Ecstatic Paulo Avelino tweets arrival of newborn son with LJ Reyes

The newbie dad announced the blessed event through Twitter: "I am now a certified father! This feeling is overwhelming!!!! Thank you god!" Girlfriend LJ (inset) delivered their firstborn at a New York hospital yesterday, July 24, past 3 p.m., Philippine time.


Hindi na nakaabot si Paulo Avelino sa panganganak ng girlfriend na si LJ Reyes nang isinilang nito ang kanilang baby boy kahapon, July 24, past three in the afternoon, Philippine time.

Unang nalaman ng mga followers ni Paulo ang pag-deliver ni LJ nang inanunsiyo ng aktor sa kanyang Twitter account, "I am now a certified father! This feeling is overwhelming!!!! Thank you god!"

Through a phone interview with Butch Francisco of Startalk, naikuwento ng bagong tatay ang mga pangyayari sa isang ospital sa New York kunsaan nanganak si LJ ng pasado alas tres ng umaga doon.

Medyo nahirapan din daw si LJ sa delivery, "pero okey lang daw po kasi mabilis naman ang delivery. Sobrang healthy naman at ang taba po ng baby."

Pinangalanan nila itong Ethan Akio.

"SEE YOU IN A BIT." Tinanong ni Butch si Paulo kung wala ba itong planong puntahan si LJ at ang kanilang anak sa Amerika?

"Hangga't maaari, gusto ko po," sagot ni Paulo. "Pero titingnan po natin kung maayos po lahat."

Sa huli, hiningan ni Butch ng message si Paulo para kay LJ at sa kanilang anak.

Ani Paulo, "Ethan, I can't wait for you to be here. I'm very excited to see you. I hope you and your mom recover soon."

Kay LJ, sinabi niya, "I hope you'll recover soon. I'll call you in a bit when you get better. I'll always be here for you and Ethan."

Biro ni Butch, wala na raw bang 'I love you'?

"I love you," sabi naman ni Paulo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN