Kim Chiu and Gerald Anderson experiencing "rough times" says PEP source

"They have never formally announced anything. But you can see that there is something going on. Kim is just more expressive than him. She takes care of him. Maasikaso at concerned. Kapag naaksidente sa set si Gerald, gaya ng nangyari, react na agad si Kim, sugod na siya sa set mula sa kabilang studio. The guy reciprocates, but he's not as PDA." This is how a PEP source describes the relationship between rumored couple Kim Chiu and Gerald Anderson.


Matinding usapin ngayon sa Internet ang balitang nagtangkang maglaslas ng pulso ang dalagang actress na si Kim Chiu. Ito ay dulot umano ng napabalitang paghihiwalay nila ng matagal na niyang onscreen partner na si Gerald Anderson.

Ayon sa isang source mula sa ABS-CBN, ang network na nagpatanyag kina Kim at Gerald sa matagumpay na mga teleserye, kasalukuyang nasa "rough times" ang relasyon nina Kim at Gerald ngunit hindi raw maiisip ng dalaga ang paglalaslas.

LOOKING BACK. Matatandaan na walang pormal na pag-amin ang kapwa dating Pinoy Big Brother Teen housemates na sina Gerald at Kim tungkol sa matagal nang usap-usapang relasyon nilang dalawa. Ngunit inilalarawan ang dalawa ng ilang mga kasamahan sa trabaho bilang "near-perfect couple."

Ayon pa sa isang katrabaho, "They have never formally announced anything. But you can see that there is something going on. Kim is just more expressive than him. She takes care of him. Maasikaso at concerned. Kapag naaksidente sa set si Gerald, gaya ng nangyari, react na agad si Kim, sugod na siya sa set mula sa kabilang studio. The guy reciprocates, but he's not as PDA."

Ngunit sa harap ng media, kabaligtaran ang nakikita. Sa mga TV interviews at press conferences, kapag tinatanong ang dalawa, laging mas vocal si Gerald sa ganda ng samahan nila: "Sobra kaming close. Sobra ko nang kilala si Kim."

Samantala, laging paiwas si Kim: "Sa amin na lang yun. Napag-usapan na namin."

Ang nakakalito ngayon ay ang mga nagsusulputang kuwento ng hiwalayan. Hindi sila umaming sila—ngunit may hiwalayan?

Naging balita ang tungkol sa umano'y paghihiwalay nilang dalawa matapos ang annual Heartthrobs tour, kung saan kasama sila ng original heartthrobs na sina Piolo Pascual at Sam Milby sa U.S. noong nakaraang Marso at Abril. Kasama rin sa tour sina Bea Alonzo at Pokwang.

Ayon sa isa pang source na kilala ang mga nagbiyahe, totoo ang mga napabalitang pinormahan ni Gerald, 21, si Bea, 22, habang nasa Heartthrobs U.S. tour. Kahit naroon pa si Kim. Nang magbalik daw ang grupo sa Pilipinas, napansin na ang pagkakalabuan nina Kim at Gerald, na itinuturing na hottest young team ng ABS-CBN at Star Cinema. Sa ngayon nga raw ay malakas na ang usap-usapang may namamagitan na kina Gerald at Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag naman ng isang taga-Kapamilya network, hindi siya magtataka kung pumorma nga si Gerald kay Bea. "Bente-uno anyos lang si Gerald. Bata pa. Mainit pa. Di pa magseseryoso. And technically, single siya. Single rin si Bea."

Pinabulaanan naman ito ni Kim sa press conference para sa bago niyang endorsement noong July 17. (CLICK HERE to read related article.)

Wala rin umano siyang ideya tungkol sa pagkaka-link nina Bea at Gerald sa isa't isa. (CLICK HERE to read related article.)

Sa katunayan, dun pa rin sa presscon, nang tanungin si Kim ng kanyang reaksiyon sa balitang Gerald-Bea, sinabi niya, "Kaibigan din naman namin si Bea." Nang tinanong naman siya kung ano ang masasabi niya sakaling maging mas close pa ang dalawa, natatawang isinagot ng dalaga, "Kung saan sila masaya! Susuportahan ko."

GOING SEPARATE WAYS? Mas tumindi pa ang usapin ng hiwalayang Gerald-Kim noong mga huling linggo ng Mayo at mga unang linggo ng Hunyo, kung kailan malapit nang matapos ang kanilang pinakahuling proyekto bilang love team, ang Kung Tayo'y Magkakalayo.

Ayon pa rin sa Kapamilya source, matagal na rin namang "cold-hot, cold-hot" ang pakikitungo nina Gerald at Kim sa isa't isa. Halimbawa na raw ay darating ang dalawa sa set na "hot," ngunit pagdating ng hapon ay "cold" na. Ganito raw malimit ang kalakaran ng kanilang relasyong away-bati, away-bati. Ngunit nang pumasok na ang Hunyo, tuluyan na raw nagkalamigan ang dalawa.

Kahit na kapansin-pansin ang pagbabago sa relasyon ng dalawa, hindi naman naiisip ng Kapamilya source na magagawa ng dalagang aktres ang napabalitang paglalaslas. Kung titingnan daw kasi si Kim, na nananatiling metikulosa sa pangangatawan at pananamit, hindi mo aakalaing may dinadala itong matinding problemang may kaugnayan kay Gerald.

Maaari rin namang hindi maipakita sa publiko ang panlalamig ng dalawa dahil patuloy pa rin ang pagsasama nila sa mga out-of-town and out-of-the-country shows. Sa katunayan, kararating lamang ni Kim kahapon, July 27 ng umaga, mula sa isang TFC show sa U.S., kung saan kasama niya si Gerald. Si Gerald naman ay kadarating lamang kagabi. Sa ika-4 ng Agosto ay muli silang lilipad na magkasama para sa isang two-week U.S. Tour. At taliwas sa naunang ipinahayag ni Kim, magkakaroon ulit ng pelikula ang dalaga kasama si Gerald, ayon sa source ng PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito rin ang naging paliwanag ni Kim nang tanungin siya ng entertainment media kung totoong paghihiwalayain na sila ng ABS-CBN management sa mga susunod nilang proyekto. Aniya, "Magkakasama naman kami sa mga out-of-town shows, out-of-the-country shows, at mga commercial."

Gayunpaman, idiniin ng source na kasalukyang nasa "rough times" sina Kim at Gerald sa kanilang relasyon. Ngunit dahil hindi pa nagpapakita ang dalawa sa ABS-CBN, hindi masabi ng mga sources kung ano nga ang lagay ng dalaga.

Sa ilang larawang kuha ng PEP sa isang presscon ni Kim kamakailan, naaninag ang ilang marka sa kaliwang pulso ng dalaga. Natakpan ito bahagya ng kanyang relo, ngunit sa malapitan, hindi maikakaila na iba-iba ang direksiyon ng mga marka na may saklaw na dalawang pulgada mula sa pulso.

Hindi nagkaroon ng pagkakataon ang writer na ito na usisain si Kim tungkol dito dahil wala nang one-on-one interview during the presscon.

Ngunit ipinaalam ng PEP ang mga napansing marka sa pulso ni Kim sa Star Magic kagabi, July 27, at kaninang tanghali, July 28. Nang sumagot ang publicist na si Thess Gubi, na kasama ng dalaga sa States sa loob ng tatlong araw, pinabulaanan niya ito: "Wala naman akong napansin." At dahil kararating pa lang nila, hindi pa makapagbigay ng opisyal na pahayag ang Star Magic tungkol sa larawan ni Kim kung saan kita ang mga marka sa kanyang kamay.

STATEMENT FROM KIM'S CAMP. Ngunit tungkol sa nababalitang suicide attempt ni Kim, nagpadala ng statement ang Star Magic sa pamamagitan ng text kaninang umaga. Heto ang nilalaman: "We are laughing at the rumors. Kim has so much to live for. She is so blessed."

Bukas ang PEP sa anumang mga susunod na pahayag ni Kim o ng kanyang network tungkol sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN