Jean Garcia's inspiration now is a foreigner

"He's a good man. He really is a good man. Medyo maganda ang prinsipyo niya sa buhay. Tapos, maganda yung pinagdaaanan niya sa buhay. Pareho kami. Parang naka-relate ako. Saka mabait talaga siya. He's so nice!" says Jean Garcia about the guy she is dating now.


Balik-primetime si Jean Garcia sa bagong fantaserye ng GMA-7, ang Ilumina. Kasama niya rito sina Cesar Montano, Christopher de Leon, Ara Mina, at ang mga Kapuso young stars na sina Rhian Ramos, Jackie Rice, Paulo Avelino, Jhake Vargas, Bea Binene, Lexi Fernandez, at Aljur Abrenica.

Isa na namang mapanghamong character ang ginagampanan ni Jean sa Ilumina na pinamamahalaan ni Direk Mark Reyes.

"Kambal ang role ko rito, pero first part lang. Doon magsisimula ang gulo o conflict ng story dahil sa magkakambal. May power din ako rito, isa akong black o masamang sorcerer," simula ni Jean nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertaiment Portal) sa presscon ng Ilumina sa Glass Garden sa Santolan, Pasig noong July 27.

Patuloy niya, "Human pa rin kami dito, ha, dahil ang mangkukulam naman ay human. Meron lang silang power na mangkulam, pero tao sila. Hindi ito yung may power na nagta-transform.

"Saka itong costume ko, gagamitin ko pag nagta-transform kami, bihirang-bihira. Talagang tao kami. Parang sa Twilight...na tao, human talaga. Kakaiba naman sa mga ginagawa ko dati."

STILL LOOKING FOR MR. RIGHT. Natutuwa nga raw ang alaga ni Manny Valera sa suporta sa kanya ng GMA-7 dahil hindi siya nawawalan ng projects sa TV at bonggang-bongga ang career niya. Pero patok man ang career, sa usaping lovelife ay tila mailap pa rin si "Mr. Right" para sa isang Jean Garcia.

Aminado ang aktres na mahirap ang maging head of the family, na walang asawa.

"Mahirap talaga pag single parent ka," sabi ng 41-year-old actress.

At her age, nakikita ba niya ang sarili niyang ikakasal sa hinaharap?

"Gusto ko lang is to have someone na makasama ko, not necessarily na ikakasal pa. Pero kung hindi, bakit hindi? Party! Party tayo! Pero ang gusto ko talaga, partner lang, yung perfect lang, yung gano'n!" tawa ni Jean.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Wala ngang perfect, pero, 'Eto na! Hanggang pagtanda ko, siya na!' Yung magkakasundo kami, gano'n."

NEW GUY. At this point ay napag-usapan ang latest sa buhay pag-ibig ni Jean. May "candidates" na ba siyang lalake sa sinasabi niyang gusto niyang makasama habambuhay?

"At this time, meron akong nakilala, parang gusto ko siya!" kinikilig na sabi ni Jean. "Ngayon lang yun, ha, ngayon ko lang sinasabi yun!"

Mas bata ba ito sa kanya?

"'Wag n'yo nang tanungin yung taon!" tawa nito. "Hindi siya showbiz. Hindi rin pulitiko. Naku, mali 'yan, huh! Ang daming nagtatanong sa akin, pulitiko raw, hoy! Non-showbiz.

"Merong mga nanliligaw, pero ito, kelan ko lang siya nakilala. Parang merong something. Parang kinikilig lang ako, parang ganyan. Bago lang," sabi pa ni Jean, na hindi maalis ang ngiti sa kanyang mga labi.

Pero kalimitan ng nagkakagusto sa kanya ay mas bata sa kanya, di ba?

"Merong mga gano'n," sagot ng aktres. "Sa stage ko kasi ngayon, pag di ko talaga type, sinasabi ko na magkaibigan na lang talaga, gano'n. Hindi talaga puwede, e. Hanggang sa nagiging barkada.

"May mga nagtatampo, kasi ni hindi ko raw sila binigyan ng chance. Dyusko, sa edad ko ba naman, we waste our time pa ba? Mag-utuan pa ba tayo? Let's be honest, di ba? Para sa akin, di importante ang edad, e. Ang importante sa akin, yung makakasundo ko talaga."

Ano sa palagay niya ang meron sa lalaking type niya ngayon na kinakikiligan niya?

"He's a good man. He really is a good man. Medyo maganda ang prinsipyo niya sa buhay. Tapos, maganda yung pinagdaaanan niya sa buhay. Pareho kami. Parang naka-relate ako. Saka mabait talaga siya. He's so nice!" tawa uli ni Jean.


ACCIDENTAL MEETING. Inamin ni Jean na aksidente lang ang pagkakakilala nila ng mystery guy sa buhay niya ngayon. Walang common friend na nagpakilala sa kanilang dalawa, pero talagang nilapitan daw siya sa isang lugar upang magpakilala. And the rest is history.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Aksidente lang talaga. I went to this place, he was there. Lumapit siya sa aming magkakaibigan na kasama ko. Nagpakilala siya, blah-blah-blah. Kami naman, hindi lang sa akin, grupo kami noon," kuwento niya.

So, handa na ba siyang ma-in love sa lalaking ito o kahit na kanino pang guy?

"Kahit na kanino naman... Basta ang importante naman, hindi puwede yung puwede na. Kasi kung gano'n, huwag na lang, maghintay ka na lang, di ba?"

Huling nakarelasyon ni Jean ay si Polo Ravales, na ex-boyfriend din ni Ara Mina, na kasamahan niya ngayon sa Ilumina. Sa set ba ay napapag-usapan ba nila si Polo, bilang pareho silang ex nito?

"Okey naman kami ni Ara sa set. Hindi namin pinag-uusapan, ha. Past is past. Saka, dyusko! Aminin mo 'yan, ha!" tawa niya.

A FOREIGNER. Ngayong hindi taga-showbiz ang kinakikiligan niya, mas type ba niyang non-showbiz guy ang maging boyfriend niya ngayon?

"Mas gusto ko, non-showbiz," sagot ni Jean. "Ako, opinion ko lang 'to. Ewan ko lang sa ibang mga ano... Meron kasing mga nagwo-work na pareho silang artista. Merong mga hindi talaga.

"Ako naman, sa relationships ko sa mga kasamahan ko sa trabaho, mas better ang non-showbiz dahil walang competition. Hindi siya masyadong involved sa business mo. Alam mo yun? Pag non-showbiz kasi, hindi masyadong nangingialam. Hindi masyadong apektado sa mga nangyayari sa 'yo.

"Ako, kung papapiliin ako, gusto ko talaga, sana, foreigner. Yung parang wala talaga siyang pakialam, ke artista ka o hindi. Yung, 'What matters to me is you, the person, and not the actress.' Yun lang. Naisip ko lang bigla."

Kaya naman pala nakapagsalita nang ganito si Jean ay nabuking din siya ng press—na foreigner ang ikinukuwento niyang guy na kinakikiligan niya ngayon.

"Oo, foreigner siya," pag-amin ni Jean sa pangungulit ng press.

"So, kahit na mabasa niya ito, hindi niya maiintindihan!" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Taga-saang bansa ang foreigner guy na ito?

"Huwag na po," pakiusap ni Jean. "Kasi, wala pa talaga, wala pa talaga... Andun pa lang sa stage na getting to know... Kung anong age, huwag na rin nga yun dahil hindi siya mas matanda sa akin."

So, mas bata sa kanya ang lalake?

"Yun na! Yummy!" halakhak ni Jean.

So, anong feeling niya na may isang foreigner na stranger na lumapit sa kanilang grupo upang makilala siya?

"Lumapit naman, oo nga... Wala lang. Kasi nung unang paglapit niya, okey lang, hindi ako masyadong interested, kasi kasama ko yung grupo, e. Friends. Wala lang... Umupo siya sa table namin. Chumika muna, ganyan-ganyan. Tapos, tumabi na siya sa tabi ko."

Pero single ba ang guy?

"Yes!" bulalas niya. "Well, I hope so. Sana hindi siya nagsisinungaling bilang hindi ako masyadong ano... Pero I asked him. Basta, huwag na muna, wala pa nga. Pero alam mo, hindi yung pisikal, e. It's the person. Mabait talaga siya. Basta, yun lang."

Ayon kay Jean, wala pang isang buwan na magkakilala sila ng foreigner guy na ito. Masasabi ba niyang ito na ang inspirasyon niya ngayon?

"Korek!" pag-amin ni Jean. "Pero gusto ko lang i-enjoy. Kasi, may mga nanliligaw sa akin ngayon, pero alam mo yun, ito, hindi naman sobrang intense agad, yung parang kilig factor lang na parang talagang gusto mo siya."

Inamin din Jean na hindi alam ng banyagang lalake na isa siyang sikat na artista dito, pero kinalaunan ay nalaman na rin nito.

"Dati, hindi niya alam, pero ngayon, alam na niya. Dati hindi, pero nung nagkita kami ulit, ang mga tao, 'Madam...' Nagpapa-picture, gano'n. Noong nalaman niyang artista ako, dedma. Wala naman siyang pakialam. As in walang pakialam. So, ie-enjoy ko muna ito," sabi ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN