Jackie Rice now takes career seriously after being given second chance by GMA-7

"Ako, napakasuwerte ko para bigyan pa nila ako ng pagkakataon kasi gusto ko talagang magbago, and hinayaan naman nila akong magbago. Ipinakita ko nga, ito, sobrang trabaho. Mahal ko yung ginagawa ko, and I'm sure nakikita naman nila yun, kaya happy rin sila para sa akin," says Jackie Rice about the Kapuso network.


Magsasama sa kauna-unahang pagkakataon sina Jackie Rice at Rhian Ramos sa pinakabagong telefantasya ng GMA-7 na Ilumina. Magsisimula itong mapanood sa Lunes, August 2.

Sa presscon ng Ilumina kagabi, July 27, kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jackie tungkol sa pakikipagtrabaho niya kay Rhian.

"Masaya siya katrabaho, as in! Siyempre big star na siya ng GMA, hindi mo aakalaing napaka-down-to-earth, ganun. As in, magba-bonding kami sa likod, sa dressing room. Parang nakakatuwa na, wala lang, na cycling shorts niya ituturo niya kung saan niya nabili, ganun. Parang idea lang, para kaming magkapatid din. Itinuturing niya akong ganoon in real life," kuwento ng StarStruck 3 Ultimate Female Survivor.

Hindi pa raw sila gumigimik ni Rhian dahil puro trabaho pa lang sila so far.

"Hindi, hindi pa. Ano lang sa trabaho and, hopefully, kahit ano, lumabas rin kami, manood lang ng sine. Hopefully, sana pag may time po kaming dalawa. E, napaka-busy ng taong 'yan."


SECOND CHANCE. Second chance na maituturing ni Jackie ang bagong pagkakataon na ibinibigay sa kanya ng GMA-7 ngayon, matapos ang medyo naudlot na career niya noon. Matatandaang isa sa binansagang "pasaway" si Jackie sa bakuran ng Kapuso network pagkatapos niyang manalo sa reality-based artista search.

"Ang daming chance!" ang natatawang sinabi ni Jackie. "I am so happy, so blessed na, ito nga, binigyan pa ako ng second chance ng GMA. Hindi naman lahat ng nagkakamali nabibigyan nila ng chance, di ba?

"And ako, napakasuwerte ko para bigyan pa nila ako ng pagkakataon kasi gusto ko talagang magbago, and hinayaan naman nila akong magbago. Ipinakita ko nga, ito, sobrang trabaho. Mahal ko yung ginagawa ko, and I'm sure nakikita naman nila yun, kaya happy rin sila para sa akin."

JACKIE'S LOVELIFE. Happy rin ba ang lovelife niya?

"Happy naman po," sagot niya.

Iyon pa rin bang non-showbiz guy ang boyfriend niya ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo."

Isa ba siya sa reasons kaya nagbago si Jackie at nagseryoso na sa kanyang career?

"Siguro po inspirasyon ko siya, pero kung may gusto naman ako o ayaw, hindi naman siya nakikialam sa trabaho ko kasi. Pero siyempre, isa siya sa mga inspirasyon ko. Unang inspirasyon ko, siyempre, yung pagbabago and ibinigay sa aking chance ng GMA. Pangalawa, family, and siya, 'ayan. So, nagtulung-tulong talaga ang mga 'yon para magbago talaga ako."

Ready na ba siyang sabihin ang pangalan ng inspirasyon niya? Noon kasi sa Panday Kids presscon, ayaw sabihin ni Jackie kung sino ito.

"Kasi sila, hindi naman sila showbiz na tao, e. So, hindi ko alam kung okay lang. Baka mamaya, di ba, baka magalit yung family niya," sabi ni Jackie.

Siya na ba ang right guy for her?

"Hindi ko masasabi, pero siyempre lahat naman ng nagiging boyfriend ko, gusto ko siya na yung huli. Hindi naman ako nag-boyfriend para lang sa ngayon, e. Hindi po ako ganun."

Gaano na silang katagal na may relasyon?

"Nung Feb. 24 kami, so... Hindi ko na alam, hindi ako nagbibilang."

Ang boyfriend ni Jackie ay 24 years old at 20 years old naman siya.

LOVE OF ONE MAN. Sa Ilumina, mapapagitna sa magkapatid na Romana (Rhian) at Krisanta (Jackie) ang isang lalake, si IƱigo (Aljur Abrenica), at ito ang sisira sa relasyon ng magkapatid. Sa tunay na buhay ba, naranasan na ni Jackie ang ganitong sitwasyon?

"May mga sitwasyon na ganun, pero kasi mga lalake ang mga kapatid ko, hindi naman po siguro mangyayari yun. 'Tsaka kung mangyayari man sa akin yun sa totoong buhay, siguro magle-let go ako para sa kapatid ko. Ganun po, willing po akong mag-sacrifice."

Sa tunay na buhay, ginawa na raw ni Jackie na magsakripisyo sa kanyang pagmamahal sa isang lalake upang magbigay ng daan sa kanyang best friend. Ang best friend niya, may gusto sa lalake, pero yung lalake, si Jackie ang gusto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang nangyari?

"Hindi ko po siyempre hinayaan na ano, na maging kami nung guy, kasi gusto [siya] ng best friend ko. Nag-give way po ako para sa kanya, and naging sila in the end. So, mas happy ako, kasi hindi ko naman gusto yung guy. Pag naging kami, baka masaktan lang siya, e, best friend ko pa. Kung naging kami nung lalaki, e, mag-aaway rin kami."

Sila pa rin ba hanggang ngayon?

"Wala na akong balita, pero sana... Nagkaanak sila, actually."

Hindi na niya best friend yung girl?

"Best friend ko pa rin po siya. Nagkita lang kami nung ano, kailan ba? Pero yung lalake yata nasa Macau."

IWA MOTO. Si Iwa Moto na ka-batch niya sa StarStruck 3 at matalik na kaibigan, patuloy na umaalagwa ang career. Ano ang masasabi ni Jackie rito?

"Opo, close kami. Siyempre, happy ako, kaibigan ko yun, e. Nung kailan lang po, nung FHM event, nagkita po kami, inalagaan niya rin ako dun. Si Iwa, para niya akong mas batang kapatid."

Paano siya inalagaan ni Iwa?

"Inayos niya yung damit ko. May gusto siyang ipasuot sa akin na siya ang pumili mismo. Ganun kabait si Iwa sa akin, sobrang love na love niya ako, at love na love ko siya. Hindi kami nagpapabayaan. Kaya alam kong happy siya para sa akin at happy ako para sa kanya. Ang ganda-ganda ng career ng bakla!" tawa ni Jackie.

At bongga rin ang lovelife ni Iwa sa piling ng boyfriend nitong si Mickey Ablan.

"Oo, happy siya, happy ako!" sambit naman ni Jackie.

Natsitsismis na kasal na sina Iwa at Mickey. May alam ba siya rito?

"Hindi po, hindi po magagawa ni Iwa yun," sabi ni Jackie. "Siyempre bata pa siya, alam niyang bata pa siya. I-enjoy muna niya ang pagiging bata niya, yung pagiging dalaga niya, bago siya mag-asawa, at saka ang ganda-ganda ng career niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEING A KAPUSO. Ang GMA Artist Center, ang talent arm ng GMA-7, ang siya pa ring humahawak ng showbiz career ni Jackie, na isa nitong contract artist.

"Actually, hindi pa nage-expire ang contract ko, pero balak ko na namang mag-renew," banggit ng young actress.

Inalok na ba siya ng ibang TV network?

"Wala po akong balak kasi happy na ako sa GMA," sagot niya.

Pero may nag-alok?

"May offer sila, pero hindi ko ano, e, mas happy ako sa GMA. Merong mga tsismis na nagsasabi lang sa akin na gusto nila akong kunin. Ngayon, sa akin naman, sa GMA ako nagkapangalan, e. And malaki ang utang na loob ko sa GMA. Hindi ako basta-basta kakawala sa GMA, kahit mawala na ako. Mahal ko ang Kapuso."

Kahit sa Dos, hindi siya lilipat if ever magkaroon ng offer?

"Hindi."

Masasabi ba niyang forever na siya sa GMA?

"Oo. Gusto ko, ako, yung simula nagkapangalan hanggang ma-dead ang career, dito talaga. Pero huwag naman po sana [malaos ang career], pero dito ko pa talaga balak."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN