Ogie Alcasid: "Bago matapos ang taong ito, si Regine Velasquez ay pakakasalan ko."

Ogie Alcasid announced to the public that he will marry longtime girlfriend Regine Velasquez before the year ends. He made the formal announcement during the last moments of their musical-variety program, Party Pilipinas.


"Bago matapos ang taong ito, si Regine Velasquez ay pakakasalan ko."

Ito ang "announcement" ni Ogie Alcasid kanina lamang, August 8, sa musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas.

Sa gitna ng stage, kasama si Regine, ay sinabi ni Ogie na na-grant na ng korte ang petition for annulment upang mapawalang-bisa ang kasal niya sa una niyang asawa na si Michelle Van Eimeren. Ibinaba ng korte ang desisyon sa petition ni Ogie noong June 21, 2010.

Ayon kay Ogie ay matagal ang ipinaghintay niya upang "masimulan" ang buhay niya kasama si Regine.

Parehong naiyak sina Ogie at Regine habang nagsasalita ang singer-songwriter.

Pagkatapos nito ay hinandugan nina Ogie at Regine ng awitin ang isa't isa.

Hindi rin mapigilan ng mga kasamahan nila sa Party Pilipinas ang mapaluha dahil sa nalalapit na pagpapakasal ng dalawa.

Bagamat hindi sinabi nina Ogie at Regine kung kailan eksakto magaganap ang kanilang kasal, may balitang sa December 22, 2010 ito mangyayari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN