Model-turned-chef Martin Jickain finds happy career after breakup with Aiko Melendez

by Ruel J. Mendoza
Aug 15, 2010
Martin Jickain shifted careers after his marriage to Aiko Melendez ended in 2007 and studied culinary arts. "I have the passion for it pala. Kahit na noong kasal pa ako kay Aiko, alam niya na hilig ko ang pagluluto. Kaya dito na tayo nalinya talaga," says the former model who is the chef at two restaurants at The Fort.

Luminya na sa ibang career ang ex-husband ni Aiko Melendez na si Martin Jickain. Nakausap namin si Martin during the birthday celebration of Enzo Pineda sa Sofra Lounge Bar sa The Fort last August 11. Siya ang executive chef sa naturang bar.

Two years na nag-aral ng culinary arts ang dating model sa International School of Culinary Arts and Hotel Management. Kinuha niya ang apprenticeship niya sa Aubergine, na located din sa The Fort, kunsaan nagtatrabaho siya ngayon six times week. Dati rin siyang naging executive chef sa Cardinal Santos Medical Center.

Bukod sa pagiging executive chef, he also writes for a food magazine at doon niya sine-share ang mga bagong dishes na kanyang naluluto sa Sofra at Aubergine.

"Since natuto akong magluto, nagustuhan ko iyon and I realize na may talent pala ako sa pagluluto. Kaya I studied culinary arts because I have the passion for it pala. Kahit na noong kasal pa ako kay Aiko, alam niya na hilig ko ang pagluluto. Kaya dito na tayo nalinya talaga," sabi niya.

Continue reading below ↓

OUT OF THE SPOTLIGHT. Sinabi ni Martin na mas tahimik na ang buhay niya ever since naghiwalay sila ni Aiko, may tatlong taon nang nakaraan, at nag-decide siyang pasukin ang bagong career.

Pero magkaibigan pa rin naman daw sila ng kanyang ex-wife. Patuloy ang kanilang communication dahil may isa silang anak, si Marthena. Regular daw niya itong nabibisita at nakakasama tuwing weekend, at di siya pumapalya sa pagbigay ng child support.

"I'm working this hard for my daughter. Mabilis lumaki ang mga bata kaya trabaho lang tayo para sa ating anak. Alam naman ni Aiko kung gaano ko kamahal ang anak namin and she knows how much I put myself sa trabaho ko. Halos wala na rin akong time for myself. Pero ang hindi puwedeng mawala ay ang time ko for Marthena."

Wala na raw balak si Martin na balikan ang showbiz dahil mas masaya na siya sa bagong mundo niya. Kung noon ay laman siya ng mga magazine at TV commercial dahil sa pagiging sikat na modelo, ngayon ay mas masaya na raw siyang nasa kusina siya.

Continue reading below ↓

"My life is so much better now. Mas gusto ko na itong tahimik na buhay. Tama na sa akin yung nakakapanood ng mga balitang showbiz sa TV. Ito na ang mundo ko and I am enjoying it very much," ngiti ni Martin.

Natawa na lang siya nang tanungin kung masaya ba siya at mukhang magpapakasal na si Aiko sa current boyfriend na si Patrick Meneses.

"But, of course, happy ako parati for Aiko. She became a part of my life before and now she's starting a new life with somebody else na mahal niya. Kung magpapakasal sila, I am happy for them."

LOW PROFILE. Natuwa nga si Martin sa muling pagbalik ni Aiko sa pag-arte via the afternoon soap drama Basahang Ginto.

"Magaling na artista si Aiko and she deserves to be back acting. Matagal din siyang nag-serve sa Quezon City as councilor at siguro naman ay tama na iyon. Yung pagiging artista naman ang gawin niya dahil kailangan ng showbiz ang tulad niyang artista."

Continue reading below ↓

Matagal na raw na naka-move on si Martin, pero inamin niyang matagal din bago siya naka-recover sa pagkasira ng marriage nila ni Aiko.

"It wasn't easy, pero I really need to go through that. Now I am okay and I'm happy rin sa personal kong buhay. If you're going to ask me if I'm dating, meron naman. Low profile lang. Yun na kasi ang gusto ko para hindi na maging magulo.

"I learned my lesson the hard way and I want to be careful with the next woman who will be a part of my life right now," pagtatapos ni Martin Jickain.

Read Next
Read More Stories About
Martin Jickain, Aiko Melendez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Martin Jickain shifted careers after his marriage to Aiko Melendez ended in 2007 and studied culinary arts. "I have the passion for it pala. Kahit na noong kasal pa ako kay Aiko, alam niya na hilig ko ang pagluluto. Kaya dito na tayo nalinya talaga," says the former model who is the chef at two restaurants at The Fort.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results