Gov. Chavit Singson on son Ronald: "I hope na nagdusa na siya nang husto at hindi na mauulit ito."

"Yun nga, e, nahiya kami sa pangyayari kaya humihingi uli ako ng paumanhin sa lahat, lalong-lalo na sa aming mga kababayan. I'm sure na pagdating ni Ronald dito, e, marami siyang ie-explain sa aming mga kababayan," says Gov. Chavit Singson (main photo) about the drug trafficking charge on his son Ronald (inset).


Personal na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kaninang hapon, July 25, si Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson, ang ama ni House Representative Ronald Singson na kinasuhan ng drug trafficking sa Hong Kong at kasalukuyang nakakulong sa Lai Chi Kok Rehabilitation Center, isang maximum security prison sa Valley Road, Kowloon. (CLICK HERE to read related story.)

Ipinahayag ni Gov. Singson na hindi pa sila nagkakausap ni Ronald mula nang hulihin ito ng Hong Kong Police sa Chek Lap Kok International Airport noong July 11, 2010.

"Actually, wala akong nalalaman dahil hindi ko pa nakakausap [si Ronald]. Hindi ko pa nakikita, hindi pa nadadalaw. Pero balita ko, okey naman [siya]. Yung mga kaibigan niya sa Hong Kong ang nagsasabi na okey naman siya. Medyo talagang matagal lang ang proseso doon dahil sa kaso niya," sabi niya.

Ano ang naging reaksiyon ni Gov. Singson sa pagkakadakip ni Ronald?

"Nalungkot at hindi ko alam ang gagawin ko dahil nga wala akong tinutulungan na ganyan na gumagamit sa mga gamot. Hindi ko talaga alam kaya medyo nagtago ako noon," saad niya.

NO PLAN TO VISIT. Sa ngayon daw ay wala pang plano si Gov. Singson na bisitahin si Ronald sa kulungan.

Paliwanag niya, "Nahihiya akong pumunta doon dahil istrikto ako diyan. Lahat ng nakikiusap, wala akong tinatanguan basta drugs, lalo na kung pusher. Pati mga biktima, hindi ko tinutulungan.

"I mean, di ako na-involve diyan dahil I'm very strict sa drugs. Pamilya namin, empleyado namin, ipinapa-drug test ko from time to time. Mga transportation [employees] ko, nagpapa-drug test kami. So, talagang isinasama ko mga anak ko.

"Kaming lahat doon sa probinsiya [Ilocos Sur], we're very strict on that. It's very unfortunate na nangyari sa kanya 'yan. So, hindi ko rin alam kung paano ie-explain 'yan. Pero kaya nga, that's the reason up to now, hindi ko pa siya nakakausap."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TAKING THE BLAME. May balitang si Ronald daw ang umako sa kasalanan pati na ng mga kasamahan niyang nagpunta sa Hong Kong. Ano ang reaksiyon dito ni Gov. Singson?

"'Yon ang huling balita ko kanina kaya nahirapan siya na lumabas dahil inako niya lahat para pakawalan lahat ng mga kasama niya na papunta sa Hong Kong," sagot ng ama ni Ronald. "Pero sabi nga ng aking mga kaibigan doon, maganda naman daw dahil yung nahuli na 26 grams [na cocaine], isinama sa pagtimbang pati yung bote. Hindi ko alam kung anong bote, pero yung abogado niya, ipatatanggal sa bote [ang laman] sa hearing, gagaan talaga."

Ayon pa sa gobernador, sa pagkakaalam niya ay hindi si Ronald ang talagang nagmamay-ari ng nahuling cocaine.

"Basta ang balita ko, marami silang pumunta at nang inimbestigahan sila, inamin na lang niya na para makawala yung mga kasama niya. Yun pa ang nakabigat na isa. Mas maganda sana na walang kaso kung hindi niya inamin."

Sa palagay ni Gov. Singson ay malaki ang tsansa na makakabalik sa Pilipinas ang kanyang anak.

"Ah yes, yes," sambit niya. "Malaki naman... Umaasa kami na makakabalik siya."

Dahil sa nangyari sa kanyang anak ay himingi ng paumanhin si Gov. Singson sa mga tao, lalo na ang constituents nila sa Ilocos Sur.

"Yun nga, e, nahiya kami sa pangyayari kaya humihingi uli ako ng paumanhin sa lahat, lalong-lalo na sa aming mga kababayan. I'm sure na pagdating ni Ronald dito, e, marami siyang ie-explain sa aming mga kababayan. I hope na nagdusa na siya nang husto at hindi na mauulit ito," mariin niyang sabi.

LOVI POE. Sa mga unang interview ni Gov. Singson ay sinabi niya na "brokenhearted" ang kanyang anak dahil nakipag-break dito ang girlfriend na si Lovi Poe. Isa raw ito sa mga dahilan kung bakit nagpunta ng Hong Kong si Ronald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi lang sila nagkaintindihan ni Lovi Poe. Hindi niya makontak, tapos nayaya ng mga kabarkada niya na nagpunta sa Hong Kong, 'yon ang nangyari," sabi ni Gov. Singson.

Sa parte naman ni Lovi ay hindi niya kailanman inamin sa publiko ang tunay na relasyon nila ni Ronald, bagamat madalas silang makitang magkasama sa events. Madalas sabihin noon ng young actress-singer na matalik lamang silang magkaibigan ni Ronald.

Tungkol naman sa pagkakakulong ni Ronald sa Hong Kong, pinili ni Lovi na huwag munang magbigay ng anumang pahayag.

GMA WILL NOT VISIT RONALD. Itinanggi naman ni Gov. Singson ang usap-usapang dadalawin ni dating Pangulo at ngayo'y Pampanga Congressman Gloria Macapagal Arroyo si Ronald sa kulungan.

"Kino-connect nga doon, malayong-malayo doon. Walang koneksiyon 'yon," diin ni Gov. Singson. "Wala akong kinontak sa gobyerno natin. Wala akong napagsasabihan diyan. Walang nakakaalam until nag-check sila sa Hong Kong. Taga-Hong Kong din lahat ang abogado [ni Ronald] dahil hindi ako nakialam."

Nakatakda kasing magpunta si Cong. Arroyo sa Hong Kong bukas, July 26, kasama ang asawang si Mike Arroyo para sa pagpapa-check-up diumano ng huli sa aortic aneurysm nito. Ito ang dahilan kaya hindi makakadalo ang dating Pangulo sa State of the Nation Address (SONA) ni bagong Pangulong Noynoy Aquino sa Batasang Pambansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN