PART 2. Kris Aquino answers rumors linking her to Coco, Gerald, Gabby, Robin, Chiz, Junjun

"Pero kung darating ang panahon na maayos na ang lahat at maramdaman niya na, 'Kaya ko, kaya ko 'tong harapin lahat,' why not? He's eligible," says Kris Aquino about Makati Mayor Junjun Binay.


Habang wala si Kris Aquino sa bansa ay kung anu-anong balita ang lumabas tungkol sa kanya. Kasama na rito ang pagli-link sa kanya sa iba't ibang lalake. Ayon pa sa mga balita, ang mga lalakeng ito raw ang dahilan kung bakit naghiwalay si Kris at ang mister niyang si James Yap.

Kaya sa panayam ni Boy Abunda kay Kris para sa SNN ay inisa-isa nito ang mga lalakeng iniuugnay sa TV host-actress.

Inuna muna ni Boy ang co-stars ni Kris sa teleserye niyang katatapos lang sa ABS-CBN na Kung Tayo'y Magkakalayo, na sina Coco Martin, Gerald Anderson, at Gabby Concepcion. Pagkatapos nito ay sinunod niya ang co-host niya sa Pilipinas, Win Na Win! at dating karelasyon na si Robin Padilla, at sa huli ay ang mga pulitikong sina Senator Francis "Chiz" Escudero at Makati Mayor Jejomar "Junjun" Binay, Jr.

COCO MARTIN. "Alam mo kasi, kami ni Coco, hindi kami talaga nagkasundo nung umpisa," pag-amin ni Kris. "Nagkabuwisitan kami. Nabuwisit siya sa akin, nabuwisit ako sa kanya. And then the campaign started, and I saw how devoted he was to Noy... he went all-out sa campaign. Napamahal siya sa buong pamilya. So he's really a friend now.

"And I asked [Coco's] permission, ha, before this interview, and I said, 'Bumubusina ako sa iyo, ha?' Kasi we were close enough for me to know na pinopormahan niya si Erich [Gonzales]. Sorry! Maloka na kayong lahat, pero alam ni Coco 'yan, nagpaalam ako na sasabihin ko 'yon! Para tapos na, di ba? Clear."

GERALD ANDERSON. "Utang na loob!" bulalas ni Kris. "Doon talaga ako napa-'Ano?' Talagang no... Yun talaga, that was really ano talaga... But you know, si Kim [Chiu] at si Gerald, I also know, hindi naman ako ganun ka-clueless kasi nag-text si Kim sa akin while I was abroad. Hingaan ako ng sama ng loob no'n, alam ko may mga problema sila. And alam ko maraming iniintriga sa kanila ngayon. So, ang sasabihin ko lang, simple, I love both of them. They're like my younger brother, my younger sister, because we really had a good working relationship." (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GABBY CONCEPCION. "No way! Because why? He's married! I know what it's like, di ba? So I will never encourage that," sabi ni Kris.

ROBIN PADILLA. "They're in love! Mariel [Rodriguez] and Robin are in love! So, let us let them stay in love!" natatawang sabi ni Kris.

Kinuha rin ni Boy ang reaksiyon ni Kris tungkol sa sinabi ni Robin sa isang interview na kung sa kaliwang dibdib niya ay naka-tattoo ang pangalan ni Sharon Cuneta, kung magpapa-tattoo daw siya sa kanan, ang ilalagay niyang pangalan ay Kris Aquino.

"Utang na loob! Hoy, bawiin mo 'yan! Mariel ang ilagay mo do'n!" protesta naman ni Kris.

SENATOR CHIZ ESCUDERO. "Maganda po ang kuwentong ito!" natatawang umpisa ni Kris sa pagli-link sa kanila ng senador. "Kasi, Boy, ganito, proclamation ni P-Noy sa Batasan. Sumama ako kay P-Noy paakyat, and then nakita niya si Senator Chiz at sinabi niyang, 'O, Kristina, si Chiz.' Sabi ko, 'Senator, thank you so much for all the help.' And then I said this—may mga nakarinig, so siguro dun nagsimula, hindi ko alam—I said, 'O, Senator, sa 2016, puwede tayong magtambalan at may slogan na tayo—Chizzy Krissy!' Okay? Then he said, 'Game ako diyan.'

"That's it, Boy, hindi ko po alam kung saan nanggagaling 'yang balitang 'yan kasi 'yan talaga, sobrang imbento. And again, Boy, he's [Sen. Chiz] married, he has twins. I also know what it's like na matsismis yung asawa mo na hindi namamatay ang tsismis. Maawa tayo sa asawa niya, maawa tayo sa pamilya. And, please, maawa kayo sa akin at sa mga kapatid ko. Kasi the last thing I want is to be accused as being a homewrecker!"

MAYOR JUNJUN BINAY. "Among everybody na nili-link sa akin, he's the only one I have been communicating with," sabi ni Kris. "Kaklaruhin ko po, hindi siya nanliligaw sa akin. Pero matalik ko siyang kaibigan. Nakilala ko siya when I was grieving for my mother. Nakilala niya ako when he lost his wife."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halos magkasunod na namatay ang ina ni Kris at ang asawa ni Mayor Junjun noong nakaraang taon. Si President Cory ay namatay noong August 1, 2009, pagkatapos ng mahigit isang taong pakikipaglaban sa colon cancer. Ang misis naman ni Mayor Junjun na si Kennely Ann Lacia Binay ay namatay noong August 11, 2009, sa kumplikasyon sa kanyang panganganak sa ikaapat nilang anak. Twenty-nine years old lamang ang asawa ng dating konsehal ng Makati nang bawian ito ng buhay.

"In that span of one year," patuloy ni Kris, "both our lives have changed so much. He's been good to me. A true friend. Kung tatanungin n'yo ako, nasa kanya yung mga qualities that I admire in a man."

Sa sumunod na pahayag ni Kris tungkol sa JunJun ay tila isinara na niya nang husto ang pintuan para sa pagbabalikan nila ni James.

Aniya, "Ito, kinaklaro ko po, next year... pag alam ko na okay na ako, na I'm sure naitayo ko na ang Pilipinas, Win Na Win!, kung alam ko na kumportable na ang mga kapatid ko na mag-entertain ako o makipag-date ako, kung lahat sila hindi na naha-heart attack at naha-high blood sa the mere thought of it. And ang pinakaimportante, kung siguro ako na si Josh at si Bimby well-adjusted na sa situation. And if Junjun were to say, 'Kris, gusto mo bang mag-dinner?' I'd say yes. Why? Dahil alam ko na hindi niya ako lolokohin.

"Huwag n'yo hong i-torture ang buhay niya [Mayor Junjun]. Ayoko maitsismis siya nang wala sa lugar. Kaya lang, kinaklaro ko lang, he knows and I know na now is not the right time. If all we'll ever be is friends, fabulous, kasi loyal siya at mabait siya talaga. Kawawa naman si Vice President [Jejomar] Binay at ang buong angkan nila kung masasali sila sa teleserye ng buhay ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Kris, "Pero kung darating ang panahon na maayos na ang lahat at maramdaman niya [Mayor Junjun] na, 'Kaya ko, kaya ko 'tong harapin lahat,' why not? He's eligible."

Nang sabihin ni Boy na, "I get it," pagkatapos ng kanyang mga pahayag, kinontra ito ni Kris at sinabing: "No, you don't get it, kasi namumutla ka, e!"

Sabi naman ni Boy, "Kinakabahan man o natatakot man ako, pero naiintindihan ko."

Sabi pa ni Kris, "Ipinaalam ko ito sa kanya [Mayor Junjun]. Before I came home, I said, 'I know I will be asked about you, and this is what I'm gonna say. I hope it's okay with you.' At ang sinabi niya sa akin, 'I know you'll protect me. And whatever it is that I can do to be of help, gagawin ko para sa 'yo.' Ano pa ang hihingin ko?"

Ulit naman ni Boy, "Tatanggapin kong kinakabahan ako, tatanggapin kong natatakot ako, pero naiintindihan ko."

Sagot naman ni Kris, "Matagal pa 'yan! Oo. Sabihin mo rin, siya [Mayor Junjun] matagal pa... Wait ka lang, ha?"


CLICK HERE for Part 3.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN