Anne Curtis says feelings for ex-flame Sam Milby will forever be there

Aug 22, 2010
"Sobra yung pagmamahal ko kay Sam. Even until now, it's not the same in love na hayyyy... Grabe 'ko, yung love ko sa tao, forever na yun. Iba yung love ko kay Sam. Five years, hindi mo matatanggal 'yan. It's not that I'm in love with Sam, nandoon lang siya," says Anne Curtis, whose next film In Your Eyes features another ex-boyfriend, Richard Gutierrez.

Habang pa-daring nang pa-daring ang mga roles na ginagampanan ni Anne Curtis, nananatili namang matatag ang desisyon ng aktres na huwag mag-pose sa mga men's magazine tulad ng FHM at Maxim.

Bagamat nakapag-pose na siya sa UNO at Rouge magazines, nagdesisyon si Anne na huwag mag-pose nang sexy sa dalawang unang nabanggit dahil sa ang content daw ng mga ito ay nakaka-trigger ng sexual thoughts sa kalalakihan.

Pero hindi nangangahulugang hindi na papayag si Anne na mag-pose nang sexy sa mga pictorials at kahit nudity pa sa mga pintor.

"If it's by a known artist, photography, pag buntis ako, Demi Moore, di ba, gusto ko. Once in my life gusto ko at least I have one pictorial na super sexy, kasi para masabi kong back in the day na ganyan ang katawan ko. But not for FHM or Maxim," pahayag niya.

MYSTERY PROJECT. Excited si Anne sa isa niyang project na lalabas next year na ayaw niya munang ibunyag pero may kinalaman sa sinasabi niyang sexy pictorial.

Continue reading below ↓

"May isa nang lumapit and I'm willing to do it," pagbabalita niya. Malapit na raw niya itong simulan.

Sinubukan naming hulaan kung ito ba ay pang-magazine, movie, endorsements. Lahat ay itinanggi ni Anne.

"Iibahin ko yung tema nila. Kasi they're so used to having a certain kind of tone. I got my whole theme together. Gagawa kami ng pictorial na magmumukhang pang-exhibit pero sexy," pagbibigay-detalye ni Anne.

Iniiwasan ni Anne na pangalanan ang project dahil baka raw magalit sa kanya ang kanyang manager at biglang umurong sa deal ang mga kausap. Diin lang ni Anne, hindi siya magnu-nude sa pictorial.

"Hindi yata puwede yun, hindi papayagan ng AD Board yun, e," sabi niya.

"Basta, sabi ko lahat ng shot kailangang tastefully done and kailangan pang-exhibit, ilalaban na pang-exhibit... Kasi ilang taon na ako? Twenty-five. I want this na parang yung bawat theme na yun puwede kong i-display sa bahay ko na proud ako. 'Katawan ko 'yan, this was once my body.' Malay natin, two to three years mag-baby na ako, di ba? Sana. Oo naman, naiisip ko na 'yan. Maghahanap muna ako ng asawa ko," inamin niya.

Continue reading below ↓

DATING ERWAN. Sabi-sabing si Erwan Heusaff, isang French-Filipino, na raw ang makakatuluyan ni Anne pero may balitang nag-break na sila, bagay na itinanggi naman ni Anne.

"Alam n'yo, this is why I don't wanna talk about him dahil ang daming nagtu-tweet sa kanya. 'Hey, I heard you no longer dating Anne Curtis.' Na-bother siya, 'What's happening?' Sabi ko, 'No, this will happen many times as long as we're dating. You'll get used to it, don't worry about it.' Sabi niya, 'Okey! I'm confused.' So, ayoko na rin siyang pag-usapan para hindi na rin siya madamay sa mga kaguluhan sa showbiz," kuwento ni Anne.

Itinanggi ni Anne na may sinabi siya sa isang interview na wala siyang lovelife.

"Wala akong sinabing gano'n. Ang sabi ko, 'I'm very happy... dating, and we're seeing each other.' Huwag naman tayong gano'n na may lalim nang sinasabi. Baka ma-tweet na naman yun sa kanya," nakangiting sinabi ng aktres.

Continue reading below ↓

Inamin niyang last year pa sila nagde-date ni Erwan, at isa ito sa mga nagpalakas ng loob niya noong aksidenteng lumabas ang kanyang dibdib sa summer episode ng ASAP XV sa Boracay last March.

Nag-alala si Anne na baka ma-misinterpret siya ng mga kaibigan sa press kaya ayaw niyang pag-usapan si Erwan. Ang rason lang raw niya ay gusto rin niyang protektahan ang rumored boyfriend.

"I have respect for his family and respect din sa kanya. Parang hindi naman niya kailangang pag-usapan pa," eksplika nito.

LOVELIFE OUT OF THE SPOTLIGHT. Mukhang walang showbiz ambition si Erwan dahil hindi raw nito nakayanan ang modeling.

"Sabi niya, 'I'm never doing it again... but I have so much respect for your industry, the long hours that you wait.' Sabi niya, 'I don't think I can.' Kasi yung job [niya] is already nine to six. He works for his father's company... huwag na nating pag-usapan kung ano yung company nila. Pag na-interview ninyo si Solenn, siya na lang ang interbyuhin ninyo," ang sabi ni Anne na ang tinutukoy ay ang babaeng kapatid ni Erwan na kasama sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown.

Continue reading below ↓

Naniniwala si Anne na hindi naapektuhan si Erwan sa mga nababalitaan niyang intimate scenes ng aktres with Richard Gutierrez sa latest movie nilang In Your Eyes. Pero hangga't maaari ay ayaw niyang mapanood ito ni Erwan.

"Hindi naman sa ayaw pero... I've learned with my relationship with Sam [Milby], ang dumi-dumi talaga ng relationship kapag may showbiz na nadadamay," eksplika niya.

"Hindi ko siya itinatago. Kasi dinadala ko siya like sa Uncut Bench show. Visible kami pero hindi lang kami nagpapa-interview. Hindi kami nagtu-talk about it."

FUTURE FAMILY. Hindi pa raw nakikita ni Anne ang posibilidad na si Erwan ang magiging ama ng kanyang mga anak. Pero sigurado si Anne na hindi siya aabot ng 30 years old bago siya magkaroon ng baby.

"Parang 'tanda ko na no'n,'" sabi niya.

Hindi rin sigurado si Anne na mauuna ang kasal bago siya magkaroon ng baby. Ayaw raw kasi niyang magsalita nang tapos.

Continue reading below ↓

"As much as possible na ayoko. Pero kung sakali mang mangyari, it's not like I would go for abortion because it [happens]. That's why you have to be protected and take your precautions so that hindi mangyari. Of course, I want to have it properly done. At laging sinasabi no'ng mga babaeng lagpas ng 30, sana raw mas maaga. No'ng sinabi ko no'n na 25 magbi-baby na ako, mali ako doon," sabi niya.

Kay Sam lang raw nagplano si Anne noon ng pagkakaroon ng baby.

"I don't regret it but it made me learn na huwag kang magbigay ng deadline for yourself dahil kapag hindi nangyari, masakit. Yung... 'Dapat tayo, e! Ikaw yung gusto kong maging...' E, ayoko na! Alam mo yun? I don't really talk about titles. For me, if I'm seeing someone I'm seeing someone. Ayokong magbigay ng... 'Siya yung magiging ano.' Ayoko nang gano'n."

Pero hindi raw sa hindi pa handa noon si Sam na magka-baby sila ni Anne.

Continue reading below ↓

"Sam and I had gone to the extent of naming—" biglang putol ni Anne bago masabi ang napiling pangalan para sa magiging anak sana nila.

UNDYING LOVE. Hindi kumbinsido si Anne na ayaw tanggapin ni Sam ang nababalitang anak nito sa sister ni Uma Khouny. Magka-batch sina Sam at Uma sa Pinoy Big Brother Season 1.

"I know Sam more than anything. Kung totoo man na anak niya yun, I'm sure he'll consider that as a blessing," sabi ni Anne.

"Pero as long as walang proof na anak niya, siyempre, di ba? Kahit ako naman, I want to have proof, DNA test or whatever. Kahit na accident lang yun. 'Saka yung sister yata ang may ayaw, di ba? To talk about it... Ayoko na, baka mag-away kami ni Uma!! Hahahahaha! Nakasama ko pa si Uma, e.

"Well, kung sinasabing hindi nagbibigay ng sustento. Ang point ko, bakit kailangang bigyan ng sustento kung wala pang proof. The easiest way is to get a DNA test. E, bakit ayaw nilang mag-DNA test. Napanood ko yung interview niya sa Paparazzi. Sabi niya, 'Ayoko na, ayoko nang pag-usapan.' Gusto kong makita kung ano ang sasabihin niya [Uma]."

Continue reading below ↓

Biglang naiba ang tema ng pag-uusap. "Sobra yung pagmamahal ko kay Sam," patuloy ni Anne. "Even until now, it's not the same in love na hayyyy... Grabe 'ko, yung love ko sa tao, forever na yun. Iba yung love ko kay Sam, five years. Hindi mo matatanggal 'yan. It's not that I'm in love with Sam, nandoon lang siya. 'Saka nakilala naman ako ni Erwan na may gano'n na."

Hindi raw pinagseselosan ni Erwan si Sam. Sa katunayan nagkakilala na raw ang dalawa.

Inamin rin ni Anne na ang lahat ng mga ibinigay sa kanya ng nasabing ex-boyfriend ay hindi niya isinoli. Gayundin ang actor-singer sa mga ibinigay ni Anne sa kanya.

"Sam and I don't believe in that. Kasi that's something you both shared, e. For me, mas masakit yun na parang, 'Ibinigay ko ito sa iyo, e, ibabalik mo?' Like Sam still uses the bag that I gave him. I still use the Chanel bag that he gave me, alam mo yun.

Continue reading below ↓

"Of course, there are some things na kailangan mo na ring itago, yung mga letters. In order to help you move on... Kasi pag babasahin mo nang babasahin, nag-i-stir up yun ng emotions, e. Yung iPad, gamit-gamit ko pa rin," pag-amin niya.

GOING UP AGAINST NOONTIME GIANT. Samantala, mag-iisang linggo na mula nang itapat ang programa niyang Showtime sa consistent top-rating noontime show na Eat Bulaga!

Hindi naman idini-deny ni Anne na may kaba pa rin sa dibdib nila ng mga katrabaho niya ang pagtatapat ng show sa itinuturing na pader ng noontime viewing.

"Kumbaga, hindi namin teritoryo yun, e. So, we're very nervous but at the same time we're happy to take on the challenge na ibinigay sa amin ng management. Wala namang pagbabago dahil kung ano yung ginagawa namin ng 10:30 a.m., yun pa rin naman ang ginagawa namin ng 11:45. Mas lumawak lang yung audience namin.

"Kasi before, ang market namin college students. Yun ang mga nagpupunta. Ngayon, kahit lunch break napapanood na nila. Yung iba nagti-Twitter sa akin, ginagamit nila yung MyPhone, nanonood raw sa klase. Now, they can watch kasi lunch break for everyone."

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sobra yung pagmamahal ko kay Sam. Even until now, it's not the same in love na hayyyy... Grabe 'ko, yung love ko sa tao, forever na yun. Iba yung love ko kay Sam. Five years, hindi mo matatanggal 'yan. It's not that I'm in love with Sam, nandoon lang siya," says Anne Curtis, whose next film In Your Eyes features another ex-boyfriend, Richard Gutierrez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results