Coco Martin denies being the "third party" in Kris Aquino's separation from James Yap

"Almost every day nagte-text siya, kasi si Ate Kris, nagse-send siya sa lahat ng kaibigan niya ng mga thoughts about God. Binanggit niya lang sa akin, 'Uy, naiisyu tayo,' 'tapos tumawa lang siya, tumawa lang kaming dalawa. Wala naman kasing rason para pansinin pa o patulan pa yung mga ganung bagay," said Coco, who starred with Kris in the recently concluded weepie Kung Tayo'y Magkakalayo.


Sa hiwalayang Kris Aquino at James Yap, na-link kamakailan ang pangalan ng dalawang politico, sina Sen. Francis "Chiz" Escudero at Makati Mayor Jejomar "Junjun" Binay, Jr., bilang third party. Mariing pinabulaanan ito ni Kris. Ngayon naman, ang pangalan ni Coco Martin ang idinadawit sa paghihiwalay nina Kris at ang asawa niyang star professional basketball player.

Ayon sa bulung-bulungan, nabuo daw ang espesyal nilang pagtitinginan sa taping ng Kung Tayo'y Magkakalayo, na sinundan pa ng buung-buong pagsuportang ipinakita ni Coco sa kandidatura ni Presidente Noynoy Aquino.

Sa panayam namin sa aktor sa nakaraang contract signing niya sa Star Cinema last Monday, July 25, na ginanap sa board room ng ABS-CBN, agad naming hiningi ang kanyang reaksyon tungkol dito.

NOT TRUE. "Hindi totoo 'yan," mariin niyang sinabi. "Sa haba na rin ng pinagsamahan namin nila Ate Kris sa Kung Tayo'y Magkakalayo, siyempre kilala na namin yung isa't isa. Alam na namin kung paano iha-handle ang ganung sitwasyon kasi nagkaroon na nga ng isyung ganun at di naman kami naapektuhan. Kumbaga, hinahayaan na lang namin yung mga tao, hindi na namin mako-control yung iisipin nila at gusto nilang isipin sa amin...

"Siguro yung nagawa ko rin nung campaign, yung pagmamahal at suporta namin kay Noynoy, ibinabalik nila sa amin. Sabi ko nga, kung alam lang nila kung gaano kabait ang Aquino family at yung pagsuporta saka yung suporta na ibinigay sa amin ni Ate Kris."

Dagdag pa ni Coco, bukas daw ang linya ng komunikasyon sa kanila ni Kris at napag-usapan na nila ang nasabing issue. Pero nang tanungin namin kung nag-confide ba sa kanya ang controversial TV host tungkol kay James, hindi ang sagot sa amin ni Coco.

"Almost every day nagte-text siya kasi si Ate Kris, nagse-send siya sa lahat ng kaibigan niya ng mga thoughts about God. Binanggit niya lang sa akin, 'Uy, naiisyu tayo,' 'tapos tumawa lang siya, tumawa lang kaming dalawa. Wala naman kasing rason para pansinin pa o patulan pa yung mga ganung bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Advice, pagdating sa ganyang issue, unang-una mas matanda siya sa akin, so nahihiya naman ako na ako pa yung magbigay ng advice o ako pa yung magsalita sa ganung bagay. Lalong-lao na na naisyu kami, 'saka alam ko naman na kayang i-handle ni Ate Kris yun."

Hindi rin daw naniniwala si Coco sa mga tsismis na inuugnay si Kris sa ibang mga lalake tulad nina Sen. Escudero at Mayor Binay.

"Sa pagkakilala ko kay Ate Kris, sa dami ng mga iniisip niya, sa dami ng ginagawa niya, wala na siyang panahon para sa mga ganung bagay. Ayokong magsalita, pero I'm sure maaayos naman lahat ng yun. Ako, I'm wishing them [well], alang-alang siguro sa mga bata."

NOT COURTING KIM. Nadamay din ang pangalan ni Coco sa diumano'y breakup naman nina Kim Chiu at Gerald Anderson, kung saan napabalitang dinidiskartehan daw ni Coco ang young actress. Agad naman niyang nilinaw ito sa amin.

"Walang ganun. Sabi ko nga, sila Gerald, Kim and Jake, parang kaming mga kapatid na nagtuturingan. 'Saka tingin ko maayos naman sila. Pag nakikita ko, okay naman, intri-intriga lang 'yan. Ganun naman kapag maayos, pilit ginigiba."

Four-picture contract ang pinirmahan ni Coco sa Star Cinema. Excited siya sa ginagawa ngayong Sa 'Yo Lamang, lalo't de-kalibreng mga artista ang kasama niya rito, na sina Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Bea Alonzo, Enchong Dee, Diether Ocampo at Zanjoe Marudo.

"Sobrang excited ako," aniya, "kasi ito yung unang-una kong mainstream na gagawing pelikula. 'Tapos yung director ko pa rito ay si Direk Laurice Guillen na sobrang galing. Nung first day ko talagang ninerbiyos ako lalo na kay Christopher de Leon... Siyempre na-starstruck ako, e, siya ang kaeskena ko. Sabi ko nga, first time na nangyaring nakalimutan ko ang linya ko habang umaarte.

"Ngayon busy ako sa Sa 'Yo Lamang, 'tapos yung Dalaw, kasama ko dito si Ms. Kris Aquino, si Diether at si Mariel [Rodriguez], directed by Direk Jerry Sineneng. Excited din ako dun sa movie namin ni John Lloyd kung sakaling matuloy ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DARING SCENES. Balita namin, may daring scenes sa Sa 'Yo Lamang sina Coco at Shaina Magdayao. Tinanong namin kung magpapaalam ba siya sa boyfriend ni Shaina na si John Lloyd Cruz bago kunan ang nasabing eksena.

"Sabi ko nga, napaka-mature, hindi ko in-expect na tatanggapin ni Shaina yung role, kasi sobrang mature, may bed scene kami. Ex-girlfriend ko siya na nabuntis ko, na nagpunta sa akin para ipaalam niya na buntis siya, pero ayoko namang tanggapin kasi that time hindi kami, and pilit siyang bumabalik sa akin, pero tinanggap ng pamilya ko dahil buntis nga.

"Actually bilib nga ako sa kanya. Aktres talaga si Shaina lalo't nagma-mature na, at excited kami pareho. Pero sabi nga niya, kailangan naming mag-bonding para at least mas maayos, mas kampante. Sana nga may time na lumabas kami para makapagkuwentuhan...

"Nahihiya ako kay John Lloyd. Nung pictorial nga, binibiro ko si Shaina, sabi ko, 'Nahihiya ako, kinakabahan ako, nahihiya ako kay Lloydie.' Ang sabi niya sa akin, ba't daw ako mahihiya dun? Siyempre aktor daw si Lloydie at alam nito ang ganung mga sitwasyon."

Unang nakilala at nakabuo ng pangalan si Coco sa mga indie films. Pinakumpara namin sa kanya ang paggawa ng indie films at mainstream at kung bukas pa rin siya sa paggawa ng indie movies.

"Dito sa maintstream sobrang relaxed kasi siyempre nandiyan na ang lahat ng kailangan mo. Sa indie naman medyo bunong braso, e. Dun ako na-train, kaya mas simple sa akin ang paggawa ng mga mainstream. Sabi ko nga, dahil well-budgeted siya, kumpleto ito, at maraming nakatutok sa iyo. 'Saka di rin ako ganung nahirapang mag-adjust, dahil si Direk Laurice Guillen ang unang direktor na makakatrabaho ko, at sanay siya sa paggawa ng indie films kasi part siya ng Cinemalaya. Alam niya i-handle ang mga actors na gaya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I will be making an indie film next year, and I will not leave doing indie films, with Direk Brillante Mendoza. Dun ako nagsimula and never kong tatalikuran yung pinanggalingan ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN