Pokwang on Mo Twister's alleged "ugly" comment: "Baka pag nakita niya ako sa personal, ma-in love siya sa akin!"

"Buti nga ang pangit na ito nalibot ang buong mundo. Itong hitsura ko, dito gumanda ang buhay ko kaya hindi ko ito papalitan," was Pokwang's classy riposte to a hurtful comment supposedly made by DJ Mo Twister.


Kamakailan, kakabit ng balitang babalik na si Willie Revillame sa Wowowee ay ang balitang hiniling raw niya sa ABS-CBN management na palitan na ang ilan sa mga female co-host niya, numero uno na rito si Pokwang.

Sa taping ng Banana Split ay kinuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaction ni Pokwang tungkol dito.

"Kung yun talaga ang nararapat na gusto ng management, di tanggapin na natin, hindi ba? Tuloy lang ang trabaho. Kung may trabaho, e, di tuloy. Kung wala, e, di pahinga," turan niya.

Wine-welcome daw niya ang pagbabalik ng TV host dahil hindi naman daw niya pagmamay-ari ang show at hindi sa kanya ang ABS-CBN. Dapat daw tanggapin kung sino ang umaalis at bumabalik.

Pero kaya ba nilang patakbuhin ang show kahit wala si Willie?

"Ilang beses na bang nawala si Kuya, hindi ba? Nandito lang kami para ituloy ang trabaho para patuloy na sumusuweldo yung mga taong mas maliit pa ang kinikita sa amin," sabi niya.

Wala raw silang komunikasyon sa ngayon ni Willie.

"Alam mo, hindi kami palaging ganito. Darating ang panahon talagang magkakaayos din kami. Ang hindi lang maganda kasi pinapalala ng mga nasa paligid," aniya.

Totoo bang sinabi nila ni Mariel Rodriguez na aalis sila kung babalik si Willie Revillame?

"Pag pinaalis kami, di aalis kami. Tingnan natin kung ano talaga ang mangyayari. Wala kaming sinasabing ganoon. Ayaw ko nang magsalita," sambit ni Pokwang.

TANGING INA. How true na siya na ang papalit kay Eugene Domingo sa Tanging Ina ni Ai Ai delas Alas?

"Ako na ba? Buti pa kayo alam niyo na 'yan. Ako, wala talaga akong alam na kung ano. Ang alam ko, may gagawin kami ni Ai Ai pero hindi 'yan," bulalas niya.

"Excited talaga ako. Alam naman ni Ms. Ai Ai na gusto ko siyang makatrabaho," aniya pa.

Pero okey lang ba sa kanya na second choice siya at kapalit ni Eugene kung sakali?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung mag-start kasi ng Tanging Ina ay si Eugene na. Mas maganda sana kung ituloy na ni Eugene dahil tumatak na siya dun, e! Sayang. Pero kung talagang kinakailangan at Ai Ai delas Alas 'yan, go ako," aniya.

Pero magkakaroon ng comparison sa inyo ni Eugene kapag napunta sa iyo ang pelikula.

"Aba'y lagi namang may mga comparison pero kami tuloy lang sa trabaho, di ba? Masaya naman ang kinalalabasan. Manhid na kami ni Eugene sa ganyang mga compa-comparison," sabi pa niya.

HURTFUL COMMENT. Pero hindi maitago ni Pokwang ang pagkaimbyerna niya kay DJ Mo Twister dahil nakarating sa kanya na sinabi raw ni Mo na siya ang pinakapangit na host sa Wowowee.

"Oo, pangit na pangit siya sa akin. Galing yata siya sa papogian contest. Pero siya perfect, sobra.

"Pero buti nga ang pangit na ito nalibot ang buong mundo. At itong hitsura ko, dito gumanda ang buhay ko kaya hindi ko ito papalitan, di ba? Marami nga ang may gusto, ganito na lang ang hitsura ko para yumaman.

"Hayaan na natin siya dahil hindi naman kilala ang show niya. At saka busy ako para patulan pa ang mga ganyan...

"Baka pag nakita niya ako sa personal... hello... ma-in love siya sa akin," tawa ni Pokwang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN