Tekken star Jon Foo on doing a film in the Philippines: "Everything is possible."

Hollywood actor Jon Foo attended the invitational screening of his film Tekken at MyCinema in Greenbelt 3 Makati. Jon plays the lead role in the movie.


Aminado ang Hollywood martial arts actor na si Jon Foo, lead star ng pelikulang Tekken, na nag-enjoy siya sa ilang araw niyang pagbisita sa Pilipinas para mag-promote ng kanyang pelikulang hango sa isang popular video game. Dumating sa bansa si John last July 24 at nakatakda siyang umalis ngayong araw, July 26.

Game na game ngang nakipag-posing at nagpa-picture si Jon kasama ng mga entertainment press, kabilang ang PEP (Philippine Entertainment Portal), at ilang special guests bago simulan ang ginanap na presscon at invitational screening ng Tekken kahapon, July 25, sa MyCinema sa Greenbelt 3 Makati.

During the presscon ay kaagad tinanong ng mga press kung kumusta naman ang first day niya sa Pilipinas?

"It was pretty crazy. There was a great reception at the first screening over at SM Megamall [July 24]. That was intense," pahayag ni Jon.

Sa Tekken, ginagampanan ni Jon ang role ng bidang si Jin Kazama. "His mother is killed by the big corporation and he goes out for revenge. And he has to fight all the fighters from different countries. It's like the most dangerous tournament in the world," salaysay ni Jon.

How does it feel to be in a video-game movie?

"I guess it feels the same to be in any type of movie regardless if it's from a video game or an original screenplay. There is not much difference in the process of making the movie."

Will there be a sequel to Tekken?

"I'm not sure. I hope so," sabi niya.

TRYING PINOY FOOD. Isa raw sa hindi makakalimutan ni Jon sa pagpunta niya rito ay nang pakainin siya ng balut ni Wilson Yuloque, president ng Pioneer Films, ang distributor sa Pilipinas ng Tekken.

"I ate balut. Wilson made me eat it. I can't look at it for too long. But there was no feather on it though!" biro ni Jon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinatikim din daw siya ng iba pang pagkaing Pinoy.

"We had some crispy pork pata. We gonna try some wood worms," dagdag biro pa niya.

Bago para kay Jon ang mga pagkaing ito dahil ito ang kauna-unahang pagbisita niya sa Pilipinas. Jon is based in Los Angeles, pero lumaki siya sa London. Half-Chinese and half-Irish siya dahil ang father niya ay Singaporean Chinese at ang mother naman niya ay mula sa Ireland.

WILLING TO DO A MOVIE HERE. Tinanong naman ng PEP si Jon if there's an offer to do a movie in Manila, is it possible for him to make one?

"Everything is possible. I'm a freelance," sagot niya.

Sa ngayon daw ay gumagawa siya ng pelikula sa isa pang Asian country, sa Thailand.

"It's called Rebirth," banggit ni Jon. "It's about my character witnesses how his parents were shot. My character got shot in the head but he didn't die. In his emotional state of mind, he will avenge the death of his parents."

Pag-alis niya sa Pilipinas ay babalik na siya ng Thailand para tapusin ang naturang pelikula.

Does he have any dream role?

"I would like to play a character that is slightly disturbed, slightly troubled character which he have to overcome that," sabi niya.

Directed by Dwight H. Little (director of Halloween 4: The Return of Michael Myers), Tekken is locally distributed by Pioneer Films. Mapapanood ito sa mga sinehan simula sa August 4.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN