Piolo Pascual apologizes to KC Concepcion but says son Iñigo has no Twitter account

"Hindi pa confirmed na si Iñigo...[kung] yung anak niya ang nagsulat. Naiintindihan ko si Iñigo kung siya talaga yun. Ako yung batang yun, e, noong bata ako. Ako po yung nasa lugar niya... Pero I hope it's not him dahil hindi naman ako naniniwala na kayang magsalita ng anak ni Piolo Pascual yun dahil mabuting ama naman si Piolo," says KC Concepcion about the alleged Twitter post of Piolo Pascual's son against her.


Sa press conference ni Sharon Cuneta last Thursday, July 22, para sa nalalapit niyang concert sa Araneta Coliseum, isa sa napag-usapan ay ang tungkol sa anak niyang si KC Concepcion at ang diumano'y hindi magandang Twitter post ng anak ni Piolo Pascual na si Iñigo against KC.

Hindi itinago ng Megastar ang naging saloobin niya sa pangyayaring 'yon, although hindi pa naman kumpirmado kung anak nga ni Piolo ang nag-post ng naturang message sa Twitter. But what Sharon wanted at that time was for Piolo to speak up and give a statement. (CLICK HERE to read related story.)

PIOLO'S STATEMENT. Ito naman ang siyang ginawa ni Piolo sa official statement na ipinadala niya sa The Buzz kahapon, July 25.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

"I'm really sorry for whatever pain or hurt we've caused anybody because of the things that have been said about other people. I had to make sure I got the right info as to who was spreading the text messages or tweeting using my son's name.

"Firstly, my son doesn't have a Twitter account. His Facebook has been hacked. He's never texted anybody to malign Kristina. He also receives prank calls from different people even while he's in the States.

"He told me that there are people harassing him and using his name to harass other people as well through Internet.

"Whoever is using my son's name to ruin relationships, please refrain from doing so for we may seek legal counsel. My son is still a minor and private individual.

"I'd like to apologize to Kristina and her family. Thank you for standing by me through this situation. I appreciate your support and maturity in handling this matter. Again, my apologies."

KC'S REACTION. Pagkatapos ipakita ang official statement ni Piolo ay hiningi ng kanyang mga co-host sa The Buzz na sina Boy Abunda, Toni Gonzaga, at Charlene Gonzalez ang reaksiyon ni KC. Pero hindi pa man nagsasalita si KC, hindi na niya nakaya pang pigilan ang pagtulo ng kanyang luha at naging emosyunal na ito agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I know that PJ [palayaw ni Piolo] is a very good father," umpisa ni KC. "Ginagawa niya ang lahat to be the man that his son needs kasi lumaki si PJ na walang tatay. So, gusto ni Piolo na maging mabuting ama sa anak niya.

"Hindi pa confirmed na si Iñigo...[kung] yung anak niya ang nagsulat. Naiintindihan ko si Iñigo kung siya talaga yun. Ako yung batang yun, e, noong bata ako. Ako po yung nasa lugar niya. Mahirap naman na mahal na mahal mo ang magulang mo, mahirap makita na magkahiwalay sila. Mahirap din i-accept kung sinuman ang napapalapit sa mga magulang mo. Pero I hope it's not him dahil hindi naman ako naniniwala na kayang magsalita ng anak ni Piolo Pascual yun dahil mabuting ama naman si Piolo.

"Ang sa akin lang po," patuloy niya, "kung anak ka man or kung isa kang babaeng nilapitan ng lalake, nanahimik naman po ako, nanahimik din po ang bata. Sana po, ang bottomline lang diyan, isa lang po ang hinahanap ng isang anak sa tatay niya at isa lang din ang hinahanap ng isang babae na pinalapit mo sa 'yo sa isang lalake. Yun ay ang ipaglaban ka, yun ay ang panindigan ka. At yun ay ang ipakita sa 'yo at iparamdam sa 'yo na mahal ka niya.

"So, bilang anak, yun lang ang hinahanap niya [Iñigo]. Kung siya nga 'yon or kahit hindi siya 'yon, alam ko ang nararamdaman niya dahil ako yun dati na nasa sitwasyon niya.

"So, sana... Hindi ko naman sinasabi na siya nga yun, pero masakit po ang mga sinabi. Kung ibang tao man po ang gumagawa, sana naman po, huwag naman nilang sirain ang relasyon ng mag-ama. Kasi, meron din pong nag-try sa amin ni Papa [Gabby Concepcion] no'n. Merong sinasabi ang tao kay Papa tungkol sa akin na sinabi ko raw na hindi naman totoo. So, mabuti na lang nag-usap kami ng Papa ko. So, sana kung yun ang mangyayari sa sitwasyong ito, huwag naman nilang gamitin ang bata."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpasalamat naman si KC sa kanyang ina na si Sharon sa pagtatanggol nito sa kanya, kay Piolo sa kanyang statament, at kay Iñigo sa kabaitan nito sa kanya.

"I'd like to say thank you for raising me nang walang galit. And I'd like to say thank you to Piolo for your statement, and thank you Iñigo sa mga panahon na nagkita tayo and you were so nice to me. Yun ang pinanghahawakan ko dun, yung kabaitan niya, nakita ko yun," pahayag ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN