Robin Padilla declares to Mariel Rodriguez on TV: "Hindi ako nagsisinungaling sa 'yo. Mahal kita."

"Gusto kong kunin ang mga kamay mo at magpakalayo-layo tayo. Sa mundo ng pelikula, napakahirap, napakahirap. Araw-araw may balakid, araw-araw may hindi mo maintindihan saan nanggagaling ang mga problema. Pero sana manatili kang diamond, lagi kang matibay," Robin Padilla said to Mariel Rodriguez on E-Live! today, August 7. Robin himself put the diamond ring on Mariel's left hand while the inset photo shows a close-up of the ring reportedly worth P1.2


Si Robin Padilla ang naging special guest ni Mariel Rodriguez sa birthday celebration niya sa ABS-CBN showbiz talk show na Entertainment Live! kaninang hapon, August 7. Bukod sa pagbati kay Mariel, sinagot din ni Robin ang mga isyung lumalabas tungkol sa kanya.

RAMADAN LEAVE. Una na rito ang report na lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na aalis na siya sa bagong noontime show ng ABS-CBN na Pilipinas, Win Na Win!, kung saan kasama niya sina Mariel, Pokwang, Valerie Concepcion at Kris Aquino. Ayon sa isang showbiz insider, naging "timely cover" lang daw ang Ramdam sa pagbabakasyon niya upang pagtakpan ang totoong balak nitong umalis na sa programa. (CLICK HERE to read related story.)

Nilinaw ni Robin sa panayam sa kanya ni Mariel na ang kanyang pansamantalang pag-alis ay para lamang ipagdiwang ang Ramadan. Bilang isang Muslim ay kailangan niyang mag-leave upang masunod ang ilang mga alituntunin ng kanilang relihiyon sa pagdiwang ng Ramadan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ito'y usapin lamang ng Ramadan," sabi niya. "Sa relihiyon namin, kailangan talaga na parang Mahal na Araw yun, e, sa mga Katoliko... Meron akong mga bagay na dapat gawin bago yung Win Na Win."

WOWOWEE. Nabuksan din ang usapin tungkol sa pinalitang noontime show ng Pilipinas, Win Na Win!, ang Wowowee na dating hinu-host ni Willie Revillame. Ang show na ito ay ibinibigay noon ay Robin ngunit ito ay tinanggihan niya.

Ayon kay Robin, wala siyang intensiyon na agawin ang Wowowee kay Willie. Gusto pa nga raw niyang kausapin si Willie sa panahong naka-Ramadan leave siya upang bigyang linaw ang isyu.

"Ayokong pag-umpisahan ng hindi magandang pagkakaibigan yung nangyari na natapos yung Wowowee, nag-umpisa yung Win Na Win, ngayon inuumpisahn na yung mga alingasngas. E, bago pa lumaki yung apoy, e, pupuntahan ko na si Ka Willie at sasabihin sa kanyang, 'Padre, kung gusto mo dalawa tayong pumunta sa ABS-CBN, gawin natin uli yung show mo.' Gagawin ko yun para sa kanya," saad ng action star-TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binigyang linaw rin ni Robin ang usap-usapan na 25 million pesos daw ang ibinabayad ng ABS-CBN management sa kanya para sa paghu-host ng Pilipinas, Win Na Win!

"Hindo ho totoo yun," sabi niya. "Ito po totoo ito, hindi ho akong mukhang pera. Wala hong ganyang usapan na ako'y babayaran ng 25 million a month. Hindi ho totoo yun. Baka ho sa pangarap lang mangyari 'yan, hindi ko pa tatanggapin."

DIVORCE. Naungkat muli ang hiwalayan nila ng kanyang dating asawa na si Liezl Sicangco. Maaalalang noong nakaraang taon ay inamin ni Robin na two years na silang divorced ni Liezl ngunit hindi nagbigay ng detalye ang action star.

Nang tanungin siya kung bakit sila naghiwalay, sinabi nito na ang tanging hangad niya ay ang kaligayahan ng kanyang dating asawa at na ang kanilang pagsasama noon ay puno ng magagandang alaala.

"Talagang ako, wala akong hinahangad kay Snow White [Liezl] kundi ang kaligayahan niya. Dahil tayo, pag nagmahal tayo, dapat yung kaligayahan ng tao ang pinakaimportante sa lahat. Pag alam natin na hindi na siya maligaya sa 'yo, e, bakit pa? Para saan pang andun pa ako? Ang pagsasama naming dalawa ay nabalot ng magagandang alaala at kailanman ay magiging matamis ang pag-alala na iyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May apat na anak sina Robin at Liezl, sina Kylie, Queenie, Zhen Zhen at Ali.

Inakala ni Robin na pagkatapos ng hiwalayan ay hindi na siya magmamahal muli. Inisip niya na ilaan na lang sa ibang bagay ang kanyang panahon, ngunit ito daw pala ay kanyang akala lamang.

"Naipangako ko sa sarili ko na hindi na ako siguro uli magmamahal. Siguro, bibigyan ko na lang ng panahon yung mga anak ko, bibigyan ko ng panahon yung co-foundation ko, yung Mindanao, iuukol ko na lang yung buong buhay ko doon... Yun ang akala ko."

DIAMOND RING. Ito ay dahil nakilala niya si Mariel Rodriguez, na muling nagpatibok sa puso niya.

Ipinakita ni Mariel, pero hindi suot-suot, ang ibinigay na diamond ring ni Robin sa kanya na nagkakahalaga raw ng 1.2 million pesos. Nang tanungin ng dalaga kung bakit siya binigyan ni Robin ng singsing, simple lamang ang naging sagot nito.

Aniya, "Napakaespesyal niyan. At naniniwala ako sa saying na 'diamonds are forever...'" Pero dugtong niya, "Hindi ho ibig sabihin nito na sinagot na ako ni Mariel."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro pa nga ni Robin si Mariel kung bakit hindi isinusuot ng dalaga ang bigay niyang singsing. Mabilis naman ang naging sagot ni Mariel: "E, kasi hindi pa 'ko handang pag-usapan."

May sasabihin pa sana si Robin nang biglang sabihin ni Mariel na isuot sa kanyang daliri ang singsing, bagay na nagpakilig sa buong studio. Matapos isuot ni Robin ang singsing sa daliri ni Mariel, hiniling ni Robin na huwag na itong hubarin ni Mariel, na madali namang sinang-ayunan ng dalaga.

Inusisa ni Mariel kung bakit sa dami ng nagdaang babae sa buhay ni Robin ay siya lamang ang naisipan nitong bigyan ng singsing.

Sagot ni Robin, "Sa tagal-tagal din ng panahon, ngayon lang ako naging single, e. Wala 'kong sabit... Parang diamond ka sa akin. Dapat kang pangalagaan, kailanman hindi kukupas. Ang iyong kinang ay hindi kukupas."

Sa kalagitnaan ng interview ay inamin ng dalaga na bigla siyang parang nawawala sa usapan habang kinakapanayam ang actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo kanina, sabi ko hindi ko na kailangan ng mga questions-questions. Nalo-lost ako nang konti," sabi ni Mariel.

SECRETLY MARRIED. Binigyan tuldok ng dalawa ang usap-usapan na nagpakasal na raw sila.

"Hindi ho totoo yun," sabi ni Robin. "Alam n'yo... pag nangyari yung sinasabing magandang kasal, hindi namin yun ililihim... At kung papayag kang pakasalan kita."

Nang tanungin naman ang dalaga kung payag siya, hindi ito makasagot at sinabi kay Binoe na: "You're always doing the Robin Padilla thing!"

Tinanong ng dalaga kung ano ba ang plano ni Robin matapos ang pag-uusap na iyon. Sinagot naman ito ni Robin na nagsilbi na ring birthday message niya para kay Mariel:

"Gusto kong kunin ang mga kamay mo at magpakalayo-layo tayo. Sa mundo ng pelikula, napakahirap, napakahirap. Araw-araw may balakid, araw-araw may hindi mo maintindihan saan nanggagaling ang mga problema. Pero sana manatili kang diamond, lagi kang matibay."

Hindi nakasagot si Mariel sa mensahe ni Robin. Panay pasasalamat na lamang ang kanyang nasabi, kaya tinapos ng binata ang kanilang panayam ng kanyang pagpapahayag ng nararamdaman para sa dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, hindi ako nagsisinungaling. Totoo, sagutin mo ako o hindi, itago mo yung singsing. Ano mang mangyari, itago mo 'yan. Sa 'yo 'yan, hindi ako nagsinungaling sa 'yo, Mariel. Mahal kita," pahayag ni Robin.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN