Christopher de Leon clueless about his reported pullout from Ilumina

Drama King Christopher de Leon returns to primetime television via GMA-7's latest fantaserye, Ilumina. "This is my first time to play a sorcerer. Isa akong black sorcerer, si Cesar [Montano] ang white sorcerer," says the actor about his role.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ang Drama King na si Christopher de Leon sa grand launch ng bagong GMA-7 primetime series na Ilumina kagabi, July 27, sa Glass Garden sa Santolan, Pasig City.

Boyet plays the role of Frederico, ama ni IƱigo (Aljur Abrenica), at magiging instrumento para mapaghiwalay ang kambal na sina Romana (Rhian Ramos) at Crisanta (Jackie Rice). Wife naman niya rito si Jean Garcia, who plays a dual role (Elvira and Melina), na in love naman kay Romano (Cesar Montano).

Sa Monday, August 2, na mapapanood ang Ilumina kung saan tampok din sina Paulo Avelino, Jhake Vargas, Bea Binene, Lexi Fernandez, at Ara Mina.

WORKING WITH CESAR. Tinanong si Boyet (palayaw ni Christopher) tungkol sa issue na pinapa-pullout diumano siya sa Ilumina dahil kay Cesar Montano. May hinaharap kasi ngayong problema sa Professional Artists Managers Association (PAMI) si Cesar dahil sa manager nitong si Norma Japitana. Ang manager ni Boyet ay si Lolit Solis na miyembro ng PAMI.

"Hindi ko alam ang tungkol doon," sagot ni Christopher, at itinanong niya kung ano ba ang issue rito.

Ipinaliwanag sa kanya na since may ruling ang PAMI na kapag may reklamo sa talent ng isang manager, hindi ito dapat samahan ng iba pang talents ng managers.

Hindi ba siya sinabihan ni Lolit na mawawala siya sa drama series?

"Kung may ganoong ruling, susundin ko ang manager ko," sabi ng multi-awarded actor. "But since wala namang sinabi sa akin si Nay Lolit, I'm here and will start my taping na on Monday [August 2]. Kahapon [July 26], nag-taping ako para sa teaser na napanood natin kanina. Kung 'yon ang magiging desisyon ng manager ko, susunod ako, pero alam ko hindi 'yon gagawin ni Nay Lolit."

Ano ang feeling niya na parang ang lumalabas na pinakabida sa Ilumina ay si Cesar, na nagbabalik muli sa GMA-7. Si Cesar kasi ang huling ipinakilala sa presentation ng cast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman sa akin 'yon kung sino ang mauna at mahuli," sagot ni Boyet. "What's important, ang good role na ibinigay nila sa akin. This is my first time to play a sorcerer. Isa akong black sorcerer, si Cesar ang white sorcerer. I welcome Cesar with open arms dito sa GMA, para hindi maging mahirap sa kanya ang pagtatrabaho rito."

Ayon pa kay Boyet, una niyang nakasama si Cesar sa Broken Marriage (1983) nila ni Vilma Santos. Nagkasama rin sila sa Hiram na Mukha (1992) at Alas Dose (2001).

Dagdag niya, "First time naming nagkasama ngayon sa TV, pero maraming beses na kaming nagkasama ni Cesar sa mga basketball games here and abroad. Inaanak pa niya sa binyag ang bunso kong si Micah."

POLITICAL CAREER. Noong nakaraang May 10 elections ay nanalo si Boyet bilang Board Member ng lalawigan ng Batangas. Hindi ba makakasagabal sa trabaho niya bilang politician ang pagte-taping niya ng Ilumina?

"So far, naka-schedule lang ako ng two tapings a week," banggit niya. "And like what I've said earlier, sa Monday pa lang ang first taping day ko. Every Wednesday lang ako kailangang nasa Batangas Provincial Capitol para sa aming morning sessions. Twice a month naman ang mga committee hearings namin. May naka-schedule na rin kaming People's Day sa Kapitolyo."

Dagdag pa ni Boyet, "I head the Environmental Protection Committee at sinusubaybayan namin ngayon ang problema ng oil and coal spills sa karagatan ng Nasugbu at Calatagan in Batangas."

Inamin ni Boyet na bago siya nagsimulang magtrabaho bilang Board Member last July 1, marami siyang pinag-aralang legislative proceedings. At ang maganda naman, todo ang suporta ng iba pang Provincial Board Members, kahit hindi kapanalig ni Gov. Vilma Santos, dahil para naman sa kapakanan ng Batangas ang kanilang ginagawa.

Bukod sa taping ng Ilumina, nagsu-shooting din si Christopher ng pelikulang Sa 'Yo Lamang with Lorna Tolentino, Bea Alonzo, Diether Ocampo, and Coco Martin. Ito ay sa direksiyon ni Laurice Guillen for Star Cinema. Hindi lamang alam ni Christopher kung kailan ang playdate ng movie nila na unang napabalitang sa August 25 na raw ipalalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN