatunay ni John. "Sobrang masaya ang nanay ko."

Singit naman ni Priscilla, "Yung parents niya, sobrang bait sa akin."

Paano natanggap ng mga anak ni John sa dating asawa na si Janice de Belen ang tungkol sa kanilang dalawa ni Priscilla at sa plano nilang pagpapakasal?

"Unang-unang ginawa ko ay yung ipinakilala ko sila. Nag-dinner kami. Tapos, ang galing nga, e, kasi yung first dinner pa lang namin, parang konting ilang minuto lang, ilang oras lang, kumportable na sila. Yun, yun! Masaya ako doon kasi naging vibes sila agad," kuwento ng aktor.

Sa pananaw ni Priscilla, isang mabait na kasintahan si John kahit minsan ay madali itong masaktan pagdating sa kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, mabait siya. When it comes to the relationship, sometimes he can be offended by us also. Pero overall, he's a very nice guy," saad ng beauty queen.

Natatakpan ng negative yung positive?

"Meron siyang ginagawa sometimes that somehow brings along with him in a commitment," sabi ni Priscilla. "So, meron siyang... He's, you know, different kind of demand. So, I'm a girl, I need to be careful and I need also to be very consistent and need to be very worry about whatever people say about us kasi we'll gonna be married. He's gonna be my future husband."

Natawa naman si Priscilla sa tanong kung gaano niya kamahal ang aktor. Pero aniya, "Of course, I love him so much."

Ganun din ba si John kay Priscilla?

"Oo naman!" sagot nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN