Cesar Montano on his conflict with Norma Japitana: "Nobody can force me to say anything bad against my manager."

"Hindi ko naman kasi siya itinuturing as my manager lang. Kung manager ko lang siya, masasaktan ako. Baka bumalik ako ng masakit na salita. But I can never do that. I know misconception lang ang nangyayaring lahat. And I need to talk to her. Magkakaayos din kaming lahat," says Cesar Montano about the recent interview of his manager, Norma Japitana, wherein she said that what Cesar did to her was a "complete deception."


Hudyat ng pagbabalik-Kapuso ni Cesar Montano ang fantaseryeng Ilumina, na magsisimula nang mapanood sa Lunes, August 2, sa Telebabad block ng GMA-7.

Si Cesar ang gumaganap sa role ni Romano, ang mabuting ama ng kambal na sina Romana (Rhian Ramos) at Krisanta (Jackie Rice). Gagawin ang lahat para sa kabutihan ng mga ank at siya ring mangangalaga sa susi ng Ilumina, ang aklat ng salamangka.

Ayon kay Cesar, nag-e-enjoy siya bilang isang Kapuso muli.

"I'm enjoying it. I love working with Kapuso. It's good to be back here in GMA-7. Enjoy katrabaho ang mga bata. Magagaling na artista. They are fine actors," sabi ng aktor sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Ilumina last Tuesday, July 27, sa Glass Garden sa may Santolan, Pasig City.

Matatandaang sa GMA Films ginawa ni Cesar ang historical film na Jose Rizal (1998) at ang critically acclaimed film na Muro Ami (1999).

ISSUE WITH HIS MANAGER. Pero kasabay ng paglipat ni Cesar sa GMA-7 ay ang isyu sa pagitan nila ng kanyang longtime manager na si Norma Japitana.

Ayon sa balita, masama raw ang loob ni Norma dahil hindi raw ipinaalam ni Cesar ang pagpirma niya ng kontrata sa Kapuso network. Ito rin daw ang dahilan kung bakit naghain ng pormal na reklamo si Norma sa Professional Artists Managers, Inc. (PAMI), kung saan ito kasapi, laban kay Cesar. (CLICK HERE to read related story.)

Nang tanungin tungkol dito, hindi pa makapagbigay ng detalye ang aktor dahil hindi pa raw sila nagkakausap ng kanyang manager.

"Hindi ko pa siya nakakausap. Hindi ko masasagot talaga. Hindi ko pa talaga siya nakakausap and I will be very prejudiced if I say something na iniisip ko lang na hindi naman galing sa kanya. I need to sit down with her. Kaya hindi nga ako nagre-react even do'n sa mga ano [write-ups], kaya palagi kong sinasabi, I need to talk to my manager first," diin ni Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong hadlang para hindi sila magkausap?

"I'm trying to reach out with her, nagte-text akong palagi," sabi ni Cesar. "So, siguro, ako, wala akong masasabi do'n. She's family. I love Ate Norma dearly. Tampo ng isang nanay 'yan, pagbigyan natin. Anong magagawa ni Buboy [palayaw ni Cesar]? E, pagbigyan ang tampo. Ta-timing na lang ako siguro kapag medyo lumamig na ang ulo ng nanay ko. Saka ako lalapit sa kanya. Pero, she's still my manager."

Hindi ba talaga alam ni Norma ang paglipat niya sa GMA-7 mula sa ABS-CBN?

"Alam niya," sagot ni Buboy.

Bakit hindi niya kasama sa contract signing niya with GMA-7 si Norma kung ito pa rin ang manager niya?

"I talked to her before I signed. Sabi ko sa kanya, 'Ate Norms, aayusin ko itong Channel 7.' Sabi niya, 'Okay," sagot ni Cesar.

Dagdag pa niya, "Ang situation kasi namin ni ate Norma, case to case basis na, e. Per project. Wala kaming written contract."

Nilinaw rin ni Cesar ang naging papel ng entertainment columnist at publicist na si Shirley Pizarro sa paglipat niya sa GMA-7.

"Tinulungan niya lang ako," sabi ng aktor. "Gumitna lang siya. Nami-misinterpret nila na parang nanunulot. No, Shirley is not my manager. Kaya lang, si Shirley lang ang unang tumutulong sa akin. So, sabi ko, 'Ate Norms, aayusin ko na 'to.'"

Sinabi rin ni Cesar na kailangan na niyang magdesisyon agad nang dumating ang offer ng GMA-7 dahil sisimulan na that time ang taping ng Ilumina.

"Oo, e. Tinatawagan ko si Ate Norma the day before I signed. Ang bilis nangyari yun. Meeting ako with GMA. Tawag ako kay Ate Norma, tapos the next day, signing na. The following day, pictorial then shooting."

DIALOGUE WITH PAMI. Naunang lumabas na naghain ng pormal na reklamo si Norma sa PAMI. Ngunit sa panayam ng talant manager sa isang daily broadsheet, na lumabas noong July 22, itinanggi nitong nag-file siya ng complaint sa PAMI.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Norma, ang PAMI raw mismo ang pormal na naghain ng reklamo pagkatapos marinig ang kanyang kuwento. Ito ang dahilan kung bakit tinawagan ng PAMI si Cesar para sa isang dialogue, upang marinig naman ang kanyang panig.

Ano na ang nangyari sa hinihinging dialogue ng PAMI?

Sabi ni Cesar, "Well, according to the Inquirer, Tita Norma didn't file a complaint. According to her, it was PAMI. Ako, naghihintay ako. I want to see the complaint, pero walang complaint. That's the reason why I want to talk to Tita Norma para hindi ako magkamali, para malinaw.

"I want to talk to my own manager dahil itong problema na ito, it's between me and Ate Norma. Walang kinalaman ang PAMI. Tinawagan ako, June Rufino [PAMI president] called me up. Sabi ko, 'Ate June, with all the due respect, I want to talk to Ate Norma first before I have a dialogue. I mean, I have all the time in the world to sit down with you but I want to talk, in respect to Ate Norma, I want to talk to her."

Marami ang naguguluhan kung bakit ayaw pa rin siyang kausapin ni Norma, gayong ayon kay Cesar ay nagre-reach out naman siya sa kanyang manager.

"Alam n'yo, ang masasabi ko lang diyan, welcome to the club! Naguguluhan din ako," nakangiting sabi ng aktor.

Noon ba ay may mga tampuhan na rin sila ni Norma?

"Meron mga bits and pieces," nakangiti pa rin niyang sabi.

THE NEGOTIATION WAS OVER. Pinalinaw rin ng PEP kay Cesar ang report na may negotiation pa raw kasi ang manager niya with ABS-CBN nang pumirma siya sa GMA-7.

"Tapos na ang negotiation," diin ni Cesar. "I called her up. Two days before I sat down with Channel 7, nag-usap kami. Yung project, it's a movie, parang Tanging Yaman ang dating ng pelikula...Lorna Tolentino, Laurice Guillen ang director. August 25 na ang playdate. May playdate na. Basta ang asawa ko ro'n, si Lorna Tolentino, with Bea Alonzo. Tapos sabi niya [Norma], 'Boy, hindi na.' So, sabi ko, 'Okay, Ate Norms. Aayusin ko na ang Channel 7, tawagan kita ulit.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy na pelikula ni Cesar ay ang Sa 'Yo Lamang ng Star Cinema. Si Christopher de Leon, na kasama rin sa Ilumina, ang pumalit sa role ni Cesar.

Pero sa kabila ng lahat, sinabi ng aktor na naging maayos ang pag-alis niya sa Kapamilya network.

Aniya, "I called up Linggit Tan [business unit head], Cory Vidanes [channel head]. Even Boy Abunda [Cesar's consultant]. Sabi ko, 'Ate Linggit, kabila muna ako. Wala pa naman trabaho rito.' Tapos sabi niya, 'Sige Boy, do'n ka muna. Trabaho tayo in the future. Hintay muna kami rito.' Cory Vidanes said the same thing."

Two-year exclusive contract ang kontrata ni Cesar sa Kapuso network, pero may request daw siya sa mga ito.

"Ang ipinakiusap ko sa kanila, halimbawa iinterbyuhin ako sa show ni Boy Abunda, hindi naman teleserye, puwede ba 'ko?" sabi niya.

"COMPLETE DECEPTION." Sa panayam ni Norma ay sinabi nitong "complete deception" ginawa ni Cesar sa kanya. Ano ang naging reaksiyon dito ng aktor? Nasaktan ba siya?

"Well, hindi ko naman kasi tiningnan sa kung anong word ang ginamit niya," sabi niya. "Tinitingnan ko pa rin siya as my mother. Hindi ko naman kasi siya itinuturing as my manager lang. Kung manager ko lang siya, masasaktan ako. Baka bumalik ako ng masakit na salita. But I can never do that. I know misconception lang ang nangyayaring lahat. And I need to talk to her. Magkakaayos din kaming lahat.

"She's like a mother to me. She's family. Kung anuman ang sasabihin ng ibang tao against her, sasama ang loob ko. That's why, I cannot say anything. I refuse to say anything, anything bad against my manager, against my nanay. I'm sorry. Nobody can force me to say anything bad against my manager."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN