James Yap's mother on separation of her son and Kris Aquino: "Huwag na lang ibando sa buong mundo, sa publiko..."

"Kris, sana kung maghiwalay man kayo, mag-usap kayo. Ayusin niyo sa mabuting usapan ang paghihiwalay ninyo... Kasi, alam ko, nasaktan kami sa dami ng nabalita kaya, yun lang, pag-usapan lang ninyo nang maayos," says Mrs. Annie Yap about the separation of her son James and daughter-in-law Kris Aquino (in photo).


Sa bibihirang pagkakataon ay nagsalita ang ina ni James Yap na si Mrs. Annie Yap tungkol sa paghihiwalay ng kanyang anak at ng asawa nitong si Kris Aquino. Sinadya pa ni Pia Guanio ng Showbiz Central si Mrs. Yap sa kanilang bahay sa Escalante, Negros Occidental. Ipinalabas ang naturang panayam kahapon, August 8.

Hanggang ngayon kasi ay laman pa rin ng mga balita ang pakikipaghiwalay ni Kris kay James. Noong bumalik si Kris sa bansa mula sa kanyang three-week vacation sa U.S., kasama ang mga anak na sina Josh at Baby James, sinagot nito ang halos lahat ng katanungan tungkol sa desisyon niyang tapusin na ang pagsasama nila ni James.

Limang taon din nagsama sina James at Kris bilang mag-asawa.

KRIS AS DAUGHTER-IN-LAW. Ang unang tinanong ni Pia kay Mrs. Yap ay kung ano ang naging reaction nito nang una niyang malaman na nililigawan o lumalabas ang anak kasama si Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa totoo lang po ano, ako, magsabi ako ng totoo. Kasi, hindi ako plastic siyempre. Kasi noong unang sinabi niya sa akin, ni James, na sila na raw... Tapos, okay raw ba ako. Sabi ko sa kanya, 'Siyempre, Kris Aquino, 'no, ayoko!' So, 'Bakit Ma?' Wala lang, sabi ko, 'ayoko,'" lahad ng ina ni James.

Hindi itinanggi ng ina ni James na umpisa pa lamang ay tutol na siya sa relasyon ng anak kay Kris.

"Kasi, alam mo naman si Kris, di ba? Iba talaga kami. Mahirap lang kami. Sila, mayaman. Wala naman akong tutol na porke't ganoon siya. Hindi, wala ako niyan. Yung sa ano lang, siyempre, sa buhay namin, angat siya sa amin. Parang ayoko. Parang tutol ako ba... Pero sa huli, gusto ng anak ko, wala kaming magawa. Kami ng papa ni James, e, nandiyan na 'yan, wala kaming magawa," paliwanag ni Mrs. Yap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa panahon na magkasama bilang mag-asawa sina James at Kris, naramdaman ba nila na parang namaliit o iba sila sa pamilya ng actress-TV host?

"Ang hirap sagutin," ang tanging nasambit ng ina ni James sa tanong ni Pia.

Noong mga unang pagkikita nila ng manugang na si Kris, okey ba sila, mabait ba ito sa kanya?

"A, okay naman...okay naman siya."

Nagbago ba si James after nilang magpakasal?

"Hindi nagbago ang ugali ni James," mabilis na sagot ni Mrs. Yap. "Sikat siya, di ba? Yun lang ang sinasabi ko sa anak ko. 'James, iba ka na ngayon, sikat ka. Yun lang ang ano ko sa 'yo, huwag kang magbabago. Huwag lumaki ang ulo.'"

Sa pananaw ng isang ina, sa tingin ba ni Mrs. Yap ay minahal ng anak niya si Kris?

"Siyempre, pinakasalan niya kaya mahal niya si Kris. Hindi naman siguro tayo magpakasal sa taong hindi natin mahal, di ba?" sabi nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE PROBLEMS. Hindi naman kaila sa ina ni James ang ilan sa mga naging problema nina Kris at James. Isa na nga rito ang sinasabing pambababae raw ni James. Tinanong ni Pia si Mrs. Yap kung ano ang masasabi niya sa diumano'y pambababae ng anak.

"Siyempre, basketball player ka, sikat ka. Ang daming babaeng nag-a-idol sa 'yo. Pero sa akin, hindi totoo 'yan. Walang babae ang anak ko," diin ni Mrs. Yap.

Nakausap ba niya ang anak sa mga isyung yun?

"Oo, tinanong ko siya. 'O, James, ano naman ang mga balitang ganyan? Totoo ba yun? Huwag kang magsinungaling sa akin.' Sabi niya, 'Mama, huwag kang maniwala, hindi totoo yun.'"

May naging epekto ba ang mga naturang akusasyon sa mga taong nakapaligid sa kanila?

"Ang daming taong lumapit sa amin, mga kaibigan niya...ayaw naming maniwala na maka-ano si James ng ganyan," sabi ni Mrs. Yap.

Gaano kahirap para sa kanya bilang isang ina na ang problema ng isang mag-asawa ay nababalitaan ng buong madla, ng publiko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napakahirap. Napakahirap talaga," pag-amin ng ina ni James. "Ano lang, wala kaming magawa. Prayers lang. Prayers lang ang palagi kong ginagawa."

Maging ang napabalitang may babae raw na nabuntis si James bago pa man sila magpakasal ni Kris ay kinumpirma na rin ng ina ng basketbolista.

"Oo, meron siyang nabuntis," sabi ni Mrs. Yap. "Alam ni Kris yun. Pero mas pinili niya si Kris, kasi mahal niya. Pero hindi naman nagkulang si James do'n sa anak niya sa iba. Mahal niya si Kris kaya pinili niya si Kris."

Kailan nalaman ni Kris na may anak sa ibang babae si James?

"Noong magkasintahan pa sila, pinaalam na niya. Sinabi na ni James kay Kris na may anak siya."

HOW IS JAMES? Kinamusta rin ni Pia sa ina ni James kung ano ang napapansin nito ngayon na mood ng anak dahil sa paghihiwalay nila ni Kris.

"Siyempre, malungkot siya ngayon kasi, alam mo yung malungkot siya sa anak niya. Yung anak niya ang iniisip niya, si Baby James. Siyempre, bilang tatay, importante sa kanya ang anak niya," sabi ni Mrs. Yap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa palagay ba niya ay naging mabuting ama si James?

"Siyempre, mabuting ama si James," mabilis na sagot nito.

May advice ba siya sa anak?

"Ang payo ko lang sa anak ko, tuparin niya ang obligasyon niya sa kanyang anak. Siyempre, hiwalay na sila [ni Kris], focus siya sa anak niya."

Kung si Mrs. Yap ang masusunod, ano ang gusto niyang maging katapusan ng lahat ng ito between Kris and James?

"Kung sa akin lang, kung maghiwalay man sila, dapat mag-usap sila. Ayusin nila. Pag-usapan nila nang mabuti kung maghiwalay sila, huwag na lang ibando sa buong mundo, sa publiko...para wala na lang taong nasasaktan. Siyempre, naapektuhan ang pamilya namin. Kasi, ano kaming pamilya, tahimik kami. Hindi kami gano'n na puro kuwento-kuwento."

Kung meron mang pagkukulang si Kris bilang manugang at asawa, ano ito?

"Okey naman po sa amin. Kahit hindi siya close sa amin, okey lang. Basta okey lang," maikling tugon ni Mrs. Yap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What about her message to Kris?

"Ano lang po, ito lang ang masabi ko sa 'yo, Kris, sana kung maghiwalay man kayo, mag-usap kayo. Ayusin niyo sa mabuting usapan ang paghihiwalay ninyo."

Naging emosyunal na ang ina ni James sa puntong ito. Aniya, "Kasi, alam ko, nasaktan kami sa dami ng nabalita kaya, yun lang, pag-usapan lang ninyo nang maayos. At James, sa sitwasyon n'yo ngayon, ikaw ang nakakaalam kung paano ninyo...ang problema n'yo. Nandito lang kami, sumusuporta sa 'yo.

"Ano lang, James, huwag ka lang mawalan ng pag-asa. Palagi tayong magdasal. Kasi ano, Siya lang ang sasagot sa ating mga problema. Siya lang. At saka, alagaan mo ang sarili mo. Concentrate ka sa games mo. Mahal ka namin. Mahal ka naming lahat dito."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN