Matteo Guidicelli admires Sarah Geronimo's talent but he's not courting her

"Araw-araw, nasa gym ako. Nagba-bike ako. I have a healthy lifestyle, healthy diet. I just like to show people that I have a healthy lifestyle. Everything's natural. Everybody can do what I'm doing and it's possible," says Matteo Guidicelli about building up his hunky body.


Nagkabiruan sina Matteo Guidicelli at Andi Eigenmann sa press conference ng Cosmopolitan September 2010 issue kahapon, August 31, na ginanap sa Salt & Pepper restaurant sa San Juan. Si Andi kasi ang nasa cover ng magazine, samantalang si Matteo naman ay isa sa 10 Celebrity Centerfolds na kasama sa special supplement ng Cosmo.

Tinanong ng press ang magkapareha sa ABS-CBN teleserye na Agua Bendita kung ano ang masasabi nila sa kanilang mga pictorial sa magazine, si Andi bilang cover girl at si Matteo bilang isa sa centerfolds.

Hirit agad ni Matteo sa kanyang leading lady sa Agua Bendita: "Sexy rin ni Andi... O, tingnan n'yo!" sabay turo sa picture ng kapareha.

AGUA BENDITA. Hanggang sa Biyernes (September 3) na lang ang Agua Bendita, ano pa ba ang aabangan ng mga manonood sa primetime series nila?

"Marami pang explosive na istorya that will come out. Basta watch it, please, please watch it!" sabi ni Matteo.

Mami-miss din ba niya si Andi ngayong tapos na ang pinagsasamahan nilang teleserye?

"Opo naman," sagot ng car racer turned actor. "I've been working with Andi and she's an amazing person, and I'm gonna miss everybody. You see them three times a week, ngayon, wala na. Kasi, wala nang taping. Talagang mami-miss ko ang Agua Bendita, mami-miss ko si Andi, mami-miss ko silang lahat."

Wala pa ba silang next project na magkasama pa rin sila?

"Soon daw po, pero wala pang confirmed na project," sabi niya.

Pagdating naman sa pelikula, mukhang malabo pa raw silang maging magkapareha. Si Matteo kasi ay may kontrata sa Star Cinema and Andi is a contract star of Regal Films.

SARAH GERONIMO. Tinanong din ng PEP si Matteo tungkol kay Sarah Geronimo na nali-link sa kanya. Kumusta na sila?

"I'm very proud that she's got Idol [the show replacing Agua Bendita]. I wish her the best. Good luck to her. Sana we could talk soon and everything."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sa TV ay si Andi ang kapareha ni Matteo, in real life, si Sarah raw ang totoong nililigawan niya. How true?

"Hindi po, friends lang kami," tanggi ni Matteo. "I admire her. I admire her talent so much that I wish I could work with her."

May balita ring kaya hindi nag-develop into something romantic ang relasyon nila ni Andi ay dahil si Sarah ang talagang gusto niya. Ano ang masasabi ni Matteo rito?

"Ay, hindi po, hindi naman po. Kahit sino, I'll be professional. I'll work with anybody. Pero Sarah is one of the ladies I really wanna work with," sagot niya.

Hindi niya liligawan si Sarah?

"Hindi po, hindi po," diin ni Matteo.

Dahil ba nauna na ang takot niya sa parents ni Sarah?

"Hindi po, I don't have the chance to get closer to her. She has work nga po. I have work. There's never a moment na magkasama kami. Wala, trabaho muna. Bago pa ako sa industriya, so trabaho muna ako."

COSMO HUNK. Bilang isa sa 10 Celebrity Centerfolds, inaasahang rarampa si Matteo sa Cosmo Bachelor Bash on September 9 sa World Trade Center. Ano ang puwedeng ma-expect ng mga girls and gays na manonood sa kanya?

"They'll see something that they've never seen before," sagot ni Matteo. "I'm preparing. I've been working hard a lot. Sobrang todong-workout. So, September 9 will be crazy and fun. Yun po"

Magta-trunks ba siya?

"Hindi ko pa po alam," nakangiti niyang sabi.

Kung sakaling trunks lang ang ipapasuot sa kanya, okay lang ba sa kanya?

"Baka...baka...tingnan natin."

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Matteo kung anu-ano ang preparations na ginawa niya para mapaganda pa ang kanyang katawan.

"Well, nagdyi-gym ako. Araw-araw, nasa gym ako. Nagba-bike ako. I have a healthy lifestyle, healthy diet. I just like show people that I have a healthy lifestyle. Everything's natural. Everybody can do what I'm doing and it's possible," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN