Ynna Asistio on boyfriend Mark Herras: "Hindi na siya bad boy!"

"Alam naman natin na maraming ex si Mark na showbiz. Ang akin naman, alam ko naman lahat ng past ni Mark. Importante yun. Pero sa akin kasi, past na yun. Ang importante sa akin yung future and present," says Ynna Asistio.


Walang problema kay Ynna Asistio kung sa isang event, tulad noong nakaraang binyag ng anak nina Paolo Contis at Lian Paz na si Xonia Aitana, ay makasama niya ang mga "ex" ng kanyang boyfriend na si Mark Herras. Noong Linggo, July 18, nangyari ang okasyon sa Outback restaurant sa Quezon City.

Naikuwento ng anak ni Nadia Montenegro sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kung paano siya naging malapit sa ex-girlfriend ni Mark na si Lian.

"Actually po kasi, noong time nina Mark at Lian, magkabarkada na kami ni Mark sa Anghelita. 'Tapos no'n, La Vendetta, 'tapos, nagtuloy-tuloy na yung barkadahan namin.

"Dahil kay Mark, nakilala ko si Lian. 'Tapos po, si Kuya Pao [Paolo Contis], sa sobrang close namin noong time na hindi pa alam ng tao na sila na, palaging nakukuwento sa akin si Kuya Pao. Hindi kasi kami nagpapansinan ni Lian dati dahil nagseselos siya," ang sabi niya nang natatawa.

Nagsimula silang magpansinan ni Lian noong magkita sila sa Startalk.

"First interview niya. Nagyakapan lang kami. Parang sabi niya, 'Kumusta ka na?' Ganoon lang... walang kailangan na, 'Uy, sorry, ha.' Kasi siguro, yung pagmamahal na rin namin kay Kuya Pao... Siyempre, kung sino ang mahal ni Kuya Pao, mahal na rin namin," aniya.

GETTING ALONG WITH THE EXES. Mas nauna raw niyang naging barkada sina Pao at Lian bago si Mark.

"Noong time nga po na buntis na si Ate Lian, doon kami nagkasama ulit. Kami nila Kuya Pao, nila Mama, pero, hindi pa namin nakakasama si Mark."

Minsan, hindi raw maiwasang intrigahin sila ni Lian, pero "wala" raw anumang awkward feelings na sa pagitan nila ng former EB Babe.

"Lumalabas kaming dalawa together na nagsisine. Ayaw niyang isama si Kuya Pao. Alam mo yun..."

Ganoon din daw kapag kasama nila ang kanilang mga boyfriends.

"Nakakatawa pa nga kasi, yung first time nila nagkita, yung wake ng daddy ni Kuya Pao. Hindi nila alam kung magbabatian sila. Tawa sila nang tawa. Nag-apir sila Lian at Mark. 'Tapos, yung susunod naman, sa bahay namin. Alam mo yun, wala na, e. Kumbaga, tapos nang lahat yun and wala namang dapat pag-usapan. Masaya na silang pareho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa lahat daw ng ex-girlfriends ni Mark, si Lian ang pinaka-close sa kanya. Dagdag ni Ynna, "Si Ate Jen [Jennylyn Mercado], naging close ko rin, pero kasi, hindi na kami nagkasama."

Kay Marian Rivera, na na-link din dati kay Mark?

"Wala pa... Pero nakakatuwa siya kasi, alam mo yung kung magkita kami, talagang nakangiti lang siya 'tapos, starstruck naman ako. Totoo... parang, 'Wow, si Marian!' Hindi ko lang alam kung bakit," natatawang pag-amin niya.

ON MARK'S PUBLIC ADMISSION. Gaya ng nabanggit sa naunang article na inilabas dito sa PEP (CLICK HERE to read related article), two Sundays ago lang nagtapat si Mark tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon sa publiko.

Ano ang reaksiyon niya sa pag-amin ni Mark?

"Masaya 'ko na nagulat. Kasi ano, e, hindi ko ine-expect yun. Ano lang yun, e, after ng Party Pilipinas. Nag-lunch kami sa Chili's, umalis lang siya nang konti 'tapos nagpunta na siya ng Showbiz Central.

"'Tapos yun, ang dami nang nag-text sa akin. Sabi ko, 'Anong nangyari?' Pag-open kasi ng TV, walang audio. 'Tapos pagdating nila, do'n ulit tinanong ko, 'Anong nangyari? Bakit ang daming nag-text?' 'Tapos tawa siya nang tawa, tapos yun..."

Masaya raw siya sa ginawa ng nobyo, pero mas gusto raw niya na sikreto pa sana ang kanilang relasyon.

Aniya, "Siyempre, happy rin ako na nanggaling din sa kanya. Pero kung papapiliin niya ako, ayoko sana. Mas masarap sana na, alam mo yun, kahit papaano, merong something private. Pero, at the same time, okay na rin. Para matahimik na lahat ng tao...

"Parang ang akin, hindi rin namin kailangang ulit-ulitin na kami na. And, gusto ko sana talaga na maging private. Alam naman nating lahat ng relationship ni Mark, sobrang naging public. Ayoko sanang mangyari yun and siguro dahil pinoprotektahan ko rin naman na pareho kami... sa family ko lang pala," natawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero dugtong din niya, "Siyempre, happy rin ako dahil ilang years na rin siyang nandiyan. Kumbaga, hindi na siya bad boy. Naks!"

NADIA'S REACTION. Nag-mature na raw si Mark at mas naging responsible sa ilang bagay. Masasabi niya bang partly ang relasyon nila ang dahilan dito?

"Malaki po... pero masasabi ko, hindi lang sa akin kung hindi sa family ko po. Kasi, nakahanap siya ng isa pang tunay na family besides do'n sa family niya. Kasi, ano, e, kapag magkakasama talaga kami, para talaga kaming isang masayang pamilya.

"I think, kaya na rin siya naging gano'n, kasi ayaw niyang masira ang samahan namin sa family at naging mas strong pa ang samahan naming dalawa dahil nandiyan ang family namin pareho na nakasuporta sa amin."

May mga pagbabago rin daw sa kanya.

"Si Mark, para siyang daddy ko, ang dami kong natutunan. Kumbaga, basta lahat, sa pananamit. At yung tipong dapat mag-act ako na parang babae, kasi nga, wala akong pakialam. Yung mga ganoon... alam ko, tama rin siya in a way, kasi 18 na 'ko. Hindi na puwede yung beybi-beybi pa ko tulad noong dati."

Kung si Mark ay naging secretive sa kung gaano na sila katagal ni Ynna as boyfriend-girlfriend, si Ynna naman ay mabilis na umamin na lampas na ng dalawang taon ang relationship nila.

Kailan nalaman ng mommy niyang si Nadia Montenegro na sila na nga?

"Noong December lang," natawa niyang pag-amin. "Napansin na lang din siguro niya. Kasi, matagal nang gustong sabihin ni Mark talaga sa family ko. Pero ako, ayoko. Siyempre, yung usapan nila na dapat 18 ako. Na hindi ko sinunod... Pero parang naano naman ni Mama na yun nga, hindi niya kami mapipigilan. Ayaw rin naman niyang pigilan dahil kung masaya ka, e, di go...

"'Tapos tinanong nila kung 'kailan anniversary niyo'. Parang nagkakatinginan kami kung sasabihin ba namin. Nakakatuwa, parang natanggap naman nila...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natatawa nga sila sa akin. Kasi si Mark, medyo mature na. Ako, nandoon pa lang ako sa kilig-kilig moment. Kaya sabi nila, para kaming bago palagi. Parang one month pa lang. Para kaming bagong magkarelasyon dahil kapag nakikita ko siya, kapag kinikilig talaga, sobra. 'Tapos ako, kahit pinipigilan ko, hindi ko mapigilan kasi nga, masaya 'ko kay Mark. 'Tapos yun nga, nakahanap siya ng pangalawang mommy sa mommy ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN