Regine Velasquez's generosity is much appreciated by her co-workers, but she'd rather not talk about it

"This is a tough act to follow so I'm just going to rest for a while. Pero kahit na gano'n, happy ako kasi successful siya and I know na marami nang magiging shows na gagawin itong ganitong format," says Regine Velasquez about soon-to-be-concluded kantaserye Diva.


Napaiyak si Regine Velasquez nang mapanood ang hinandang audiovisual presentation para sa nalalapit nang pagtatapos ng kanyang pinagbibidahang kantaserye sa GMA-7 na Diva. Pinalabas ito sa thanksgiving presscon ng show kagabi, July 23, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Pagkatapos ng limang buwan ay magwawakas na ang Diva next week, July 26 to 30. Kaya naman nais magpasalamat ni Regine sa lahat ng mga nakatrabaho niya sa show—mula sa cast, director, creative team, hanggang sa crew.

"Thank you very much for making this experience na sobrang maganda po talaga sa akin," saad ni Regine. "Kasi pag gumagawa ako ng soap, hindi naman ako kumakanta. But this time, I get to sing. I know that experimental yung ginawa namin, pero binigyan kami ng chance to pull this off."

Actually, may natitira pang two taping days ang Diva, pero nararamdaman na raw talaga nila na matatapos na ang kanilang kantaserye.

"Siyempre, nakakalungkot," sambit ni Regine. "Masaya kami lahat, pero ngayon namin nararamdaman... Nagbibilangan na nga ng araw. 'Two days na lang, two days na lang, hindi na tayo magkikita-kita.' Pero gano'n talaga. Hopefully I get to work with all of them again."

THINGS SHE WILL MISS ABOUT DIVA. Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Regine kung ano ang pinakamami-miss niya sa Diva.

"Going to work every day and thinking of songs to sing for the show. Talking to the writers and making pakialam..." sagot niya.

Mami-miss din daw ni Regine ang direktor nilang si Dominic Zapata, na laging nagpapasaya sa kanya sa set.

Kuwento niya, "Pag pumapasok ako, siyempre hindi naman... I'm still a human being, hindi naman ako robot. May mga days na pumapasok ako na medyo off, so he makes it, you know... I don't think he makes an effort anymore, parang panata na lang niya yata to make me smile, to make me happy. Kasi he knows that... Actually, they all know pagka I'm off, so they make an effort to make me laugh, to make me smile, and I appreciate that very much. So, my director, siya yung nangungunang gumawa no'n."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How about her character, Sam/Melody?

"I will miss both Sam and Melody," sabi ng Asia's Songbird. "They have become part of my life already... Like I said, you're a human being, you create these characters but you don't know that you are creating... Sa TV, they're real, and since ako ang gumaganap sa kanila, hindi mo alam, nagiging totoo na rin yung... If you noticed, in all my interviews, I always refer to them, especially si Sam, hindi ako, I would always refer to her like another person talaga. Even when I'm at home or when I'm talking to Ogie [Alcasid, Regine's boyfriend], I would refer to her as Sam. Parang she's become my friend. So I'm going to miss her. I have fallen in love with the character and she's totally adorable."

Is it true na isang malaking concert ang magiging finale ng Diva?

"We wanted it to be like that. We wanted sana like a live concert, kaya lang mahirap to pull that through kasi we're still taping. Ang hirap namang mag-mount ng concert," sabi ni Regine.

HARDER TO DO. Inamin ni Regine na mas nahirapan talaga siya rito sa Diva kesa sa pinagbidahan niya ring teleserye na Ako si Kim Samsoon, ang remake ng isang sikat na Koreanovela.

"Hindi naman, naospital nga lang ako, e!" biro niya, na ang tinutukoy ay ang pagkakaospital niya pagkatapos niyang mag-collapse sa taping ng Diva. Ito yung panahon ng kasagsagan ng init noong summer.

Paliwanag ni Regine, "This is harder because I'm doing everything here at the same time and I'm not a multi-tasker. I'm singing, I'm making people laugh, I'm making people cry, trying to be kilig, everything... blocking, I have to memorize my lines..."

Pero nilinaw ni Regine na nag-e-enjoy siya sa paggawa ng Diva.

"Sobra naman akong nag-e-enjoy kasi I'm doing two things, well, a lot of things talaga, and I'm being paid for it. I have a great job," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REGINE'S GENEROSITY. Kilala rin si Regine sa pagiging galante niya, hindi lamang sa mga taong malalapit sa kanya kundi maging sa mga nakakasama niya sa kanyang shows. Hindi na bago sa pandinig ng mga taga-showbiz ang pagbibigay ng regalo o pagpapa-raffle ni Regine tuwing matatapos na ang teleserye niya.

Dito nga sa Diva, nalaman ng PEP na mga signature bags (Louis Vuitton for Glaiza de Castro and Chariz Solomon) and shoes (Jimmy Choo for Gretchen Espina) para sa cast at mamahaling gadgets naman para sa staff ang iniregalo ni Regine.

"Hindi, kasi natutuwa ako," sagot ni Regine nang tanungin tungkol dito. "It has become a tradition for me, lagi naman kasing may last day, pa-last day ang tawag namin do'n."

Bakit niya ginagawa ito?

"This is how I show my appreciation for everybody," nahihiya niyang sagot.

Biniro naman si Regine na hindi lamang daw ang cast at staff ang niregaluhan niya. Maging ang hindi kasali sa show ay binigyan niya ng BMW. Obviously, ang tinutukoy ay ang boyfriend niyang si Ogie Alcasid na balitang niregaluhan ni Regine ng BMW Series 7, isang luxury car.

"E, dyowa ko naman 'yon!" natatawang bulalas ni Regine, na tila kinumpirma na rin ang pagbibigay niya ng mamahaling sasakyan kay Ogie.

Pero hangga't maaari ay ayaw nang pag-usapan ni Regine ang pagbibigay niya ng regalo sa mga nakakasama niya sa show, o maging kay Ogie, dahil "nahihiya ako, e."

Sinalo naman siya ng kaibigan at co-star sa Diva na si Jaya sa pagsasabing more than the material gifts, ang "gift of friendship" ng Asia's Songbird ang mas mami-miss ng mga kasamahan nila sa show.

Ani Jaya, "I'm sure the other guys will miss you because you're so nice, you're so kind, you're so helpful. Dapat superhero ka. Dapat may kalye ka diyan sa Cubao, Regine Velasquez!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mamamatay na ba ako?" hirit naman ni Regine nang may nagbiro na nagiging "tribute" sa kanya ang takbo ng usapan.

AFTER DIVA. What's her next show after Diva?

"Cooking show!" biro ni Regine.

Pero aniya, "This is a tough act to follow so I'm just going to rest for a while. Pero kahit na gano'n, happy ako kasi successful siya and I know na marami nang magiging shows na gagawin itong ganitong format."

At mukha ngang nakapagsimula na sila ng bagong trend in Philippine TV. Dahil sa success ng Diva ay maglalabas na rin ng kantaserye si Sarah Geronimo para sa ABS-CBN.

"Tama lang 'yon," sambit niya. "Kasi sayang naman, parang ang dami nating magagaling na singers and Sarah is one of them and she's a good actress. Why not? And I'm sure they're gonna make it really, really good."

May concept na ba siya for her next project since isa rin siya sa nag-conceptualize nitong Diva?

"Wala pa. Pahinga ko rin muna yung brain!" tawa niya.

Okay lang ba sa kanya na isa uling kantaserye ang susunod niyang maging primetime series?

"Oh, yeah, in a heartbeat. I won't even have to think about it," sagot ni Regine.

CHARICE'S BOTOX ISSUE. Nabanggit din ang pagkakasali ng Pinay international singing sensation na si Charice sa hit American TV series na Glee, na siyang nagpasimula actually ng temang musical sa TV.

"Feeling ko, lalamunin niya lahat ng mga tao do'n, so go!" sabi ni Regine.

Kinuha rin ng PEP ang opinyon ni Regine tungkol sa kontrobersiyang nilikha ng pagpapa-botox ng 18-year-old singer kay Dra. Vicki Belo.

Isa si Regine sa endorsers ng Belo Medical Group, na pag-aari nga ni Dra. Belo. At sa Diva ay naging guest si Dra. Belo as herself na nagbigay ng pagkakataon kay Sam (Regine) na baguhin ang kanyang hitsura.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Regine tungkol dito?

"Siguro they were all shocked lang kasi she's too young," simula niya. "And we all know that botox is for mga wrinkles, ganyan... Siguro si Dra. Belo has another reason why she did that. She's a doctor, she wouldn't do anything that would harm her patients, especially a celebrity like her [Charice]. Siyempre, pangalan din niya yung masisira do'n.

"Siguro ang puwede ko na lang sabihin diyan, dapat hindi na lang nila pinublic... I'm sorry that I have to mention that, siguro they wanted, I don't know, publicity and all, but maybe it wasn't such a good idea. If they want to do that, puwede naman, wala na lang makaalam."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN