Screenwriter Ricky Lee reflects on his relationship with Regal Films and Mother Lily Monteverde

Aug 25, 2010
Multi-awarded scriptwriter Ricardo "Ricky" Lee has witnessed the birth and growth of Mother Lily Monteverde's Regal Films. "Para na rin akong Regal Baby!" he laughed during a recent interview with PEP (Philippine Entertainment Portal).

Hindi na mabilang ng tanyag na screenwriter na si Ricky Lee kung ilan na ang naisulat niyang pelikula para sa Regal Films.

"Ang dami na, mula pa noong mga Nasaan Ka Nang Kailangan Kita? [1986], Dyesebel [1990] ni Alice Dixon, Relasyon [1982], So Happy Together [2004], and Sabel [2004]—ang dami, dami na, e," masayang bungad ni Ricky nang makausap ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong August 19, sa grand press conference ng Mamarazzi,na ginanap sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Special 50th anniversary offering ng Regal ang nasabing pelikula, na pinagbibidahan ng komedyanang si Eugene Domingo, kasama sina John "Sweet" Lapus, Diether Ocampo, Carla Abellana, Andi Eigenmann at marami pang iba.

Ngayong araw, August 25, ang first day of showing ng Mamarazzi at mapapanood ito sa lahat ng sinehan nationwide.

Naputol ang pakikipagtrabaho ni Ricky sa Regal dahil natali siya sa Star Cinema—ang film production outfit ng ABS-CBN, kung saan naging creative consultant si Ricky ng limang taon.

Continue reading below ↓

Kahit alam ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde at ng anak nitong si Roselle Monteverde-Teo na malabong sumaglit sa bakuran nila si Ricky para gumawa ng proyekto, hindi naman tumigil ang dalawa sa kakakulit sa premyadong manunulat.

Kuwento ni Ricky, "Sabi nila, 'Gawa ka, gawa ka ng pelikula.' Sabi ko naman, 'Exclusive [contract] ako Mother.' Pero hindi sila tumigil at kakatiyaga and never nag-give up. Kasi maski turn down ako nang turn down, alok pa rin sila nang alok sa akin hanggang may natuloy."

PRODUCER AND FRIEND. Malalim ang pinagsamahan nina Ricky at Mother Lily sa loob ng maraming taon nang paggawa nila ng pelikula. Higit na nga daw sa simpleng producer-scriptwriter ang naging turingan nila dahil may genuine friendship sila sa isa't isa.

Katulad din ng ibang nakakakilala kay Mother Lily, mahirap daw ilarawan ang long-time film producer dahil punong-puno ito ng mga kontradiksyon bilang negosyante at bilang malapit na kaibigan.

"I'm sure alam ito ng marami sa industriya kasi ang dami namang kuwento-kuwento about Mother. Mixed lahat e, nakakabaliw, unpredictable na masaya, na magulo, na very warm, halo-halo, e. Kasi si Mother can be very demanding, but on the other hand can be very compassionate," paglalarawan ni Ricky.

"Ano siya, opposite ends. Pero kasundo ko si Mother mula nung simula hanggang ngayon. In fact, nung gusto niyang gumawa ng libro tungkol sa buhay niya, go ako. Ako, hindi ako magsusulat tungkol sa isang tao if I don't like the person. So ako, go ako na gawin 'yong biography niya.

"'Pag may problema ako dati, depressed ako, may time na tinitira ako sa press kabi-kabila, natatakbuhan ko siya and nakikinig siya. So, pag hirap ka sa pera, matatakbuhan mo siya," natatawang pahayag ni Ricky.

"Pero on the other hand, napaka-unpredictable niya. Kung minsan palit nang palit ng project, and so on. Pero never kaming nag-away ni Mother."

Continue reading below ↓

WORKING WITH MOTHER. Kadalasang nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan ang producer at ang direktor, kasama na rin dito ang scriptwriter, subalit hindi raw naranasan ito ni Ricky sa mga panahong gumawa siya ng proyekto sa ilalim ng Regal.

"Si Mother, hindi nakikialam sa script... Like when we were doing Sabel, kinuwento lang sa kanya ni Joel Lamangan 'yong maiksing synopsis, tapos sabi ni Mother, 'Ay, go na! Shoot na tayo bukas.' Sasabihin niya lang sa umpisa 'yong gusto niya, like 'Gusto ko may ganitong character. Uy, gawin ninyo 'yong ganito. Uy, gawin ninyong nakakatawa.' Very general pero hindi naman siya 'yong nakatutok na do this, do that, which I experienced with other producers," bulalas ni Ricky.

"Pero ako naman as a scriptwriter, hindi ako against sa tutok kasi gusto ko 'yong mga katrabaho ko, including my producers, interested sa project. So, as along as 'yong concern nila is gawin pa nating mas maganda 'yong pelikula, and I don't mind na gawin nating mas kumita, huwag lang sirain 'yong pelikula at 'yong laman ng pelikula, okay na ako dun. Mas ayaw ko 'yong producer na indifferent at walang pakialam. Pero kung nakikialam na, na binabago na ['yong script], siyempre magpu-protesta ka na, or umalis ka na lang sa project."

Continue reading below ↓

MOST MEMORABLE REGAL PROJECT. Sa lahat ng nagawa niya sa Regal, pinakamalapit sa puso ni Ricky ang pelikulang So Happy Together.

Taong 2004 nang maipalabas ang nasabing pelikula na pinagbibidahan nina Kris Aquino, Eric Quizon, Jay R, Mark Herras, Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, at Rainier Castillo.

Paliwanag ni Ricky, "Hindi ko sinasabing napakaganda niyang pelikula, baka mas maganda pa 'yong iba kong nagawa sa Regal, e. But masaya ako nung ginawa namin 'yon from start to finish, ang saya-saya ko. Isang natatandaan ko na gustong-gusto ko sa Regal, pero konti ang nakapanood at matagal na matagal na panahon na, is 'yong Sinner or Saint (1984) ni Claudia Zobel—gustong-gusto ko 'yon pero konti ang nakapanood."

MAMARAZZI. Nilinaw naman ni Ricky ang kanyang naging involvement sa pelikulang Mamarazzi. Ayon sa batikang manunulat, nag-evolve na ang istorya ng pelikula, kumpara sa original plot nito noong binubuo nila ang script at storyline.

"Nang inalok nila ako that time, kuwento ito ng tatlong single mothers: si Judy Ann [Santos], si Eugene Domingo, at si John Lapus. So, isang bakla and then dalawang babae—tatlong single mothers ang kuwento. Then hindi naging available na si Judy Ann dahil nag-asawa then nabuntis. Pero dun nagsimula 'yon and 'yon lang ang alam ko that time.

Continue reading below ↓

"Nung inalok ito sa akin, matagal akong hindi nag-pelikula, parang nabakante talaga ako kasi nag-libro ako... So, nung inalok ako ni Joel [Lamangan] tuwang-tuwa ako dahil gusto kong mag-pelikula. Ikalawa, dahil comedy. Matagal ko nang gusto mag-comedy and hindi ako mabigyan-bigyan ng chance. Ikatlo, gusto ko si Eugene. Sabi ko may utang na loob ako sa kanya kasi tumulong siya sa akin sa launching ng Para Kay B, so sabi ko gusto ko tumulong din dito sa project.

"Kaya lang dumating 'yon sa time na marami akong trabahong inaayos sa ABS-CBN and eventually nagpa-workshop ako sa ABS nang todo, so I had to turn over the project to Chris Violago. Kaya ako, involved lang ako dun sa first draft, then later nag-take over na si Chris dun sa project and hindi na ako na-involved at all."

MOTHER LILY'S BIO. 2008 nang pormal na maipakilala si Ricky bilang isang nobelista. Ang una niyang nobela, Para Kay B (O Kung Paano Dinevastate ng Pag-ibig ang 4 out of 5 sa Atin), ay inilunsad noong November 30, 2008 sa UP Bahay ng Alumni, University of the Philippines, Quezon City.

Continue reading below ↓

Nasundan naman ito ng relaunch ng Si Tatang at Mga Himala ng Ating Panahon—isang anthology na kung saan inipon ang mga nakaraang artikulo ni Ricky bilang journalist, maikling kuwento, sanaysay, at screenplay ng pelikulang Himala.

Ginanap naman ang launching ng nasabing libro sa Powerbooks, SM Megamall, Mandaluyong City noong May 31, 2009. Special Edition kung tawagin ang huling printing ng Si Tatang at Mga Himala ng Ating Panahon dahil may mga dinagdag na piyesa na wala sa 1988 version.

Bukod sa mga nabanggit na titulo, mayroon ding scriptwriting manual na ginawa ni Ricky, Trip to Quiapo, at ilan pang published screenplays tulad ng Pitik-Bulag sa Buwan ng Pebrero, Brutal/Salome, Moral, at Bukas May Pangarap.

Aminado si Ricky na sobrang enjoy siya sa pagsusulat ng libro, at ito rin ang dahilan kung bakit pansamantala siyang tumigil sa paglikha ng screenplays.

Earlier ay nabanggit niya ang proposed biography ni Mother Lily, na siya ang napipisil na magsulat.

Continue reading below ↓

"Twice na niyang [Mother Lily] binanggit, and then nag-meeting na kami and everything, then sabi niya huwag na muna, so nasa hold status siya ngayon. But any time, excited akong gawin. Pag nagkikita kami ni Mother binabanggit niya, 'Gawin natin, gawin natin.' Pero, so far hindi pa natutuloy nang todo-todo, which is okay with me kasi ang dami kong naka-line up na kailangan tapusin muna," sambit ni Ricky.

Bilang isang manunulat na pamilyar sa panlasa ng nakararami, ano sa tingin ni Ricky ang magiging appeal ng buhay ni Mother sa ordinaryong mambabasa sakaling matuloy ang book project?

"Unang-una, 'yong personalidad ni Mother. Si Mother, Pinoy na Pinoy, and ang Pinoy mix-mix, e—nakakatuwa na nakakaiyak at minsan hindi mo mahulaan, hindi mo ma-predict ang susunod na gagawin ni Mother. Ang pagkatao pa lang niya is very interesting na. Kung may character sa pelikula sa buong history ng Philippine movies na magandang gawin, isa sa magandang gawing character ay 'yong character ni Mother. So 'yon pa lang, character niya, interesting nang isulat, interesting nang basahin.

Continue reading below ↓

"Aminin na natin, part ng kulturang Pilipino ang Regal, e. Kumbaga, for 50 years, compared sa classroom at simbahan, parang hindi nila [the public] alam na tinuturuan sila kung paano mag-isip, kung paano makaramdam, so naging eskuwelahan ang Regal for 50 years. So ganun kalaki ang naging impluwensiya ni Mother, for better or for worse, sa Philippine culture at hindi mo puwedeng balewalain."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Multi-awarded scriptwriter Ricardo "Ricky" Lee has witnessed the birth and growth of Mother Lily Monteverde's Regal Films. "Para na rin akong Regal Baby!" he laughed during a recent interview with PEP (Philippine Entertainment Portal).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results