Bela Padilla reveals advantage of being related to Robin Padilla

"I grew up na inspired, na parang lumalaki pa lang ako, nakikita ko na ito yung gusto kong gawin. So, I think, 'yon yung pinakamalaking advantage. Help-wise, Tito Robin is the one who introduced me to Tita Claire [dela Fuente], who is my manager now," says newcomer Bela Padilla.


Una siyang nakilala bilang si Krista Sullivan noong nasa ABS-CBN pa siya. Pero ngayong nasa GMA-7 na siya, kilala na siya bilang si Bela Padilla.

Siya ang gumaganap bilang si Yumi, ang girlfriend ni Johnny, sa primetime series na Endless Love, na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, at Dennis Trillo.

SHOWBIZ TIES. Kamag-anak ni Bela ang action superstar na si Robin "Binoe" Padilla.

Kuwento ni Bela sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "Actually, Cariño side, kamag-anak ko si Tito Robin. Sa mom's side, Mama Eva [Cariño-Padilla, ina ni Robin] and my lola are sisters. First cousin siya ni Mommy, so parang second uncle ko na siya [Robin].

"I grew up with his daughters, so medyo close-knit yung family namin. Kapag Christmas, kami-kami din yung magkakasama. Kaya we're kinda close-knit po, yung family namin. Sina Kylie [Padilla, Robin's second daughter with ex-wife Liezl Sicangco], nakakasama ko sa Party Pilipinas ngayon. So, happy po ako ngayon."

Nakausap ng PEP si Bela sa taping ng Endless Love sa Trinoma Mall sa may North Edsa, Quezon City, kahapon, August 11.

Last year, napanood na si Bela sa huling primetime series ng Tito Robin niya sa GMA-7, ang Totoy Bato. This year naman siya ipinakilala bilang party jock sa musical-variety show na Party Pilipinas at nasundan nga ito ng role niya sa Endless Love.

Ano ang advantage na maging kamag-anak ng isang Robin Padilla?

"Well, more of tulong yung advantage. I grew up na inspired, na parang lumalaki pa lang ako, nakikita ko na ito yung gusto kong gawin. So, I think, 'yon yung pinakamalaking advantage. Help-wise, Tito Robin is the one who introduced me to Tita Claire [dela Fuente], who is my manager now," banggit ng dalaga.

Kumusta naman ang relasyon nila ng "tita" niyang si BB Gandanghari? Si BB ang bagong katauhan ng aktor na si Rustom Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, may style tips kami!" natatawang sagot ni Bela. "Yung recent birthday ni Tito Robin...maraming beses na po [kaming nagkakasama]. Pero ngayon, nasa States kasi siya. Birthday po ni Tito Robin, magkakasama po kami."

Pinuri raw ni BB ang hitsura ni Bela.

"Parang happy daw siya na nag-mature ang histura ko, ganyan. So, sabi niya, okay yung look ko ngayon. Natutuwa naman ako."

Proud din daw siya na kamag-anak niya si BB.

"Of course, of course!" bulalas ni Bela. "E, kung lahat kami maganda, di ba, e, di okay. Maganda naman si Tita BB."

LOVE TRIANGLE. Sa Endless Love, gumaganap si Bela bilang kasintahan ni Johnny (Dingdong). May pressure ba na ka-love triangle siya nina Marian at Dingdong?

"Definitely, there's a pressure!" sagot niya. "Kahit noong bagong pasok ako, kasi they're both very good actors, and I'm sure naman nasubaybayan ninyo yung first few weeks, medyo uncomfortable pa ako nung first few weeks. Ngayon, feeling ko, mas napapakita ko na yung talent ko kasi nasanay na ako kina Ate Marian at saka kay Dingdong. Mas relaxed na ako."

May nakipag-away na ba sa kanya na fans nina Marian at Dingdong dahil sa role niya sa Endless Love?

"Ay, wala pa po, fortunately!" tawa niya. "Actually nung Party Pilipinas last Sunday [August 8], I was hosting the segment of Ate Marian's birthday, tapos okay naman yung fans nila, nakakatuwa."

Wala naman daw dapat mang-away sa kanya.

"Kasi yung role ko naman, hindi naman nila ikakagalit, e," paliwanag niya.

STILL SINGLE. Ayon kay Bela, wala pa siyang boyfriend ngayon.

"Bawal kaming magka-boyfriend lahat! Totoo, hindi nga, bawal talaga," sabi ng 19-year-old TV host-actress.

Sino ang nagbabawal sa kanya?

"Yung mommy ko," sagot ni Bela.

Pero may mga kaibigan naman siyang guys?

"Male celebrity? A, wala pa akong nakakasama masyado. Pero here sa Endless Love, I enjoy talking to Marco [Alcaraz] kasi nakakasama ko si Lara [Precious Lara Quigaman, Marco's girlfriend] before. So, 'yon, parang ka-close ko si Marco. Parang 'yon lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong nandoon pa siya sa ABS-CBN, sino ang mga ka-close niya?

"Nung nandun ako, sina Dino Imperial kasi sa About Ur Luv, sina Chris [Gutierrez], sina AJ [Perez]..."

TRANSFER TO GMA-7. Bakit siya lumipat sa Kapuso?

"Well, I guess lahat naman ng artista kung saan ka may trabaho, doon ka," sagot niya.


Talent ngayon ng GMA Artist Center si Bela.

"And I'm very happy with GMA Artist Center. Five years ang contract ko sa GMAAC, with extra five years. Nasa kanila po yung option to renew."

Bakit si Claire ang manager niya?

"Kasi po, friend siya ni Tito Robin and ngayon, medyo nag-i-start po si Tita Claire na mag-alaga [ng talents]," sabi ni Bela.

Mina-manage din daw ni Claire ang ex-PBB housemate na si Sam Pinto. Totoo bang lilipat na rin si Sam sa GMA-7?

"A, hindi ko po alam 'yan," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN