Gretchen Barretto and Angelica Panganiban finally meet after their reconciliation

"Humility is what Angelica Panganiban has taught me. I see Angelica's beauty inside and out. I thank my co-star and friend Derek Ramsay for making it possible for Angelica and me to be friends," says Gretchen Barretto (right) about reconciling with Angelica Panganiban (middle).

Angelica visited the set of Magkaribal, which stars her boyfriend Derek Ramsay (left) and Gretchen, at dawn today, August 19.


Nagkita na sina Gretchen Barretto at Angelica Panganiban pagkatapos nilang magkabati. Naganap ito sa taping ng pinagbibidahang teleserye ni Gretchen sa ABS-CBN, ang Magkaribal. Bida rin dito si Derek Ramsay, ang boyfriend ni Angelica. Dumalaw si Angelica sa set ng nasabing teleserye kaninang madaling-araw, August 19.

Sa panayam ng SNN kay Gretchen, na ipinalabas ngayong gabi, ay inilahad niya ang kanyang damdamin sa pagbabati at pagkikita nila ni Angelica.

Narito ang pahayag ng aktres:

"It is pure joy to make peace at all cost. Humility is what Angelica Panganiban has taught me. I see Angelica's beauty inside and out. I thank my co-star and friend Derek Ramsay for making it possible for Angelica and me to be friends. Angelica came to our Magkaribal set at around 2:30 a.m. today and she brought a lot of joy to everyone. I am so looking forward to countless years of great friendship, fun and laughter."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang nagkaroon ng iringan sa pagitan ng dalawang Kapamilya stars dahil sa "naughty remarks" ni Gretchen tungkol sa co-star niya sa Magkaribal na si Derek. Nagpatutsada si Angelica sa pamamagitan ng kanyang Twitter account. Paliwanag naman ni Gretchen ay naging "playful" lamang siya.

Pero sa live guesting ni Angelica sa The Buzz noong August 8 ay humingi ito ng paumanhin kay Gretchen. Maluwag naman itong tinanggap ni Gretchen, na nagsabi namang may ugali siyang maging "playful" pero baka nga hindi niya naisaalang-alang ang damdamin ng iba. Sinabi rin ng aktres na hindi pa huli ang lahat para maging magkaibigan sila ni Angelica. (CLICK HERE to read related story.)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN