Rhian Ramos to JC de Vera: "Huwag kang magbi-bitter."

"Binigyan ko yun ng importance at that time. Binigyan ko yun ng effort. Bakit ko buburahin yun? I mean, oo, di ba, sinasabi ko, nung huli na lalo, may mga masasakit na nangyari. Pero paano yung mga una, buburahin ko ba yun?" replies Rhian Ramos to the question: Will she "erase" her memories of JC de Vera?


Hanggang ngayon ay malaking palaisipan pa rin para sa marami kung bakit tila puno ng hinanakit at sama ng loob ang mga pahayag ni JC de Vera tungkol sa naging relasyon nila noon ni Rhian Ramos.

Umabot pa sa puntong nais na raw ng young actor na "burahin" at "huwag nang balikan" ang kung anumang namagitan sa kanila ni Rhian. (CLICK HERE to read related story.)

Noong nasa bakuran pa ng GMA-7 si JC ay nakapareha niya si Rhian sa Pinoy remake ng Argentine hit TV series na Lalola (2008-2009). Doon nagsimula ang magandang pagtitinginan ng dalawa, bagamat hindi nila kailanman inamin ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Nito na lamang nagsalita si JC tungkol sa kanilang nakaraan ni Rhian at saka nalaman ng marami: Nagkaroon nga sila ng relasyong higit pa sa magkaibigan. At sa July 27 presscon ng Ilumina, ang bagong fantaserye ng GMA-7, ay inamin din ni Rhian na higit pa sa friendship ang naging relasyon nila ni JC.

NO LABEL. Yun nga lang, hindi eksakto mai-describe ni Rhian kung anong klaseng relasyon meron sila noon ni JC.

"Hindi ko alam kung anong tawag dun," sabi niya. "But it was mutual and it was exclusive and, siguro, hindi na namin binigyan ng title o kahit ano. Hindi ko sinabi na boyfriend ko 'to. Pero masasabi ko na yun yung pinaka na naka-experience ako ng pagmamahal."

Pero para sa isang lalake na tulad ni JC na sabihin ang mga bagay na sinabi niya, ibig sabihin nito ay malalim ang pinanggagalingan niya. So, imposibleng simpleng relationship lang ang namagitan sa kanila.

"Oh, yeah, it's a relationship. Friendship is a relationship, mother and daughter is a relationship. So what we're having now is a relationship," pagrarason ni Rhian.

"I didn't say that we were just friends, I said lampas pa kami doon," paglilinaw pa ng young actress. "But, I don't know, kanya-kanyang way naman on handling things, e. Hindi ko naman sinasabi, siyempre, I mean, maraming masasakit na nangyari noon kaya nga...."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang naging reaksiyon niya nang malaman niya ang naging pahayag ni JC tungkol sa kanya? Nagulat? Na-disappoint? Nasaktan?

"Nung una," pag-amin niya, "pero siguro sa ngayon, tanggap ko naman yung mga nangyayari."

Nasira ba ang pagtingin niya kay JC pagkatapos nito?

"As a man, hindi, kasi... Well, sa tingin ko sa kanya, free naman siya para gawin lahat ng gusto niyang gawin. Ang opinion ko doon, hindi na importante, lalo na't hindi naman kami nag-uusap ngayon. Siyempre kung noon ito, kung last year pa itong pinag-uusapan natin, importante opinion ko at ibibigay ko yun tungkol sa kanya. Pero ngayon, hindi... Yung JC noon, kilala ko siya, friend ko siya, close kami. Siguro lampas pa nga sa friend, e, di ba?"

GOOD MEMORIES. Kung si JC ay gusto nang kalimutan ang namagitan sa kanila, si Rhian ba ay kaya ring kalimutan ang kabanatang ito sa buhay niya?

"No," prankang sagot niya. "Kasi binigyan ko yun ng importance at that time. Binigyan ko yun ng effort. Bakit ko buburahin yun? I mean, oo, di ba, sinasabi ko, nung huli na lalo, may mga masasakit na nangyari. Pero paano yung mga una, buburahin ko ba yun?"

Ano sa palagay Rhian ang mga dahilan kung bakit nakapagsalita ng ganun si JC?

"Things don't work out? Kanya-kanyang way of dealing with it? I don't like to get angry... Well, siguro I did naman at that time, pero my Dad told me to not get angry. And tama naman sa tingin ko yung advice na ibinigay sa akin ng daddy ko, na kahit anong mangyari, huwag kang ma-bitter. Kahit ano pa yung sabihin o gawin sa iyo ng isang tao, huwag, kasi hindi maganda. At saka, at a certain point, tinulungan ka niyang maging masaya, kahit hindi yun nag-last."

Naging pangit ba ang paghihiwalay nila ni JC?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo," pag-amin agad ni Rhian. "Kasi pinili na lang namin hindi magkita, mag-usap, o makatrabaho ang isa't isa. Well, actually nung una, hindi ko naman pinili makatrabaho siya. Pero nung nalaman ko na it wasn't gonna help anything naman, or kahit yun pala, hindi pala yun ang isang bagay na puwede namin gawin, kahit trabaho lang."

Sa tingin niya ba ay kailangan nila ng closure para matapos na rin ang anumang sama ng loob na nararamdaman nila para sa isa't isa?

"Well, from a Psychology fan, oo, yun ang kailangan, closure. Pero bilang kasama ako sa sitwasyon, sasabihin ko na hindi naman din yun mangyayari, bilang, kung kinausap ko siya, hindi niya ako papansinin," sabi ni Rhian.

She thinks so?

"He said so... Actually nung una, I didn't think so, I never thought so. Coz that's not the kind of guy I see him to be. But, he said so. So, I believe him."

Sa palagay ba ni Rhian ay hindi na magbabago ang pagtingin ni JC sa kanya kahit na ano pa ang gawin niya?

"It doesn't matter. It doesn't matter," sagot niya. "I keep pain in the past, and then I go back to good memories."

But if she can talk to him, ano ang gusto niyang sabihin?

"Siguro kung ano yung advice na ibinigay sa akin ng daddy ko, na kahit anong mangyari, huwag kang magbi-bitter."

Is he bitter?

"He acts like it. I don't know if he is, but he acts like it," sagot ni Rhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN