Ara Mina says losing as councilor in the last election is not the "end of the world"

"Hindi naman ako na-discourage or hindi naman ako na-turn off sa nangyari, pero parang nakikita ko pa rin... Hindi ko isinasara yung pinto ko, so puwede pa rin akong tumakbo, if in case. Pero we'll never know, marami pang puwedeng mangyari three years from now," says Ara Mina about the possibility of running again.


Isa si Ara Mina sa mga artistang hindi pinalad nitong nakaraang May elections. Tumakbo siya bilang konsehala sa Quezon City, pero hindi siya nagwagi.

Sa presscon ng Ilumina noong Martes, July 27, sa Glass Garden sa Santolan, Pasig, ay kinumusta namin si Ara sa di niya pagkakapanalo.

"I'm okay, I'm good!" bulalas niya. "Hindi naman end of the world kung hindi mo ma-achieve yung isang dream mo. Kumbaga, may better or other plans pa para sa 'yo si God siguro."

Tatakbo ba siyang muli kung saka-sakali?

"We'll see," sagot ni Ara. "Hindi naman ako na-discourage or hindi naman ako na-turn off sa nangyari, pero parang nakikita ko pa rin... Hindi ko isinasara yung pinto ko, so puwede pa rin akong tumakbo, if in case. Pero we'll never know, marami pang puwedeng mangyari three years from now."

May tatlong taon pa siya para muling maghanda.

"Oo, three years from now. So, siyempre, malalaman mo 'yan, at ang dami pang puwedeng mangyari."

Malaki ba ang nagastos ni Ara sa kampanya? May nagbiro pa kay Ara kung umabot ba siya sa punto na nagbenta na siya ng alahas.

"Hindi, may mga ano naman...siguro isang set lang ang ibinenta ko!" sakay naman niya. "Oo, isang set lang, kasi konti lang naman ang mga malalaki ko [na alahas]!"

Marami bang tumulong sa kanya noong eleksiyon?

"Ang ginawa ko naman kasi, siguro kaya hindi rin ako, alam mo yun, baka kulang pa raw yung nilabas. Pero hindi rin, e, hindi mo masasabing sa pera din, e. So, talaga sigurong destiny ko lang na ganun ang mangyari, but hindi naman buong kabuhayan, e, inano ko, hindi. I mean, ibinuhos, hindi. Kumbaga, tulung-tulong naman, e. My family, tapos ako, yung mga konting ano ko, tapos siyempre yung iba naman kailangan mo namang i-save din naman."

So, marami pa siyang natitirang ipon? Mayaman pa rin si Ara?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman, tama lang. Mukha lang [mayaman], oo, mukha lang!" tawa niya.

AIKO MELENDEZ. Ano naman ang reaksiyon ni Ara na natalo rin ang nakaalitan niya noon na si Aiko Melendez, na tumakbo naman bilang vice mayor ng Quezon City?

"Wala lang," sagot niya. "Siyempre, sad din. Kumbaga, lalo na siya dahil matagal na rin siya sa politics, mami-miss niya yung routine niya. So, I feel sad sa lahat ng mga natalo like me. Kumbaga, normal lang yun dahil hindi lang naman pagod, kumbaga, financially ka rin, ano, pagod."

Masasabi ba niyang hindi na sila magkaaway ni Aiko?

"Well, siguro talagang dumarating sa point na ano na, ganyan na lang. Pero kahit hindi na siguro kami magkita o mag-usap, okay lang din. Hindi pa kami pinagtatagpo, so it means siguro hanggang ganun na lang din."

Kung biglaan silang pagtapuin ng kapalaran, ready ba si Ara?

"Well, nagtagpo kami sa one-day retreat ng mga mga politicians na tumatakbo. Before the election yun."

Nag-usap sila ni Aiko? Nagpansinan sila?

"Hindi kami nag-usap, e."

Bakit?

"Wala."

Nagkaharap sila?

"Hindi, magkaibang table kami. Iba yung group niya, iba ang group ko. Hindi, walang pansinan na nangyari. Hindi naman kami nag-isnaban, pero parang wala lang. Dumaan ako sa kanya, dumaan siya sa akin, wala lang, parang...deadma. Pero walang sungitan, walang irapan, wala," paglilinaw niya.

Nagkailangan? Nagkahiyaan?

"Hindi, siguro baka...wala lang sigurong tao na parang nag-mediate o nag-break ng ice na, 'Uy si ano, o!' Walang ganun."

Pero ready si Ara kung sakaling mangyari ang kanilang paghaharap?

"Oo, pero, parang... Kasi ako, sawang-sawa na ako. Panahon pa ni kopong-kopong na isyu na kasi 'yan, e."

Ang tinutukoy ni Ara ay ang naging alitan nila ni Aiko dahil kay Jomari Yllana, na dating asawa ni Aiko at naging boyfriend ni Ara.

SHOW PROMOTER. Inusisa rin ng PEP kay Ara ang development sa reklamo niya tungkol sa show promoter na aniya'y nanloko sa kanila ni Cristine Reyes noong mag-show sila sa U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayun, puwede ba, puwede bang maghulog kayo?" natatawang panawagan ni Ara. "Wala pa rin, e."

Magkano pa ang hindi nababayaran sa kanila?

"Mga ano, nasa ano pa, hundred-hundred thousand pesos pa."

More than 50 percent pa?

"Hindi naman, mga 15 percent na lang naman, pero still, malaki pa rin yun. Almost half million din siguro 'yon, di ba? Mga ganun-ganun. Hindi ko na sasabihin yung eksaktong figure, ayoko namang ano..."

May move o aksyon ba silang ginawa o ginagawa?

"Hindi, ayokong magdemanda," sabi ni Ara. "Siguro, ayun nga, sinasabi ko nga, hulugan na lang kahit pakonti-konti. Kasi hindi lang naman sa akin nangyayari ito, even sa mga batikan na singers, nangyayari ito sa States."

May communication pa ba sila ng naturang promoter?

"Hindi ako nakikipag-usap. Nag-email lang siya, na sobrang pagtatrabahuhan daw niya. Papasok daw siyang caregiver, may ganun. Ang ano ko lang, sana tulungan na lang muna siya ng mga kamag-anak niya na, di ba, para naman hindi lalong masira yung kapatid nila o yung kamag-anak nila. Tulungan lang, ganun talaga siguro.

"Ewan ko, ayoko na kasing alamin masyado yung ano, e... Kesyo kulang raw yung bayad sa kanya ng producer. Pero I talked to the producers, bayad na daw sila, kumpleto na daw sila ng bayad," banggit ni Ara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN