Jackie Lou Blanco clueless why husband Ricky Davao is being linked to a magazine publisher

"Magkaibigan sila, e. They're always out in a group, ganun-ganun. So I don't know, maybe kaya sila naaano, napapag-usapan," says Jackie Lou Blanco about rumor linking her husband Ricky Davao to magazine publisher Sari Yap.



In a recent visit ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Sine Novela ng GMA-7 na Basahang Ginto, nakausap namin ang isa sa mga artista rito na si Jackie Lou Blanco. Ginagampanan ng aktres dito ang papel ni Elaine, ang ina ni Danny na ginagampanan naman ni Geoff Eigenmann.

Ang isang napag-usapan namin ay ang tungkol sa kanilang tatlong anak ni Ricky Davao na sina Ken, 21; Ricki Mae, 17, at Ara, 13.

"Si Ricki Mae, mag-e-exams pa lang. Una yung sa UP, tapos I think Ateneo ang kasunod... Ay, no, Ateneo by September. Ang De La Salle, hindi ko pa alam, and sa UAP (University of Asia and the Pacific), sa August 29. Kung saan siya makapasa. Pero gusto niya Psychology.

"Si Ara, graduate ng Grade 7 pa lang. Siya naman ang magha-high school. Pareho silang sa Poveda, so isa na lang ang high school. Si Ken, malapit na mag-graduate, Culinary na ang gusto niya, e. Magka-college pa lang, 'yon ang gusto niyang kunin," banggit ng aktres tungkol sa kanyang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, nag-abot sina Ken at Ricki Mae sa college?

"Parang ganun. Nagho-home study kasi yung son ko, e, ng high school," sabi ni Jackie Lou.

Wala bang nahilig sa mga anak nila sa pag-aartista?

"Si Ricki Mae, they were asking her to be the love interest of Elmo [Magalona] sa Pilyang Kerubin, pero hindi puwede sa school nila, e. Sabi niya, siguro daw pag college na siya. And she might wanna try, kasi puwede na.

"So, sabi niya, tanungin na lang daw siya ulit pag naka-graduate na siya. Kasi hindi ko alam, e, if she wants, if she doesn't want. Itong March [2011], ga-graduate na. Sabi niya, 'Mama, parang I cannot ano'... Parang it's not for her, she cannot see herself acting daw. If she wants... But she told me she wants to concentrate sa studies niya."

Payag naman sila ni Ricky kung may mag-aartista sa mga anak nila?

"Okay lang, kung talagang gusto nila," sagot ni Jackie Lou. "Pero sana mag-ano muna sila, magtapos muna sila, or at least sana nasa college na. If they really want, pero parang feeling ko, none of them will... I don't know. Siguro they might wanna try it, mahirap sabihin, e. Kung gusto, okay lang. Kung ayaw, okay lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FREELANCER. Sa kanyang career naman, tinanong namin si Jackie Lou kung exclusive artist siya ng GMA-7 dahil sunud-sunod ang projects na ginagawa niya rito. Bukod sa Basahang Ginto ay napanood din siya sa mga sumusunod na mga teleserye ng Kapuso network: Captain Barbell, Sinasamba Kita, Magdusa Ka, Lalola, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin, Rosalinda, at Kaya Kong Abutin ang Langit.

"Actually freelancer ako, pero most of my work, sa GMA, e," sabi ng aktres. "So, parang feeling ko, ganun na rin yun, e. Wala naman akong ginagawa sa ibang [station]."

Kailan siya huling nagka-show sa ABS-CBN?

"Actually ang tagal na, ang tagal na talaga, ang tagal na talaga," sagot ni Jackie Lou, na ang huling ginawang project sa Kapamilya network ay ang Volta noong 2008.

ONDOY VICTIM. Kumusta naman ang mommy niya, ang Asia 's Queen of Songs na si Ms. Pilita Corrales?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay naman siya," sagot ni Jackie Lou.


Isa sa mga naging biktima ng Ondoy noong September 2009 ang mommy niya. Lumubog sa baha ang bahay nito sa New Manila.

"Okay na. Well, pinaayos na yung mga nag-warp na mga pintuan. But yung mga other stuff, talagang wala na," banggit ni Jackie Lou.

Balita rin na malaking halaga ng mga music materials ng mommy niya ang nalubog sa baha.

"Wala, wala siyang na-save sa mga areglo. Wala talaga, grabe! Yung grand piano rin, wala, kasi pag naaano ng water, tumitigas, di ba? Pero lagi namang binabaha yun. Kahit noong mga bata pa kami, palagi yun. Pero first time talaga na pumasok sa sala. Usually sa garage lang 'yon pag sa street nag-o-overflow. Nakakaloka, di ba?"

Na-depress ba si Ms. Pilita sa nangyari?

"Siyempre naman. May mga ibang na-save, pero yung mga areglo niya, wala na lahat. Yung mga gowns naman niya, hindi [nalubog], kasi may extension yung house ng mom ko. The other things are in the other side, so hindi inabot yun. Pero like a lot of...yung mga mesa, mga ref, maraming nasira," kuwento ni Jackie Lou.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Doon pa rin nakatira ang mommy niya?

"Sabi ko nga ibenta niya, pero, dyusko, paano niya ibebenta? Sasabihin mo sa bibili na hindi binabaha? Di ba hindi, you can't, e. Hindi puwede na hindi sabihin. Nanloko ka naman nun, di ba?"

INTRIGUES. Hindi rin nakaligtas si Jackie Lou sa intriga. Naitanong kasi sa kanya kung ano ang reaksiyon niya sa pagkaka-link ng mister niya sa magazine publisher na si Sari Yap. Bakit ba natsismis ang dalawa?

"Hindi ko rin alam," sagot ng aktres. "Magkaibigan sila, e. They're always out in a group, ganun-ganun. So I don't know, maybe kaya sila naaano, napapag-usapan."

Sila ba ni Sari ay magkaibigan din?

"No, I never met her," sagot ni Jackie Lou. "But I know who she is, siyempre who doesn't know naman who she is?"

Tinanong niya si Ricky about the issue?

"Hindi."

Matagal nang napapabalita na hiwalay na raw sina Jackie Lou at Ricky, pero itinanggi naman ito pareho ng dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN