Korina Sanchez on Sen. Mar Roxas's failed VP bid: "Siyempre, para ka rin namatayan."

"We've been in our six years and now we're on our first year of marriage. Hindi naman madali all the time. Importante na yung simula, nasa tama. I think that's the secret between the two of us," says broadcaster Korina Sanchez about her relationship with husband, former Senator Mar Roxas.


Matagal na walang narinig mula sa broadcaster na si Korina Sanchez hinggil sa pagkatalo ng kanyang mister na si former Senator Mar Roxas sa pagtakbo nito para sa vice presidency noong nakaraang May 10 elections.

Sa panayam ng The Buzz kay Korina ay inamin nito na nalungkot sila sa pagkatalo ng kanyang asawa.

"Siyempre, ang plastic naman kung sasabihin kong nagdiwang pa kami. Siyempre, para ka rin namatayan. Pero, bata pa kasi si Mar, e. Ako, positive thinking ako palagi talaga. And may boto siya. Para sa akin, ang importante, mabilang ang tatlong milyong boto."

Pumangalawa lamang si Roxas sa dating mayor ng Makati City na si Jejomar Binay, bagamat naghain na ng protesta sa korte ang dating senador sa naging resulta ng vice-presidential race.

Sa kabila ng lahat, nanatili lang daw na nandoon ang suporta ni Korina sa 53 anyos na asawa.

Natatawa naman ito sa tanong kung nilalambing niya si Mar kapag nalulungkot ito.

"Oo, medyo hinimas-himas ko yung batok niya," sabi naman ni Korina. "And, yun naman talaga ang trabaho ng asawa. Kailangan nandiyan ka, sumusuporta kapag malungkot siya. At kung medyo napapasabak sa laban, kailangan nandoon ka rin sa tabi niya."

STARTING A FAMILY. Sa kabila ng pagkatalo ni Mar, hindi naman daw nawawala ang plano nilang magkaroon ng isang masayang pamilya. May plano na rin daw sila for their honeymoon.

"Nakaplano na rin 'yan," sabi ni Korina. "Sooner than later, talagang kailangan magplano na rin kami ng pamilya. Sabi ng gynecologist ko, 'Bilisan mo na.'"

Dugtong pa niya, "May vitamins na ako, parang may preparatory na ako. Meron na kaming initial na check-up with him. Meron namang ako lang. Alam mo naman ako, napaka-independent ko."

Posible pa bang mabuntis siya? Sa ngayon kasi ay 45 years old na ang veteran broadcaster.

"Oo naman. Because I took good care of myself. So, posible talaga siya," sabi ni Korina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang gusto nilang maging anak: girl, boy, o kambal?

"Kung puwede quintuplet, para isahan na lang? Puwede ba yun?" natatawang sabi ni Korina. "Sabi niya [Mar], kahit isa lang, basta lang makabuo lang ng isa, di ba? At saka normal, saka matalino."

Dugtong pa niya, " Sana kamukha ko!"

Siyam na buwan pa lang kasal sina Korina at Mar, pero nandiyan na agad ang mga pagsubok sa kanilang pagsasama. Pero posible rin daw na maging successful ang isang pagsasama kapag sa umpisa pa lang ay nandiyan na ang pagsubok tulad ng sa kanila. Pero malaking bagay din na nandoon ang suporta nila sa isa't isa.

"It's very important that, kami ni Mar... We've been in our six years and now we're on our first year of marriage. Hindi naman madali all the time. Importante na yung simula, nasa tama. I think that's the secret between the two of us," pahayag ni Korina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN